Nanginig akong napaiyak at hindi agad nakagalaw sa kinatatayuan. Freille has a fever again. Bumalik na naman sa akin ang nangyari noong unang nagkalagnat siya, she's just 2 years old that time.
"Dad, nilalagnat si Freille!" Sigaw ko at halata ang panic sa boses ko.
Maya-maya pa ay pumasok si Daddy sa kwarto ko. Umiiyak na ako kasi walang tigil sa pag-iyak si Freille at nasasaktan ako sa nakikita ko. I don't like seeing her in pain.
"Calm down, Dominique. Dadalhin na'tin siya sa ospital." Ani Daddy at kinarga si Freille habang ako naman ay umiiyak na sumunod sa kanila.
Sir Henrico is out of the country kaya si Daddy lang ang kasama ko sa ospital kung saan na confined si Freille. Pero as soon na nalaman ni Sir Henrico ang nangyari sa apo niya ay kaagad siyang napauwi sa pilipinas without telling his family. Halos isang linggo din kami sa ospital dahil kapag bumaba ang lagnat ni Freille ay bigla na naman itong tataas at sa bawat pag-iyak niya ay sobra akong nasasaktan. Na para bang napaka wala kong kwentang ina sa kanya.
Kaya ayaw na ayaw ko talagang nagkakasakit ang anak ko kasi pakiramdam ko wala akong kwentang ina.
"Harper?" Muntik ko nang makalimutan na andito pala si Rylan.
Kaagad kong pinahid ang mga luha ko at kinalma ang sarili.
"You need to leave. May gagawin pa ako." Sabi ko sa kanya at nakayukong nilagpasan siya.
Umakyat ako sa kwarto ko and started to pack my things. Kumuha na rin ako ng mga gamit ni Freille para dalhin sa ospital.
Habang nag-iimpake ay hindi ko na naman maiwasang mapaiyak kapag naiisip kong may sakit ang anak ko at wala ako sa tabi niya para alagaan siya. Siya ang kasiyahan at lakas ko at kapag ganitong may hindi magandang nangyari sa kanya ay para akong nanghihina.
Pagkatapos kong makapag-impake at makapagbihis ay bumaba na ako ng hagdan. Daddy already arranged my flight this evening kaya ang kailangan ko nalang gawin ay ang pumunta ng airport. Naipahanda na rin daw ni Tito Henrico ang sasakyan ko paalis ng Isla at susunod nalang daw siya after niya magdahilan sa pamilya niya.
Hanggang ngayon din kasi ay hindi pa alam ng pamilya niya na may pinangangalagaan siyang apo kay Rylan, even her wife Mrs Claritte Jainar didn't know about Freille. Okay lang naman malaman ni Madame Claritte but Sir Henrico insisted not to, I don't know why.
Nang tuluyan na akong makababa ng hagdan bitbit ang maletang dala ay natigilan ako.
Andito pa rin siya?! Kala ko ba umalis na 'to?
Nakaupo lang siya sa sofa habang madilim ang ekspresyon sa'kin. Bumaba ang tingin niya sa maletang bitbit ko at mas lalong nandilim ang ekspresyon niya.
"Aalis ka na naman?" Blangko ang sabing aniya ngunit ramdam ko ang sakit roon.
Napabuntong hininga ako tsaka siya sinagot. "Oo, ikaw nalang magsarado nitong bahay."
Humakbang ako palapit sa pintuan at handa na iyong buksan ng pigilan niya ako. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko. Napaangat ako ng tingin sa kanya.
"Hindi kita hahayaang makaalis." Matigas na aniya at seryoso akong tinitigan. "Not this time, Gorgeous."
Nabigla ako ng tawagin niya ulit ako sa ganun.
Nagkatitigan lamang kami ngunit ng maalala kong kailangan pala ako ng anak ko ay kaagad akong bumawi ng tingin sa kanya at tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.
"Kailangan ko ng umalis." Sabi ko at pinihit ang doorknob tsaka lakad takbong umalis palayo sa bahay na iyon.
Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalayo sa bahay na iyon ay may matitipunong mga braso ang yumakap sa'kin mula sa likod. It's like caging me.
"No, I won't let you escape this time. Not again, Harper." Napapikit ako sa inis ng marinig ang boses na iyon.
Nagpumiglas ako.
"Ano ba! B-bitawan mo nga ako!" Inis kong sigaw sa kanya. "Kailangan ko nang umalis! Ano ba!"
Mas lalo niya akong niyakap.
"Hindi. Hindi ka aalis. Hindi mo ako iiwan ulit, Harper." Matigas pa ring aniya.
Sobra na akong nagpupumiglas sa hawak niya sa'kin ngunit masyado ng mahigpit ang hawak niya sa'kin. Para na nga akong mapipisat sa higpit eh.
Kailangan ko na talagang makaalis dahil natatanaw ko ang sasakyang speed boat na ipinadala ni Tito Henrico. Ayaw pa rin akong bitawan ni Rylan kahit anong gawin kong nagpupumiglas kaya wala na akong choice kundi ang kagatin ang isang braso niya.
"Ah!" Daing niya sa sakit ngunit hindi pa rin ako binitawan kahit nalalasahan ko na sa sariling bibig ang dugo niya na dulot ng kagat ko.
"Pakiusap, bitawan mo na ako." Pakiusap ko sa kanya matapos kong bitawan ang braso niya, nagdurugo na ito ngayon. Napaiyak ako. "S-she needs me. My d-daughter needs me, please..."
Biglang lumuwag ang pagkakahawak niya sa'kin kaya naman kinuha ko na ang oportunidad na iyon upang tumakbo palayo sa kanya. Hindi kaagad siya nakagalaw sa kinatatayuan niya marahil ay dahil sa sinabi ko.
Nang makarating ako sa speed boat na nag aantay sa'kin ay kaagad akong sumampa dahil mukhang nahimasmasan na si Rylan mula sa pagkakabigla.
Bumaling ako sa operator.
"Kuya, pakibilisan." Sabi ko.
Kaagad naman na umandar ang speed boat at humarurot paalis sa Isla. Tinanaw ko naman si Rylan sa dalampasigan na tinatawag ang pangalan ko.
I'm so sorry that I have to do this again, Rylan. I'm so sorry...
Alam kong magagalit ka na itinago ko si Freille sa'yo pero sana maintindihan mo rin ako na ginawa lamang iyon para sa kanya. I don't want to lose her like her twin. I'm so sorry...
kyeo
BINABASA MO ANG
Love In Between Revenge | COMPLETED
RomanceMaganda, sexy, matalino, at mayaman. 'Yan si Harper Dominique Arqueza ang nag-iisang anak nang isang kilalang Bilyonaryo sa Pilipinas at sa ibang bansa. Maraming nagkakandarapa sa kanyang mga mayayaman ring lalaki ngunit tanging ang bumihag sa kanya...