Prologue

17 5 13
                                    

Samantha's Pov

   I can't believe nasa grade-7 na ako parang kelan lang ehh, anyways andito ako sa classroom with my friends Benedict and Ryza my new friends, new school kasi kaya new friends din, sa ngayon wala pa si Sir Bernabe ang class advisory namin. Napatingin naman ako Kay Benedict ng magsalita ito.

" Hey guys which do you think is better for me this one or this one?" Tanong nito  habang ipinapakita sa amin ang itim at pulang necktie.

" I think mas bagay yung black sayo" tugon naman ni Ryza na siyang sinang-ayunan ko din.

"Okay thanks guys" at dali-daling isinuot ang napiling necktie.

Pfft! Mukhang mamaya pa darating ang adviser namin grabe ahh one week pa lang ang nakakalipas simula nung magstart itong klase pero nalalate na si Sir haysst, tumingin na lamang ako sa labas ng bintana ang ganda ng view dito dahil mapuno ang paligid at makakarinig ka pa ng huni ng mga ibon very relaxing talaga.

Lumipas na ang limang minuto bago dumating ang aming teacher kaya nakinig na ako, actually wala talaga akong naiintindihan pero sinusubukan ko pa rin.

Makalipas pa ang ilang oras ay natapos na rin ang klase namin Kay Sir at sumunod naman ang terror naming teacher sa totoo lang hindi ko pa alam kung terror ba talaga itong teacher namin na si madam Esmeralda pero malakas kasi ang boses niya kaya parang terror siya tingnan.

After 1 hour recess na rin ahhh finally kanina pa ako nagugutom, agad kaming bumaba nila Ryza sa canteen para bumili syempre, hindi na sumama si Benedict kasi sasabay daw siya sa mga friends niya.

" Uyy Ryza sa tingin mo dito sa school meron din kayang parang  f4 yung mga poging boys na kinakikiligan" tanong ko sa kanya habang nakapila.

" Hmm feel ko wala kung papansinin mo nga student dito mas focus sila sa pagaaral tsaka kung meron mang sikat here sana first day palang matunog na sila pero one week na ang nakalipas pero wala parin naman" mahabang litanya nito.

" Sabagay"  pagsang-ayon ko sa kanya.

Nakabili na rin kami at umupo sa malapit na table, maya maya pa ay natanaw ko na si Jade my long time friend agad akong kumaway at napansin naman niya at agad na lumapit.

" Hi musta" at umupo sa tabi ko " grabe pala ang hirap na maging high school bawal na laro-laro tanda lang na lumalaki na tayo" paliwanag nito.

" Super truee tehh nakikita ko na yung difference ng elementary life sa highschool life" paliwanag ko.

" Basta ang importante nasa new stage na tayo ng buhay natin it's a sign to us that we need to be more responsible " Sabay subo ng fries.

"Tama" at nagpatuloy na sa pagkain.

Matapos ang recess ay bumalik na rin kami sa classroom humiwalay na rin sa amin si Jade sa second floor kasi ang classroom niya.

Wala naman ng masyadong ganap ngayong araw maliban lang sa napakastress dahil sa padaming requirements,  at finally uwian na super nakakapagod din kaya agad akong nagpaalam kay Ryza na mauuna na akong umuwi tanging pagtango na lamang ang kanyang tugon.

Dumaan muna ako sa classroom nila Jade dahil sabay kaming uuwi since pareho lang naman kami ng dadaanan pauwi, ng makalapit ako sa kanya napansin ko na kasama niya rin yung kaklase niya na si Aileen.

Unexpected Where stories live. Discover now