"Mommy, I want to go sa book store po." Napatingin ako sa anak kong kumain ng ice cream.
Pinahiran ko ang kaunting ice cream na nasa gilid ng labi niya.
"Ang dami mo pang unread books sa kwarto, baby." Sabi ko sa kanya.
"Nabasa ko na po lahat iyon, Mommy. I read them when I missed you po." Nakangusong aniya.
Napangiti ako. Ang cute...
"Okay, pupunta tayong book store after na'tin kumain. Okay?" Sabi ko at nakangiting tumango naman siya.
She loves to read books about myths, legends, and epics. Bigla ko tuloy naalala sa kanya si Reinan. Mukhang pareho sila ng Tito niyang mahilig sa books.
Matapos naming kumain ng ice cream ay kaagad kaming nagpunta sa book store. Kaya naman pala nag-aya bigla na pumunta rito sa mall kasi bibili siya ulit ng mga babasahin niya.
Hinayaan ko lang siyang kumuha ng mga gusto niyang basahin sa may gilid habang ako naman ay nagtingin tingin din ng mga mababasang novels kapag may free time ako. Meron naman ako sa bahay at marami pang mga unread kaya lang parang nag-aakit ang ibang libro rito para bilhin mo sila.
"No... This is mine! Give it to me!"
"No! Ako una nakakuha nito! Let go of it!"
Napahinto ako sa pagtingin tingin sa mga novels ng mabusisan ko ang boses ng anak ko. Kaagad akong pumunta kung nasaan siya at natagpuan ko siyang hinihila ang isang libro sa isa pang batang babae na ayaw naman magpatalo.
Lumapit ako sa anak ko at sakto namang lumapit din ang magulang nung batang babae.
"Sianna, let go of that book. Siya ang nakaunang kumuha niyan." Mahinanong pagkausap nung nanay ng batang babae sa kanya.Napasimangot ang batang babae at dahan-dahang binitawan ang libro. Kaagad naman iyong niyakap ni Freille na para bang ayaw niyang kunin ulit iyon ng batang babae.
"Miss, pasens—" Pareho kaming natigilan ng makilala ang isa't isa.
"Felize..." Sambit ko sa pangalan niya.
"Harper..." Tawag din niya sa'kin.
Hindi ko alam ang mararamdaman na nagkita kami ulit. She looks more prettier now and looks contented in what she have now.
Napatingin ako sa batang babae na inosente lamang nakatingin din sa'kin. Magkahawig sila ni Felize but I can't never seen any features that she got from Rylan. I know Felize and Rylan got married at hindi malabong anak nila ang batang 'to.
"Hon, nakabili na ba kayo?" May sumulpot na lalaki sa may likuran ni Felize na kaagad inilagay ang kamay sa may beywang ni Felize.
Nangunot ang noo ko. What the heck?
Nakangiting binalingan ito ni Felize.
"Uh, yes, hon. Marami na rin kasing nabili si Sianna." Aniya sa lalaki at napatingin sa'kin.
"Uh... Harper, this is my husband, Jayrone. And hon, si Harper, kakilala ko." Pagpapakilala niya sa'min.
Ngumiti ang lalaki at inilahad ang kamay sa'kin kaya naman kinamayan ko siya at may tipid na ngiti sa mga labi.
Ang akala ko silang dalawa ni Rylan? Did they divorced?
"Anak mo?" Bigla ay tanong ni Felize na nakatingin sa anak ko.
Bago pa ako makasagot ay nagsalita ang asawa niyang si Jayrone na kunot ang noo na nakatingin sa anak ko.
"She looks like Rylan, right hon?" Aniya at napatingin pa kay Felize.
Bago pa man sila makapagtanong sa'kin ng tanong na pinakaiiwasan ko ay nagpaalam na ako sa kanila.
"Uh, sorry, we have to go." Paalam ko at hindi na sila hinintay na makasagot pa. Kaagad kong hinawakan ang kamay ni Freille palayo sa kanila.
Binayaran muna namin ang binili naming libro bago kami lumabas. Buti nalang at hindi kami naabutan nila Felize sa may counter.
"Mommy, who's Rylan po?" Natigilan ako sa tanong ng anak ko.
Napatingin ako sa kanya. I can something in her eyes that I can't name.
"Uh, just an old friend, baby." Sagot ko sa kanya.
Hindi na siya nagtanong pa kaya nakahinga na ako ng maluwag. I'm not yet ready to tell her.
Matapos naming magmall ay umuwi na rin kami kaagad. Malapit na rin kasing magtanghalian at kailangan ko pang magluto ng kakainin namin, though my cook naman kami para ipagluto kami kaya lang nangako ako kay Daddy kanina bago kami umalis na ako na ang magluluto ng pananghalian namin.
"Baby, magluluto lang si Mommy ng lunch." Sabi ko sa anak ko at tumango naman siya.
Naupo lang siya sa sofa at sinimulan ng basahin ang bagong bili na libro.
Nagluto lang ako ng adobong manok tsaka pinakbet na rin para naman may sustansya ang mga kinakain namin.
At exactly 12PM ay dumating si Daddy but I didn't expect na kasama pala niya si Tito Henrico. Kaagad na lumapit sa kanila si Freille para magmano. Kinarga naman ni Tito Henrico si Freille pagkatapos.
"Is that a new book, beautiful?" Tanong ni Tito Henrico sa bata.
Tumango si Freille. "Opo, Papa."
"Patingin nga si Papa."
Napangiti ako. Sobrang malapit talaga siya sa mga Lolo niya.
"Ang bango ah." Komento ni Daddy ng madatnan akong naghahain sa dining area.
"Dad, tawagin mo na 'yung dalawa. Kakain na tayo." Sabi ko kay Daddy na sumunod naman.
Ilang segundo lang ay dumating na sila at umupo. Magkatabi kami Freille, nasa gitna si Daddy, at nasa kabilang gilid ni Daddy si Tito Henrico.
Nilagyan ko ang pinggan ni Freille na sakto lamang sa kaya niyang maubos. Kung gusto pa naman niya ay lalagyan ko naman siya ulit. Tahimik lamang kaming kumain na apat at tanging ang tunog ng mga kubyertos lamang ang maririnig.
"Mommy, I'm done na po." Ani Freille sa'kin at ipinakita ang wala nang laman na plato niya.
"Okay, baby. Wash your hands again and then you can read your books again." Sabi ko sa kanya at tinulungan siyang makababa sa upuan niya.
Tumakbo sa kusina si Freille para maghugas ng pinggan at nakasunod naman kami ng tingin sa kanya.
"Harper," Biglang tawag sa'kin ni Tito Henrico kaya napalingon ako sa kanya. Na kay Freille pa rin ang paningin niya. "Don't you think that it's time for my granddaughter to meet my son?"
kyeo
BINABASA MO ANG
Love In Between Revenge | COMPLETED
RomantikMaganda, sexy, matalino, at mayaman. 'Yan si Harper Dominique Arqueza ang nag-iisang anak nang isang kilalang Bilyonaryo sa Pilipinas at sa ibang bansa. Maraming nagkakandarapa sa kanyang mga mayayaman ring lalaki ngunit tanging ang bumihag sa kanya...