✨Chapter One✨

3 2 17
                                    

After 5years

"Hoyy ano ba halina kayo dito magsisimula na yung movie ehh" bulyaw ko at umupo sa pwesto ko.

"Pwede ba na sandali lang Sam tingnan mo na ipinapasok pa namin tung mga pagkain ehh, pwede bang tumulong ka din muna" malamig na litanya ni Theodore.

"Pfft kaya niyo na yan, tsaka plss lang bilis bilisan niyo magsisimula na talaga yung movie" naiirita kong sagot.

"Eto na po Sam uupo na kami" mahinahong sabi ni  Warren habang inilalapag ang ibang pagkain.

"Very good Warren," sabay tapik sa ulo nito. "buti-"

" Tss ginawa mo pang aso si Warren" putol ni Theodore.

Tanging pag-irap na lamang ang ginawa ni Sam sumunod na ring umupo ang iba pa nilang kasama na sina Navigne at Sebastian.

"Mga tao paabot  nga yung chips" utos ni Navigne.

" Ohh eto boss" at agad namang binato ni Sebastian ito sa kanya.

Tahimik lamang silang nanonood ng makarinig sila ng ingay agad naman nila itong hinanap at  agad sumama ang tingin nila ng makita si Navigne na hirap na hirap buksan ang chips.

" Ano ba yan Navigne ang ingay ng ginagawa mo!" naiiritang sabi ni Sam.

" Tss... amin na nga yan ako na magbubukas" tangkang hahablutin na ito ni Sebastian ng agad iiwas ito ni Navigne.

" Kaya ko na tuh brad" at lalong pwenersa ang chips dahilan para kumalat ito sa kanila.

Samantha's Pov

Pansamantalang tumahimik ang paligid at nang makarecover kami ay agad naming binatukan si Navigne mas nangunguna ang sigaw ko dahil sa inis.

"Argghhh!! Navigne ano ba ang kalat-kalat na ohh tapos hindi ko pa nakita yung best part  dun sa movie ishhhh ka talaga!!" Inis kong bulyaw sa kanya habang pilit na hinahablot ang ulo niya para batukan ulit.

Pfft pasalamat siya pinigilan ako nila Sebastian kung hindi talagang kakalbuhin ko siya.

" Haysst kahit kailan talaga Navigne sabi kasing ako na magbubukas ehh" frustrated na turan ni Sebastian.

"Peaceee na guys eto namang mga 'to hindi mabiro" sabi niya habang naka peace sign.

Manonood sana ulit kami kaso narinig na namin ang boses ni komander tinatawag na si Theo.

"THEODORE KAKAIN NA!" Sigaw ni komander.

" Geh guys uuna na ako tawag na ako ni komander ehh" sabay tayo nito at pinagpagan ang kanyang damit.

"Teka sabay na ako sayo brad mauna na din ako guys bye, bye na rin Warren" paalam din ni Sebastian.

Sunod-sunod na rin kaming nagsiuwian nagpaalam na rin ako kay Warren bahay kasi nila yung pinagtatambayan namin, agad akong pumunta sa bahay, tanghalian na kasi gutom na mga bulate ko sa tyan.

Pagkapasok ko sa bahay agad kong hinanap si mama kaso nalibot ko na lahat ay wala siya, ganun din si Jessica hindi ko din mahanap haysst  'nasan na naman sila'
Bubuksan ko na sana ang kaldero ng marinig ko ang pagbukas ng pinto kaya agad akong napalingon at nakita ko naman si Theo mukang bored na bored kung makatingin sa akin.

"Kailangan mo?" Kunot-noo kung tanong

"Tss tawag ka ni mama sa bahay daw tayo kakain andun na din sila tita, naparami kasi ang luto ni mama" paliwanag niya.

Unexpected Where stories live. Discover now