🎇Chapter Two🎇

4 2 6
                                    

Andito na ako sa bahay dahil gabi na rin naman napatingin ako sa may orasan at ala-sais na ng gabi, sa ngayon gumagawa lamang akong ng aking diary dahil madami din namang nangyari ngayong araw.

Dear diary,
   
      Si papa at ate uuwi na pero dipa ako ready makita si ate ehh, si papa oo ready ako pero si ate dipa talaga  ako ready feel ko magiging delubyo ulit buhay ko charr, matatapos na pagiging reyna-reynahan ko rito sa bahay.

      Anyways alam mo ba napapansin ko lang ahh ang sama ng tingin sa akin ni Theo pero duhh wala naman ng bago dun ever since na pumunta ako rito ganun na siya tumingin, di na ako nasanay hayssttt and last na pala diary meron akong..... ayy wag na lang pala nahihiya ako ehh tsaka ko na lang pala sasabihin..... Yun lang muna good night.........
                                                    Sam✨

Nang matapos ako na magdiary agad ko na itong tinago sa isang sagradong lugar mahirap na baka makita ni Jessica pakialamera pa naman yun, and speaking of the devil kakapasok lang ng bruha mukang bagong ligo tigas talaga ng bungo nito sabing h'wag maliligo ng gabi ehh napansin ko naman na nagsusulat na siya siguro diary niya rin hmmm......what if.......silipin ko diary niya tutal nakatalikod naman siya sa akin, tama tama kunti lang naman ehh tsaka ngayon lang.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya as in yung walang sound naka tiptoe pa nga ako ehh para wala talagang sound, nang matanaw ko na ang papel niya agad ko itong binasa agad namang nag-init ang ulo ko ng mabasa ito.

'Yung bruhang nakasilip ngayon sa diary kong ito  mukang unggoy parang ngayon si ATE nakatingin

Walang ano-ano ay agad kong hinila ang  buhok ni Jessica nagsisigaw naman ito.

" Ako mukang UNGGOY, mas PANGIT kAH BRUHA kaaaaaa!!!!" at patuloy ko pa rin itong sinabunutan.

" Mamaaaaa tulongggg, pero totoo naman mas PANGIT ka mas BRUHA ka argghhhh !!! Mama" at gumaganti rin ng sabunot.

Nagpatuloy kami sa pagsasabunutan, narinig ko ang pagbukas ng pinto ngunit di namin ito pinansin at patuloy pa rin kami sa pagsasabunutan ngunit malakas na palakpak ang aming narinig at tila binuhusan naman ako ng malamig na tubig, kilalang-kilala ko ang palakpak na ito.

Kusa kaming tumigil ni Jessica at unti-unti naman akong napalingon rito at di nga ako nagkamali ang taong ito masama ang tingin niya sa amin, malaki na rin ang pinagbago niya pero alam ko na siya pa rin yung taong gangster gumalaw at matakaw sa gulo.

"A-ate" halos walang lumabas na boses sa bibig ko.

Narinig ko naman ang mahinang pag hikbi ni Jessica haysst kahit kailan iyakin ang taong 'to.

" Ganyan niyo ba ako sasalubungin ha!" Sigaw nito sa amin.

Ang boses niya mas nakakatakot na ngayon kumpara noon grabe na talaga.

" Ano wag ka ngang umiyak Jessica at ikaw" turo nito sa akin. " Halika ka nga rito" maawtoridad na utos niya.

"A-ayoko" may bahid na takot na sabi ko.

" Ayaw mo? Isa.......... dalawa............tat-"

"Ito na l-lalapit na!" at kahit labag sa aking kalooban ay agad akong lumapit dito.

Pagkalapit ko sa kanya ay napasigaw ako ng sobra dahil pinilipit  niya ang tenga ko habang kinakaladkad papunta sa may sala.

" Ang laki-laki mo ng tao tapos nag-aaway pa rin kayo ni Jessica ha" sigaw niya sa akin.

Unexpected Where stories live. Discover now