10

152 4 0
                                    

Ngayon palang naiimagine ko na naman ang magiging sermon sakin ni Ashley kapag nalaman niyang may nangyari na naman samin ni Rylan. Hindi ko na kasi talaga napigilan nung mas nilaliman pa niya ang halik at tuluyan na akong nawala sa sarili dahil doon kaya naman sa ikalawang pagkakataon ay may nangyari na naman samin. Mabuti nalang at halos lahat ng mga teachers din ng mga oras na iyon ay nagsiuwi na tsaka kahit naman dumaan sila sa harap ng kotse ko ay hindi nila kami makikita sa loob dahil heavily tinted ang sasakyan ko. Pero nakaramdam ako nang guilty sa ginawa namin at talagang sa parking lot pa talaga nang paaralan, ano nalang ang sasabihin nila kapag nalaman nilang nakipag ano ako sa parking lot nang eskwelahan? Hindi ba?

"What are you thinking, Gorgeous? " Bigla ay tanong niya sakin na ngayon ay sinusuot na pabalik ang black hoodie jacket niya.

Umiling lang ako sa kanya. This drives me crazy. Kagabi lang nalaman niyang ako ang nanggulo sa engagement party nang kapatid niya at nalamang ex ko ang fiance ng kapatid niya, ang akala ko ay lalayuan na niya ako at magagalit sakin dahil sa nangyari pero nagkamali ako dahil andito siya ngayon sa loob nang kotse ko at isinusuot pabalik ang kanyang kasuotan kanina bago kami may ginawa.

"Gorgeous?" Naputol ang iniisip ko nang marinig ko siyang tinatawag ako sa palagi niyang tawag sakin.

Nilingon ko siya na may pagtataka sa mukha. "Y-yes?"

Napakunot ang noo niya. "I said, where do you want to eat? It's already 7pm."

Napatingin din tuloy ako sa wrist watch ko at nagpakawala ng malalim na hininga nang makitang 7pm na nga. Kanina pa dapat ako nakauwing 5:30pm kung hindi niya lang...

"Hindi na. Dederitso na akong uwi sa bahay," Sagot ko sa kanya.

Natigilan siya kaya ako naman ngayon ang napakunot ang noo. "What?"

"So your gonna leave again after what just had happened to us huh, just like the first time." May bahid iyong pait nang sabihin niya tsaka siya umiwas nang tingin sakin at lumabas na nang kotse ko na iyon lamang ang huling sinabi.

Don't tell me, he's expecting more?

Nakita ko sa salamin nang kotse ko na pinaandar na niya ang kotse niya at walang sabi sabi iyong pinaharurot nang mabilis. Did he get mad because of that?

Napapikit nalang ako nang mariin bago na rin pinaandar ang sariling sasakyan pauwi. Pero habang nagmamaho ako pauwi sa bahay ay hindi maalis alis sa utak ko ang naging sinabi at inakto niya matapos. May problema ba kung gusto ko naman talagang umuwi sa bahay para makapagpahinga na?

Nang makarating ako sa bahay ay hindi na ako kumain pa at nagtungo nalang sa kwarto ko para matulog na dahil gusto ko na talagang makapagpahinga.

Nagising nalang ako nang maalimpungatan ako dahil sa malamig na pakiramdam kahit pa nga balot na balot na ako nang comforter at pinatay ko na rin ang aircon nang kwarto ko. Talagang sobrang lamig nang pakiramdam ko pero nung hawakan ko naman ang noo ko ay sobrang init ko na. Shit! Nilalagnat na ata ako!

Bumangon ako habang nakabalot pa rin ang buong katawan nang makapal na comforter at nanghihina kong tinawag si Yaya Gloria kahit alam kong sa mga oras na 'to ay natutulog na siya. Mabuti nalang at kaagad siyang umakyat rito sa kwarto ko nang makailang ulit ko siyang tawagin, halata sa mga mata niyang kagigising palang niya at halata ring antok na antok pa siya.

"Ma'am Harper?" Aniya nang makalapit sakin.

Pero bago ko masabi sa kanyang nilalagnat ako ay biglang nandilim ang paningin ko at naramdaman ko nalang na bumagsak ako pero may sumalo naman sakin bago pa bumagsak sa sahig.

"Jusko! Ma'am Harper! " Rinig kong sambit ni Yaya Gloria bago ako tuluyang nawalan ng malay.

Nagising nalang ako sa naaamoy kong medisina sa kung saan. Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko at inilibot ang paningin sa kabuoan nang puting kwarto. Hindi naman ganito ang itsura nang kwarto ko kaya nakakasigurado akong wala ako sa kwarto ko.

"Ilang segundo nalang po at dadating na ang doctor, Sir." Rinig kong tinig ni Yaya Gloria kaya napalingon ako roon at nakitang kasama niya sa Daddy na halata sa mukha ang pag aalala.

"D-dad..." sambit ko at kaagad na napalingon silang pareho sakin ni Yaya Gloria. Kaagad na lumapit si Daddy sakin.

"Harper, okay na ba ang pakiramdam mo anak?" Aniya sa nag aalalang boses.

Dahan dahan akong tumango sa kanya bilang sagot.

"Nang tumawag sakin si Gloria na sinugod ka raw nila sa hospital dahil nahimatay ka daw at ang taas taas nang lagnat mo kaya kahit nasa gitna nang isang importanteng meeting ay kaagad akong napa uwi dahil sobra akong nag aalala sayo. Masakitin ka pa naman gaya ni Danica," Mahabang sabi ni Daddy at tumulo mula sa mga mata niya ang mga luha niya.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sakin. "D-dad, wag kanang mag alala. I-i'm okay now. You will not lose me like Mommy, please, stop crying and going to cry too."

Pero patuloy lamang ang pag agos ng kanyang mga mata kaya hinayaan ko nalang na umiyak na muna siya dahil alam kong natatakot lang siyang baka mawala rin ako gaya ni Mommy sa kanya.

Nasa ganoon kaming kalagayan nang may kumatok sa pintuan at pinagbuksan iyon ni Yaya Gloria. Pumasok ang isang lalaking nurse at kasunod niya isang lalaki rin na Doctor pero namumukhaan ko ang Doctor na 'to. Lumapit sila sa kama ko at nagtama ang paningin naming dalawa ni Rylan ngunit una siyang umiwas.

"Doc, how's my daughter? " Si Daddy ang unang nagtanong sa kanya na ngayon ay pinupunasan na ang luhaang mga mata.

Rylan turn to Daddy. "Your daughter is now okay, Sir. Nahimatay lang siya dahil sa taas nang lagnat niya at dala na rin siguro nang gutom."

Nakita ko pang pasimple siyang sumulyap sakin nang sabihin ang mga huling sinabi niya kay Daddy.

"Bakit kasi hindi ka kumain kaagad pagkarating mo sa mansion, Ma'am Harper? Kaya pala hindi nagalaw ang mga nakahain roon na mga pagkain kanina." Iiling iling pang sabi ni Yaya Gloria.

I'm about to say my defense when Rylan turn to me with his angry but worried face and say, "Tss. Ang tigas nang ulo kaya ito ang napala."

Literal na napanganga ako sa sinabi ko niya bago sila lumabas ng lalaking nurse sa inuukupa kong kwarto. Sinisisi niya pa talaga ako sa nangyari sakin?!

*
Don't forget to VOTE, COMMENT, and FOLLOW! ^^

Love In Between Revenge | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon