Kumain lang ako nang umagahan sa condo ni Ashley at naligo na rin bago ako nagpaalam sa kanyang uuwi na nang Mansion kasi baka hinahanap na ako ni Daddy. Ayaw kong umabot na naman siya sa pagsundo sa'kin rito sa condo ni Ashley kaya para hindi ulit iyon mangyari ay nagkusa na akong umuwi at pinagmaneho ang sarili pauwi.
Pagkarating ko sa Mansion ay naabutan ko si Daddy na nanonood nang balita sa TV habang nakadekwatro pa. Napansin naman niya agad akong pumasok ngunit hindi na siya lumingon pa sakin at nasa TV lang ang tingin.
"Bakit ngayon kalang umuwi, Dominique?" Aniya sa boses na mukhang wala lang.
Lumapit naman ako sa kanya at humalik sa pisngi niya. "Uhm, nagbonding po kasi kami ni Ashley sa condo niya Dad kaya ngayon lang ako nakauwi-"
"Dalawang araw kayong nagbonding? Sobra sobra naman ata iyon anak." Ani Daddy at nilingon ako.
Nakaramdam ako bigla nang kaba sa dibdib ko. Pano kung nalaman ni Daddy 'yung tungkol kay Gavin? Ohmyghad. Wag naman sana kasi tang*na ang lalaking iyon eh.
"I'm sorry Dad," Hingi ko nang paumanhin sa kanya.
"Anak, hindi naman sa pinepressure kita huh pero pakiusap naman maghanap kana nang mapapangasawa mo o gusto mong ako ang maghanap para sayo?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Daddy at agad akong hindi sumang-ayon. It's a big no no for me na siya ang maghanap nang mapapangasawa ko! I have friends na ipinagkasundo ng mga magulang nila sa anak ng mga business partners nito at 25 percent out of 100 lang ang nakadevelopan o nagkaroon rin nang true feelings sa mga ipinagkasundo sa kanila!
"Dad, hindi ganun kadali iyon-" Daddy cut me off.
"Dominique, ang daming nagtatakang manligaw sayo na mga gwapo at mayamang binata pero palagi mo silang inaayawan. Anak, gusto ko nang magka-apo tsaka nasa tamang edad kana naman para magkaanak at magkaasawa. You're 26 years old already." Ani ulit ni Daddy at napabuntong hininga naman ako.
"Fine. Maghahanap na ako nang mapapangasawa but please Dad 'wag mo akong madaliin. Okay? " Nagmamakaawa kong sabi kay Daddy.
"I won't. I promise." Sabi ni Daddy na itinaas pa ang isang kamay para talaga sabihing nangangako siya.
Niyakap ko pa siya bago nagpaalam na aakayat na ako sa kwarto ko kasi kailangan ko pang magbihis ng uniforme ko. Nagmamadali na ako kasi baka malate na naman ako at baka kung ano nang pinaggagawa nang mga estudyante ko.
Nang makarating ako sa elementaryang tinuturuan ko ay dali dali na akong pumunta sa classroom na ako ang adviser. Naabutan ko ang mga bata kong estudyante na naglalaro at nang makita nila ako ay kaagad nila akong binati.
"Good morning Teacher Harp!" Bati nila sakin.
Ngumiti naman ako sa kanila. "Good morning Childrens."
Natapos lamang ang araw na ito nang tahimik at inabala ko na lamang ang sarili sa pagtuturo sa mga bata na ininjoy ko naman kasi lahat sila ay bibo at nakikinig sa tinuturo ko kaya hindi naman ako nahirapan sa pagtuturo sa kanila.
"Good bye and Thank you, Teacher Harp!" Paalam naman nila nang uwian na at isa isang nagsilabasan tsaka lumapit sa kani kanilang mga parents or guardians na nag-iintay sa paglabas nila.
Nang makalabas na lahat ng mga bata ay niligpit ko na ang nagkalat na mga papel, crayons, at lapis na nasa mga desks nila at inayos sa lagayan ng mga ito sa tabi lang nang desk ko. Sa gilid kasi ng desk ko ay may lalagyan ng mga school materials na libreng magagamit ng mga estudyante ko na ako mismo ang nagprovide para hindi na nila kailangang bumili kasi andito na naman sa classroom namin ang mga kakailanganin nila.
Nang matapos ko na lahat maligpit ay napatingin ako sa wrist watch ko. It's already 5:00pm, pwede na akong umuwi. 4:00pm kasi uwian ng mga bata tapos kaming mga Teachers ay 5:00pm ang labas. Niligpit ko na rin ang mga gamit ko at lumabas na matapos tsaka nilock na ang pintuan ng classroom ko.
"Harper, uwi kana?" Napalingon ako sa nagsalita. Si Dianna pala na teacher din at magkatabi lang ang mga classrooms na hinahandle namin. Kakatapos lang niyang maglock sa classroom niya.
"Oo eh, hindi kasi maayos pakiramdam ko." It's true.
Napatango siya. "Ah ganun ba. Sige, pahinga kana sa bahay niyo."
Nginitian ko siya tsaka nagpaalam na pagkatapos kong mailock ang pintuan. Sumakay ako sa kotse ko at hindi muna pinaandar iyon, isinandal ko ang ulo sa headrest tsaka ipinikit ang mga mata. Kanina ko pa nilalabanan ang sakit ng ulo ko dahil sa hangover ko at hindi ko na kaya ang sakit nun cause it's like breaking my head. Siguro ay bibili nalang ako ng gamot sa malapit na pharmacy pauwi para mawala na 'tong sakit ng ulo ko.
Papaandarin ko na sana ang kotse ko nang biglang may kumalabog sa likuran ng kotse ko kaya medyo napasubsob ang mukha ko sa manibela at mas sumakit ang ulo ko. Tang*na sino ba 'yun?! Tinignan ko sa rear view mirror ang nangyari sa likuran at nanlaki ang mga mata ko nang makitang nabangga ang likuran ng kotse ko! The heck?! Kakabili ko lang nito last week!
Binaba ko ang nakabangga ng likuran nang kotse ko kahit sumasakit na talaga ang ulo ko. Tinignan ko ang likuran ng kotse ko at napabuntong hininga naman ako nang makitang wala namang nasira o nayupi roon pero nagkaroon lang nang kaunting gasgas. Napatingin ako sa kotseng bumangga sa kotse ko at hindi man lang bumaba ang driver niyon upang magsorry sa pagbangga niya sa likuran ng kotse ko.
Hinarap ko ang kotseng nakabangga at pumaweywang sa harap ng drivers seat. Ni hindi ko maaninag ang mukha ng driver dahil tinted ang kotse niya.
"Pasalamat ka at gasgas lang ang inabot ng kotse ko kung hindi ay baka yupiin ko rin 'tong kotse mo! Ni hindi man lang bumaba at magsorry 'to! Tsk." Inis na sigaw ko sa driver tsaka tumalikod na at sumakay sa kotse ko tsaka iyon pinaandar at huminto sa isang pharmacy para bumili ng gamot sa hangover kong 'to.
Shit! I won't ever drink that much again. Damn, my head is breaking.
*
VOTE, COMMENT, FOLLOW for updates!
![](https://img.wattpad.com/cover/341494499-288-k409673.jpg)
BINABASA MO ANG
Love In Between Revenge | COMPLETED
RomanceMaganda, sexy, matalino, at mayaman. 'Yan si Harper Dominique Arqueza ang nag-iisang anak nang isang kilalang Bilyonaryo sa Pilipinas at sa ibang bansa. Maraming nagkakandarapa sa kanyang mga mayayaman ring lalaki ngunit tanging ang bumihag sa kanya...