Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Kaagad kong naaninag ang puting kisame na nasisiguro kong nasa hospital na naman ako at nakaratay. Ngunit nang maalala ko ang nangyari ay kaagad akong napahawak sa tyan ko.
"A-ang baby ko," Naiiyak kong sambit.
"Why did you not tell me?" Natigilan ako nang marinig ang boses na iyon mula sa gilid.
Nilingon ko siya at sinalubong ako ng malamig niyang titig habang nakatukod ang parehong siko sa mga tuhod niya. Napalunok ako sa paraan ng pagkakatitig niya sa'kin. It's cold with anger and sadness in it.
"Again, Harper, why did you not tell me?" Ulit niya sa ganoong tono.
Umiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ako sanay sa paraan ng pagkakatitig niya sa'kin. It's like, he's a other person.
"You don't need to know." Simpleng sagot ko.
"Why? Don't I deserve to know?" Aniya at ramdam ko ang galit doon.
Napabuntong hininga ako at matapang na sinalubong ang titig niya.
"Yes, you don't deserve to know." Matapang kong sabi at kita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya na kaagad din namang napalitan ng galit.
"Harper, I deserve to know because I'm the father!" Medyo tumaas ang boses niya pagkasabi nun.
Ngumiti ako ng hilaw. "Kaya nga ayaw kong ipaalam sa'yo eh kasi ikaw ang ama! Kasal ka na, Rylan! May asawa kana, and in the near future you two will have childrens too. So, bakit ko pa ipapaalam sa'yo na magkakaanak ka sa'kin? Masasaktan lamang ang anak ko. I don't want that to happen, my child will live without a father... Without you by his side!"
Hindi siya nakapagsalita. Bumukas naman ang pintuan ng kwartong inuukopa ko at may pumasok na lalaking Doctor.
"Good evening, Doctor Jainar, Miss Arqueza." Magalang niyang bati sa'min at may malungkot na ngiti sa'kin. Gumapang ang kaba sa dibdib ko at napahawak ulit ako sa tyan ko.
"Doc, how's my baby?" Kaagad kong tanong sa Doctor na kaagad namang napatingin sa'kin.
Pati si Rylan ay mukhang hinihintay ang magiging sagot ng Doctor.
Malungkot na ngumiti ang Doctor sa'kin. "I'm sorry, Miss Arqueza. The baby did not survive, masyadong mahina ang kapit niya kaya naman dahil sa nangyari sa'yo ay hindi na siya nakaligtas."
Para akong nawalan ng kaluluwa sa narinig na balita. Gumuho ang mundo ko at isa-isang nagsibagsikan ang mga luha ko sa mga mata. My baby is now gone...
"H-hindi... H-he's just m-mistaken. My baby is not gone, it's still in my stomach. I-i can feel it. M-my baby is still alive..." Umiiyak kong sabi habang nakahawak sa tyan ko. Hindi ko matanggap na wala na ang anak ko sa isang iglap.
"I'm really sorry for your lose, Miss Arqueza. Please, excuse me." Rinig kong paalam ng Doctor bago ko narinig ang pagbukas ng pintuan, tanda na umalis na siya.
"Harper..." Tawag sa'kin ni Rylan ngunit hindi ko siya pinansin.
Napakuyom ang kamao ko sa galit. Nawala ang anak ko dahil kay Chandra. Magbabayad ang babaeng 'yun sa ginawa niya. Pinatay niya ang anak ko!
Pinagtatanggal ko ang mga aparatos na nakakabit sa'kin at kaagad na naglakad palapit sa pintuan ngunit humarang si Rylan doon. May pag-aalala sa mukha niya.
"Saan ka pupunta?" Tanong pa niya.
Masama ko siyang tinignan. "Umalis ka d'yan."
"No, you're not going anywhere. You need to rest here." Aniya.
"Hu'wag mo nga akong pakialaman! Chandra killed my baby! Papatayin ko rin siya gamit ang sarili kong mga kamay! She killed my innocent baby! She killed my baby!" Galit kong sigaw at pilit tinutulak si Rylan paalis sa pintuan upang makalabas ako.
"Harper, calm down! You need to rest first to regain your energy! Please, listen to me first." Ani Rylan at hinawakan ang magkabila kong braso para hindi ako makagalaw.
Lumuluha ko siyang tinignan. "No...! Hindi ako magpapahinga hangga't alam kong hindi nababayaran ng kapatid mo ang ginawa niya sa anak ko! Ang anak ko na nga lang ang nagpapaligaya sa'kin tapos kinuha naman agad siya sa'kin! Kaya hindi ako matatahimik hangga't hindi nababayaran ni Chandra ang pagpatay niya sa anak ko!"
"Harper, nawalan rin ako. Pero pwede ba, huminahon ka muna? Mas makakasama 'to sa'yo. Sa tingin mo ba gustong makita ng anak na'tin na ganito ka? Sige, sabihin na na'ting mapapatay mo nga si Chandra pero maibabalik ba nun ang buhay ng anak na'tin? Ha, Harper? Hindi 'di ba?" Saad ni Rylan at napatahimik ako.
Napaiyak ulit ako at nanghina ang mga tuhod ko ngunit kaagad akong sinalo ng mga braso ni Rylan tsaka niyakap. Umiyak ako sa balikat niya hangga't sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako habang umiiyak sa balikat niya.
*
Nang magising ako ay hindi na nanghihina ang katawan ko ngunit ang puso ko ay nasasaktan pa rin sa pagkawala ng anak ko. My baby is my only happiness when Rylan left me to marry Felize. Siya 'yung naging motivation ko para hu'wag masyadong masaktan sa ginawa ni Rylan, but now that my baby is gone, the pain doubled a billion times.
Iginala ko ang paningin sa kwarto. Ito pa rin iyong kwarto ko kanina bago ako makatulog sa mga bisig ni Rylan. Speaking of Rylan, nasa tabi ko siya. Tulog siya habang nakahawak sa isa kong kamay. Mukhang nakatulugan na niya ang pagbabantay sa'kin dito.
Tinitigan ko nang maigi ang mukha ni Rylan. I smiled sadly. I love this guy so much because he made me moved on from my ex without noticing it while I'm slowly falling for him. Too bad that I can't have him as mine. He's a married man now, I should stop loving him.
Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa isa kong kamay at dahan-dahan kinuha ang kamay kong hawak niya. Luckily, hindi naman siya nagising. Mukhang malalim nga ang tulog niya eh, napuyat siguro 'to kakatrabaho.
Dahan-dahan akong umalis ng kama at tinanggal ang aparatong ikinabit niya ulit. Gusto kong makaalis na sa lugar na 'to, dahil sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari sa'kin dito at ang mga taong dahilan kung bakit ako nasasaktan ay para akong nasa impyerno. Nasusunog at nasasaktan sa dala nitong napakainit na apoy.
Kaya naman, sa gabing ito ay napagdesisyonan kong magpakalayo-layo mula sa masasakit at magagandang alaala ko rito sa lugar na 'to na sinasaktan lang din ako. I need to heal from the pain of losing a child and loving a man who indeed taught me what really love is but caused me more pain that on my past.
Maybe, it's also for the better.
kyeo
BINABASA MO ANG
Love In Between Revenge | COMPLETED
Любовные романыMaganda, sexy, matalino, at mayaman. 'Yan si Harper Dominique Arqueza ang nag-iisang anak nang isang kilalang Bilyonaryo sa Pilipinas at sa ibang bansa. Maraming nagkakandarapa sa kanyang mga mayayaman ring lalaki ngunit tanging ang bumihag sa kanya...