Makalipas ang tatlong araw ay na discharge na ako sa hospital. Napag alaman kong dinala pala ako nina Daddy sa RMH na pagmamay ari ni Rylan dahil kilala iyon at yun ang pinakamalapit na hospital sa amin. Sa nagdaang tatlong araw ay wala naman masyadong naganap sa amin ni Rylan, papasok lang siya sa room ko para e-check ang lagnat ko pero minsan ay iyong lalaking nurse na ang gumagawa nun at pinapainom ako nang gamot. Ni ayaw na niya akong pansinin o kahit kausapin man lang, kung magtatanong naman ako napakatipid ng mga sagot niya. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa nangyari sa kotse ko o doon sa parang sinisisi niya pa ako sa nangyari sakin.
"Mabuti naman at nakauwi ka na," Naabutan ko sa sala nang bahay namin si Ashley na mukhang hinintay akong makarating sa mansion.
Nginitian ko siya at bumeso. "Hi Ash."
She just rolled her eyes. "Hi mo mukha mo! Pinag alala mo akong gaga ka. Tsk. Hindi na ako nakadalaw dahil nasa Morocco ako."
"Ano naman ang ginagawa mo sa Morocco, gaga ka?" Nakataas ang kilay na tanong ko habang dahan dahang umuupo sa sofa.
She flip her hair. "Duh! Nakalimutan mo bang Flight Attendant ako? Gaga ka!"
Natawa nalang ako nang sabihin niya iyon. Syempre, hindi ko makakalimutang isa siyang FA sa mismong Airline nila na pag mamay ari, na ngayon ay hinahandle nang Ate Nicole niya.
Umupo siya sa tabi ko tsaka sumiksik nang kaunti. "Sabi sakin ni Yaya Gloria, napaka gwapo daw nang Doctor mo."
Ipinakita ko sa kanya ang bored look ko. "Si Rylan 'yun eh."
Her jaw drop. Sinabi lang ata ni Yaya Gloria na 'napaka gwapo' nang Doctor ko pero hindi niya sinabing si Rylan. Hindi din naman kilala ni Yaya si Rylan at kung kilala man niya ito 'yun ay bilang Doctor ko lang.
"Ohmyghad... So you mean, si Rylan ang nag-alaga sayo sa hospital?" Nanlaki ang mga matang aniya.
"Syempre, siya 'yung Doctor ko eh." Sabi ko pa na iniikot ang mga mata.
Hinampas niya ang braso ko at napa- aray ako sa ginawa niya.
"Tang*na mo talaga Harper!" Mura niya pa at tumawa.
"Ashley, Harper, hali na muna kayo at kakain tayo." Pareho kaming napalingon kay Daddy nang tawagin niya kami. He's smiling to us.
"Tumayo ka na dyan Harper, o baka ayaw mong kumain at gusto mo pang bumalik sa hospital para maalagaan ka ulit nang Doctor mo?" Sabi pa ni Ashley na ngayon ay nakatayo na at nakangisi sakin.
Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Tumahimik ka nga Ash! Baka marinig ka ni Daddy."
Pero mas lalo lamang siyang ngumisi sakin at nauna nang pumunta sa kusina. Sumunod naman agad ako at bumungad sa'kin ang iba't ibang pagkain na nasa mesa, umupo na ako sa tabi ni Ashley.
"Dominique, kumain ka nang marami para tuluyan ka nang gumaling." Sabi pa ni Daddy at nilagyan ng kung anu anong pagkain ang plato ko. Napangiwi ako sa dami niyon na halos mahuhulog na ang iba sa plato ko. Nakita kong natatawa si Ashley sa ginagawa ni Daddy sa'kin. Well, Daddy is being so caring again.
"Dad, hindi ko mauubos ang lahat nang 'to." Sabi ko kay Daddy na nakabusangot na habang dahan dahang sumusubo.
"Kahit hindi na maubos 'yan anak basta marami ka lang makain," ani naman ni Daddy at nagsimula na ring kumain.
Matapos naming makapag launch ay pinaakyat na ako ni Daddy sa kwarto ko para makapagpahinga na raw ako at umuwi na rin si Ashley dahil may flight ulit sila papuntang Italy.
Pagkahigang pagkahiga ko sa kama ko ay bigla kong naalala ang mga estudyante ko, tatlong araw akong wala kaya nag aalala ako kung sinong nagbantay o nagturo sa kanila sa dumaang biyernes na nasa ospital ako. Kaagad akong napatawag sa principal nang Nuer Elementary at inihanda ko na ang explanation ko kasi baka pagalitan niya ako.
Sinagot naman niya kaagad ang tawag ko. "Yes, Hello?"
"Mrs Sarmiento, this is Harper Arqueza. Uhm, gusto ko lang po mag sorry sa hindi ko pagpasok nitong biyernes-" She cut me and I'm ready hearing her angry voice but it's not what I've expected.
Tumawa siya sa kabilang linya. "Harp, hindi mo na kailangang mag sorry at mag explain. Mr Jainar called me three days ago about what happened to you and I understand it. Don't worry Harp habang wala ka nung biyernes ay si Rhea na muna ang nagbantay at nagturo sa mga bata."
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Rylan called her three days ago? Pero ang akala ko galit sa'kin 'yun...
"Pero bakit hindi mo sinabing boyfriend mo pala si Mr Jainar? Nagulat tuloy ako nang sabihin niya. Sige, 'yun lang ba? Ibababa ko na Harper ha, we're having a family bonding now. Bye!" Aniya sa kabilang linya bago niya ito pinatay.
What the?! Boyfriend?! Kelan ko pa siya naging boyfriend?! Hindi ako nainform! Hindi naman siya nanligaw sa'kin at wala naman akong naalala na sinabi ko sa kanyang boyfriend ko siya ah?!
Tatawagan ko na sana si Ashley para hingan ako nang number ni Rylan kay Jorlann nang mag ring ang cellphone ko at nag pop up roon ang taong hindi ko na inaasahang tatawag pa sa'kin. Psh, hindi ko pa pala nabubura ang number nito. Pero ano naman kayang kailangan nitong tang*nang lalaking 'to?
Sinagot ko naman ang tawag niya at sinalubong siya sa malamig na tono. "Bakit?"
"Harper, I want us to talk. Please," Para saan naman kaya? Tsk.
"Nag uusap na tayo, " Malamig ko pa ring sabi.
"Not in the phone. Gusto ko tayong mag usap nang personal." Aniya sa kabilang linya.
"Okay. Just tell me where and when cause I'm busy right now." Pagsisinungaling ko.
"At our restaurant. 3pm. Is that okay?"
"Okay." Sagot ko bago pinatay ang tawag niya.
Napaka kapal naman nang pagmumukha nun para makausap pa ako pagkatapos nang ginawa niya. Pasalamat nalang talaga siya at gusto ko rin siyang makaharap para man lang masampal at masuntok nang personal dahil sa galit ko.
It's 1:48pm pa kaya naman matutulog nalang muna ako para makapagpahinga at gigising nalang mamayang 3pm. Bahala siyang mag antay doon kung sakali mang malate ako nang dating siya naman gustong makipag kita sa'kin eh.
*
Don't forget to VOTE, COMMENT, and FOLLOW
![](https://img.wattpad.com/cover/341494499-288-k409673.jpg)
BINABASA MO ANG
Love In Between Revenge | COMPLETED
RomanceMaganda, sexy, matalino, at mayaman. 'Yan si Harper Dominique Arqueza ang nag-iisang anak nang isang kilalang Bilyonaryo sa Pilipinas at sa ibang bansa. Maraming nagkakandarapa sa kanyang mga mayayaman ring lalaki ngunit tanging ang bumihag sa kanya...