Those words that came out to my daughter's mouth felt like a billion daggers pointed at my heart and makes it bleed none stop. It pains me a billion times hearing those words from her.
She wants a family. A happy family. But we can't give it to her.
"Naging mabuti kang nanay sa kanya, Dominique." Rinig kong sabi ni Daddy sa tabi ko. Nasa labas lamang ng sasakyan ang tingin ko. "Kahit hindi mo s'ya mabigyan ng kompletong pamilya hindi pa rin nun mababago na mabuting ina ka sa kanya, Dominique."
Tumango lang ako sa sinabi ni Daddy ngunit may tumulo pa ring isang butil ng luha sa isang mata ko.
If only I could give it to her, I will.
Pero hindi ko alam kung pa'no o paano magsisimula.Biglang nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa ko kaya kinuha ko muna iyon tsaka ko pinunasan gamit ang mga kamay ko ang luha sa isang mata bago tingnan ang mensahe na natanggap.
Unknown Number:
Hi. This is Felize Flores. Gusto ko sanang mag-usap ta'yo. Send ko nalang sa'yo kung saan
Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa nabasa. Bakit naman n'ya gustong makipag-usap sa'kin?
Maya-maya pa ay nakatanggap ulit ako nang mensahe sa kanya. Isang coffee shop iyon kung saan kami magkikita at mag-uusap.
Hindi ko alam kung bakit pero parang may kutob akong masasagot n'ya ang ilang katanungan ko.
"Dad, may kikitain po ako sa isang coffee shop. Importante po." Sabi ko kay Daddy na napalingon sa'kin.
"Hindi ka na maglalunch?"
"Hindi na po. Hindi naman po ako nagugutom."
Tumango lang si Daddy at sinabi ko sa kanya kung saang coffee shop iyon.
Nang makarating sa coffee shop na sinabi ni Felize sa text n'ya ay kaagad ko s'yang natanaw sa isang table na mag-isa. Nasa may glass window s'ya nakapwesto kaya naman madali n'ya akong nakita at madali ko lang din s'yang nahanap.
Pumasok ako sa coffee shop at pumunta sa pwesto n'ya. Naupo ako sa kaharap n'yang upuan.
"I thought hindi mo ako sisiputin." She smiled at me.
"Ang totoo nakipag-kita lang talaga ako sa'yo para masagot mo ang mga tanong ko." Wala ng paligoy-ligoy na sabi ko sa kanya.
May waiter na naglagay ng dalawang cappuccino sa harap namin ni Felize. Napatingin sa'kin si Felize.
"Sorry, in-orderan na kita ng katulad sa'kin. Hindi ko kasi alam kung anong gusto mo." Nahihiyang aniya.
"Okay lang. Masarap din naman ang cappuccino." Ngiti ko sa kanya at sumimsim sa mug.
Natahimik kami ilang saglit bago n'ya iyon basagin.
"First, I want to say sorry. Sorry for everything." Ramdam ko ang sinseridad pagsambit n'ya sa mga katagang iyon.
Hindi ko alam kung pinag-so-sorry n'ya sa'kin. Kung dahil ba sa biglaang announcement na ikinasal na sila ni Rylan nun o may iba s'yang ibig sabihin.
Nakita n'yang naguguluhan ako kaya nagpaliwanag s'ya.
"Uh, the wedding that me and Rylan had was just a fake wedding." Paliwanag n'ya at natigilan ako sa narinig. "We faked it kasi we had a plan. Alam naming masasaktan ka sa gagawin namin pero parte rin iyon ng plano para mapaniwala si Daddy. We have to do it to protect ourselves from my father. To protect you from my Dad."
Walang salitang gustong lumabas sa bibig ko dahil sa nalaman. It was just a fake wedding...
"That time I'm pregnant with my daughter Sienna. And I'm also with her father, Jayrone, my husband now." Bigla niyang hinawakan ang dalawa kong kamay gamit rin ang dalawang kamay n'ya at tinitigan ako sa mata. "Sinasabi ko 'to ngayon sa'yo kasi kung hindi dahil kay Ryle baka wala akong Sienna at Jayrone ngayon."
"S-si Rylan?" Halos bulong na lamang iyon.
"Nung makita kita kahapon sa book store kasama ang anak mo, hindi na ako pinatulog ng utak ko. Kasi habang kaming pamilya ay masaya at kontento na, ikaw at si Ryle ay hindi pa rin naayos ang mga dapat ayusin sa inyo. Seeing your daughter, I know that she also wanted a family." Humigpit ang pagkakahawak n'ya sa mga kamay ko. "Alam kong wala pang sinasabi sa'yo si Ryle tungkol sa mga nangyari 6 years ago. But believe me Harper, ang mga sinabi ko ay hindi pa ang buong katutuhanan. Marami ka pang hindi alam. Gustuhin ko mang sabihin sa'yo pero mas mabuting si Ryle na ang magsabi sa'yo. Maybe, you two can still fixed your relationship and give your daughter a family."
*
Nakahiga na ako sa kama ko't lahat-lahat ngunit nasa utak ko pa rin ang mga sinabi ni Felize kanina. Marami pa akong dapat malaman at tanging si Rylan lamang ang makakapagsabi nun sa'kin.
Pero galit 'yun sa'kin.
Sana man lang masaya 'yung anak ko ron sa kanya. Kahit ilang oras palang kaming magkahiwalay ni Freille ay namimiss ko na naman agad s'ya.
Kahit nga nung nasa Isla pa lang ako eh parang ilang taon ko nang hindi nakikita ang anak ko dahil sobrang nakakamiss talaga ang batang 'yun. Malambing 'yun eh.Kung sana man lang ay mabigyan ko s'ya ng buong pamilya...
Hindi ko na naman tuloy namalayang lumuluha na naman ang mga mata ko. Bakit ba sa tuwing naiisip ko 'yun ay naiiyak ako?
Kung hindi ba naging balakid noon si Mr. Flores ay isa ba kaming kompletong pamilya ngayon? Masayang pamilya gaya ng gusto ni Freille? Buhay pa rin kaya hanggang ngayon ang isa ko pang anak? Si Yaya Gloria?
Kung sana ba ay hindi s'ya dumating hindi ganito ka gulo ang mga buhay namin ngayon? Kung sana ba ay hindi s'ya humadlang, ikinasal na kami ni Rylan?
Kung sana ba ay...
kyeo
![](https://img.wattpad.com/cover/341494499-288-k409673.jpg)
BINABASA MO ANG
Love In Between Revenge | COMPLETED
RomanceMaganda, sexy, matalino, at mayaman. 'Yan si Harper Dominique Arqueza ang nag-iisang anak nang isang kilalang Bilyonaryo sa Pilipinas at sa ibang bansa. Maraming nagkakandarapa sa kanyang mga mayayaman ring lalaki ngunit tanging ang bumihag sa kanya...