24

55 1 0
                                    

Three days had already passed since that incident happened and a life was taken. Tatlong araw na ring walang paramdam sa'kin si Rylan ngunit kahit ganun ay sinubukan ko pa ring magtiwala sa kanya. Hindi siya iyong tipo ng lalaking bigla-bigla nalang mang-iiwan, and I'm sure that he is more than better than my ex.

"Are you not going to back out, Harper?" Tanong ni Ashley na naunang lumabas sa kotse at kasunod ako.

Tumango ako sa kanya. "Oo. Parang nanay ko na rin iyang si Yaya Gloria at kahit pa galit ang pamilya niya sa'kin ay hindi nun mapipigilan ang kagustuhan kong makita man lang siya sa huling pagkakataon. Tsaka andito ka naman, si Jorlann, Daddy, at itong mga bodyguards. I'm sure hindi n'yo naman ako hahayaang masaktan."

Naka-all black attire kaming lahat papasok sa sementeryo kung saan ililibing si Yaya Gloria. Sama-sama kaming naglakad at nakasunod naman samin ang mga bodyguards na hired ni Daddy para protektahan ako kung may mangyayaring hindi maganda.

Pagkarating namin sa area kung saan ay ililibing si Yaya Gloria. Kaagad naming naagaw ang atensyon ng lahat ng umattend sa libing ngunit hindi iyon ang pinagtuonan ko ng pansin kundi ang kabaong na kinahihigaan ni Yaya Gloria na nasa harap ng lahat.

Kaagad akong napaluha ng makita iyon at dahan-dahang lumapit ngunit may pumigil sa'king mga kamay. Napahinto ako at tinitigan kung sino ang pumigil sa'kin.

"Dyan ka lang." Matigas na aniya sa'kin at may galit sa kanyang mga mata.

"Apple." Tawag ng isang lalaki sa kanya na para bang pinagsasabihan siya.

Galit na nilingon niya ang lalaki. "Bakit Kuya? Hahayaan mo ang babaeng 'to na makalapit kay Nanay?! Kuya, siya ang dahilan kung bakit wala na tayong Nanay ngayon! Oo nga't sila ang dahilan kung bakit tayo napag-aral ni Nanay at napagtapos pero kapalit naman nun ang mga taong nasayang na hindi natin siya kasama! Sa isang taon dalawa o tatlong beses lang umuuwi si Nanay satin tapos ayun, balik na naman siya sa Mansion de Arqueza para alagaan ang babaeng 'to! Samantalang tayong mga anak niya ay hindi niya maalagaan! Tapos... Tapos nang dahil sa babaeng 'to namatay siya! Dapat nga eh buhay pa si Nanay hanggang ngayon kung hindi lang siya nadamay sa kung anong gulo na kinasangkutan ng babaeng 'to!"

"Apple, ano ba?! Tama na! Hindi ka ba nahihiya sa mga taong andito para sa libing ni Nanay?" Pigil sa kanya ng kapatid na lalaki. "Pwede bang kumalma ka muna? Andito si Sir Herbert oh, mahiya ka naman!"

Hindi makapaniwalang napatitig si Apple sa kapatid. "Ako? Mahihiya? Huh! Kung may dapat mahiya dito ay 'yung dahilan kung bakit namatay si Nanay! Tumakas siya para makaligtas sa mga naghahanap sa kanya at hindi man lang niya naisip na balikan si Nanay! Ngayon, sinong dapat na mahiya Kuya?"

Hindi na nakasagot ang kapatid niya samantalang binalingan niya ulit ako na walang hinto ang agos ng mga luha sa mata dahil sumakit ang puso ko sa mga sinabi niya tungkol sa'kin. Tama lahat ng iyon, kasalanan ko kung bakit namatay si Yaya Gloria.

"Ah, Miss, pero hindi mo naman dapat sisihin si Harper sa nangyari—" Pinutol ko ang sasabihin ni Ashley.

"Tama naman siya eh, kasalanan ko kung bakit namatay si Yaya Gloria kaya dapat lang na sisihin nila ako sa nangyari." Mahinang saad ko.

"Mabuti naman at di mo tinatanggi, Ma'am Harper." Inirapan niya pa ako.

"Apple, tama na 'yan at ginugulo mo ang libing ng Nanay mo." Anang isang lalaking medyo tumatanda na. "At hindi kasalanan ni Ma'am Harper kung bakit nakaburol ngayon ang Nanay n'yo.  Hindi dapat siya ang sisihin n'yo kundi ang pumatay sa kanya. Dinamay lamang nila ang Nanay n'yo. Walang ibang may kasalanan at dapat sisihin sa nangyari kundi ang Felip Flores na iyon na siyang pumatay sa Nanay n'yo."

"Pero 'tay..." Pagpoprotesta pa ni Apple.

"Apple, tumigil ka na. Hayaan mong makilibing sila Sir Herbert dahil naging parte din sila ng buhay ng Nanay mo." Aniya sa anak na wala namang nagawa kundi ang sundin ang sinasabi niya.

*

Nang matapos ang libing ay hindi muna ako umalis at pinanood muna ang kabaong ni Yaya Gloria na tinatambakan ng lupa. Wala pa ring tigil sa pagluha ang mga mata ko at ramdam ko na ang panghahapdi ng mata ko dahil kanina pa ako umiiyak. Alam kong nakakasama sa anak ko ang sobrang pag-iyak pero hindi ko maiwan eh dahil sobrang sakit talaga na namatay si Yaya Gloria nang dahil sa'kin.

"Alam mo, palagi kang kini-kwento samin ni Nanay." Napalingon ako kay Apple na nasa tabi ko na pala at nakatingin sa kabaong na tinatambakan na ng lupa. Maga ang kanyang mga mata dahil grabe ang iniyak niya kanina lalo na nung ibinaba na ang kabaong ni Yaya Gloria. "Kini-kwento niyang, ang bait mo raw na bata. Kahit wala ka nang Nanay ay napalaki ka ng tama ni Sir Herbert, na kahit ang yaman-yaman mo ay sobrang mabait ka at hindi nagmamataas gaya ng mga kilalang mayayaman na sobrang taas ng tingin sa sarili. Nung nakapagtapos ka raw ng pag-aaral bilang Cum Laude sa isang prestihiyosong unibersidad ay gusto raw nun ni Sir Herbert na mag celebrate ng malaki dahil pinagmamalaki ka raw ng sobra ni Sir pero mas pinili mo raw na hindi na mag celebrate ng malaki at kontento ka na raw na sina Sir at silang mga katulong at driver lang ang kasama mong mag celebrate sa malaking achievement na nakuha mo. Kaya sabi nun ni Nanay samin na tularan ka raw namin kasi kahit maari mo naman daw makuha lahat ng gustuhin mo ay nililimitahan mo raw ang sarili mo at ginusto mo pa raw na mag part-time job noon para kumita ng sariling pera ngunit ayaw ni Sir Herbert kaya ang ginawa mo ay patago kang nag apply sa isang online teaching lesson na kailangan mo lang magturo ng English sa mga Korean at every month daw ay kumikita ka ng hindi nalalaman ng Daddy mo. Kaya sabi nun ni Nanay samin na, 'Kita n'yo kahit sobrang yaman ng alaga kong si Harper ay nagpupursige pa rin siya at hindi dumedepende sa Daddy niya na kaya naman ibigay lahat ng gustuhin niya. Kaya kayo mga anak ko, mahirap lang tayo at alam naman namin ng Tatay nyo na marami kayong ginugusto ngunit hindi namin naibibigay kaya ang hangad lang namin sa inyo ay magpursige kayo ng pag-aaral at balang araw ay makukuha niyo na lahat ng gustuhin n'yo na kahit ano. At kapag nangyari ang bagay na iyon ay kami ng Tatay n'yo ang pinakamasaya para sa inyo.'"

"Apple..." Mahinang pag sambit ko sa pangalan niya at nilingon naman niya ako ng may ngiti sa mga labi.

"Alam mo Ate Harper, kakareceive ko lang ng tawag galing sa law firm na ina-applayan ko at sinabi nilang pwede na raw akong makapagsimulang magtrabaho sa kanila sa susunod na linggo." Nagsimula na namang manubig ang kanyang mga mata habang tuwang-tuwa na nakatingin sa'kin. "Nagpursige ako ng pag-aaral tulad ng gusto ni Nanay at hito matutupad na ang pangarap kong maging isang ganap na abogado sa pangarap kong law firm. Ate, abogado na po ako. 'Nay, abogado na po ang bunso n'yo..."

Humagulgol ng iyak si Apple kaya niyakap ko siya at sa mga bisig ko ay umiyak sya ng umiyak. Ngunit alam kong hindi na dahil sa lungkot ang pag-iyak niya kundi ay pag-iyak sa saya na natupad niya ang pangarap ng mga magulang niya para sa sarili niya.

"Congratulations Apple. Proud na proud kami nila Yaya Gloria na natupad ang mga pangarap mo." Sambit ko sa kanya habang umiiyak pa rin siya sa mga balikat ko.

kyeo

i dedicate this chapter to my classmate and new influenced friend to read on Wattpad. can't mention her because of an unknown reason but I know she will read this. you know it's you dams!!😉🫶🩷

Love In Between Revenge | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon