Nagising ako nang 3:20pm kaya naman nagbihis na ako at nag ayos kaunti nang sarili. Si Gavin lang naman ang makakausap ko kaya bakit pa ako mag aayos nang todo? Hindi naman siya importanteng tao.
Isang simpleng pink T-shirt at faded jeans lamang ang sinuot ko tsaka brown flat shoes bago ko kinuha ang sling bag ko at lumabas. Pagkababa ko nang hagdan ay naabutan ko si Daddy sa sala na nanonood sa TV habang humihigop nang kape, napansin naman niya ako kaagad.
"Dominique, saan ka pupunta?" Aniya nang tuluyan na akong makababa.
"May pupuntahan lang Dad. Don't worry po hindi naman ako magtatagal," Sabi ko tsaka lumapit sa kanya para yumakap bago umalis papunta sa restaurant nila Gavin.
Pagkarating ko roon ay nakita ko na agad siya na nakaupong mag isa habang nagtitipa sa cellphone niya. Alam kong kanina pa 'to naghihintay sa'kin. Pumasok ako sa loob at umupo sa kaharap niyang upuan.
"So, what are we gonna talk about?" Deritso kong sabi nang makaupo.
Ibinaba naman niya ang cellphone at napatingin sa'kin.
"Harper, dederitsuhin na kita kung bakit gusto kong makipag usap sayo. I want you to stop what you're doing," deritsang aniya at napataas ang isa kong kilay roon.
"What if I won't stop?" Taas pa rin ang kilay na sabi ko.
"Just please stop Harper. I know that I broke your heart and you're mad at me but Harper I can't lose Chandra. I love her so much-" Pinutol ko na agad siya.
"Eh kung mahal mo naman pala siya eh bakit mo kami pinagsabay?" Tanong ko with a sharp look.
"At first, pinaglalaruan ko lang din talaga si Chandra just like you but as the months passes I develope feelings for her. Kaya nung marealize ko iyon gusto ko na sanang makipag break sayo kaya lang nalaman mo agad na pinagsabay ko kayo kaya hindi ko nagawa..." Paliwanag niya.
Tang*na? Sigurado na ba talaga si Chandra na papakasalan niya ang lalaking 'to? Buti nalang pala at hindi nainlove sa'kin 'to baka buong buhay kong pagsisihan na nagpakasal sa kanya. Talaga pa lang napaka tang*na nito eh.
"Kaya humihingi ako nang tawad sa nagawa ko sayo Harper. Sana mapatawad mo ako," Dagdag pa niya.
Tingin niya ba ganun lang iyon kadali at papatawarin ko na agad siya? Na sa isang sorry niya lang ay okay na lahat na iyon? Napaka kapal naman nang pagmumukha nito sobra.
Bago paman ako makasagot sa kanya para sabihing hindi iyon ganun kadali ay may biglang padabog na nagbukas nang glass door dahilan upang mapatingin kaming lahat rito. Hindi na ako nagtaka nang makitang si Chandra iyon na papalapit na samin at madilim ang ekspresyon samin.
Napatayo si Gavin sa kinauupuan niya at sinalubong si Chandra na ang tingin ay nasa akin.
"You're that girl?! Hindi ba at ikaw 'yung Teacher nang kapatid ko?!" Aniya sa akin while I remain sitting and just watching her. "Ang kapal nang mukha mong makipag kita sa fiancé ko after what you did on our engagement party!"
"Babe, calm down." Rinig kong sabi ni Gavin kay Chandra and Chandra gave Gavin a glare.
"Calm down?! How do I calm down?! Nakikipag kita ka sa babaeng 'to! Why? Are you two having an affair? Gavin, hindi pa tayo kinakasal pero nangangalawa ka na!" Gusto kong matawa sa pinag sasabi ni Chandra.
Napailing nalang ako at tumayo na sa kinatatayuan ko. Naka tutok na ang mga cellphone nang ibang customers samin dahil sa gulo kaya gusto ko nang umalis para makaiwas.
"Sagutin mo ako Gavin! Are you two having an affair?! " Ulit ni Chandra na ngayon ay luhaan na sa harap ni Gavin.
But before I could get my self out, the glass door opens again and Rylan enters. When he saw me he immediately came to me and grab my wrist then pull me out. Nakita ko pang napatingin samin sina Gavin at Chandra na napatigil.
Nang makalabas kami sa restaurant ay tuloy tuloy lang ang paghila sa'kin ni Rylan hanggang sa makarating kami sa gilid nang kotse niyang nakapark sa tabi nang sa akin. Bakit parating nakapark ang kotse niya sa tabi nang sa akin? Sinasadya niya ba 'yun?
"Ano ba, Rylan! Let me go!" Sigaw ko sa kanya at binitawan naman niya ang kamay ko.
He look at me sharply. "Bakit nakipag kita ka kay Gavin?"
Sinamaan ko siya nang tingin. "Eh pakialam mo ba kung nakipag kita ako sa kanya."
Nag tangis ang bagang niya sa sinabi ko. Iniwasan ko namang mapasandal o madikit sa kotse niya dahil baka kung ano na namang mangyari.
"Kakadischarge mo lang sa ospital kanina ah? Hindi ba't sinabi kong magpahinga ka muna? Ang tigas talaga ng ulo mo, Harper." Inis na aniya.
"Nakapag pahinga ako, FYI! Tsaka bakit ka ba nagagalit?" Sikmat ko naman sa kanya.
"Because I'm your Doctor!" Galit na sagot niya.
Natawa ako. "Wala na tayo sa ospital kaya hindi na kita Doctor, Rylan."
"Yeah, wala na nga tayo sa ospital." aniya.
And then, I remember what Mrs Sarmiento had said earlier. Kaya isinukmat ko na iyon sa kanya.
"And ano 'tong sinasabi ni Mrs Sarmiento na sinabi mo raw sa kanyang boyfriend kita? Kelan pa Rylan? Bakit hindi ko alam?" Sikmat ko.
Ang kaninang matalim niyang tingin sa'kin ay napalitan nang namumungay. Darn...
"Bakit hindi ba? We already had s*x two times and we even kissed. Hindi mo pa rin ako boyfriend sa ganun nating ginagawa? Huh, Harper Dominique Arqueza?" Aniya at natigilan ako nang banggitin niya ang buo kong pangalan.
Shit! I can feel that my heart is pounding so loud! Tang*na, what is he doing to me?
I can't utter any word lalo na nang inilapit niya ang kanyang mukha sa akin at nahigit ko ang hininga sa lapit niyon pero iniiwas niya ang mukha at naramdaman ko nalang ang hininga niya sa may batok ko tsaka siya bumulong sa tainga ko.
"You're my girlfriend now, Harper. So be a good girl and don't be so hard headed or else there will be third... fourth... fifth... and many more will happen again. My Gorgeous Girlfriend. "
*
Don't forget to VOTE, COMMENT, and FOLLOW my dear readers ^^
![](https://img.wattpad.com/cover/341494499-288-k409673.jpg)
BINABASA MO ANG
Love In Between Revenge | COMPLETED
RomanceMaganda, sexy, matalino, at mayaman. 'Yan si Harper Dominique Arqueza ang nag-iisang anak nang isang kilalang Bilyonaryo sa Pilipinas at sa ibang bansa. Maraming nagkakandarapa sa kanyang mga mayayaman ring lalaki ngunit tanging ang bumihag sa kanya...