🌼Chapter Five🌼

4 2 1
                                    

Wednesday

Theodore's Pov

Maaga akong nagising kaya napagdesisyonan ko na mag-jogging muna , mamayang alas- otso pa naman ang klase ko.

Nag-ayos muna ako ng sarili bago lumabas ng bahay sakto naman na nasa labas ng gate si Sebastian.

" Heyy dude" at tinapik ito sa braso, " mukang may inaantay ka ahh sino si Elise ba?" Natatawang tanong ko rito.

" Baliw hindi 'no" sabay suntok sa braso ko.

Si Elise kasi yung kapit-bahay namin na ex-crush ni Sebastian kaya madalas namin siyang tuksuhin rito.

" Ehh kung hindi pala siya, sino?"

" Hinihintay ko si Sam sinabi ko kasi na sabay kaming papasok....ohh ayan na pala siya ehh" at habang nakaturo kay Sam na paparating.

" Good morning Don Theodore,  yieee! first time maaga nagising" sabay tawa nito.

Agad ko naman siyang inirapan

" Tss pumasok na nga kayo" taboy ko sa kanila.

Agad naman silang nagpaalam nakita ko pa ang pagbuhat ni Seb sa bag ni Sam.....well nagulat ako  medyo nakakapanibago kasi, sa tagal ng pagkakaibigan namin ngayon lang binuhat ni Sebastian bag ni Sam

But nevermind si Sebastian naman talaga gentleman sa amin.

Nang mawala sila sa paningin ko nagsimula na rin akong tumakbo.

Samantha's Pov

Hinatid ulit ako ni Sebastian wala si Navigne dahil malalate daw siya, pagkahatid sa akin ni Sebastian agad na din siyang nagpaalam.

Pagkapasok ko sa gate nakasabay ko naman si Jade.

" Morning Sam" ngiti nitong turan.

" Morning din Jade".

" Ikaw ha, kelan mo sasabihin sa akin yung tungkol sa inyo ni Sebastian"

" Huh? What do you mean?" Kunot-noo kung tanong.

" Eto naman ihhhh sabihin mo na sa akin, promise 'di ko sasabihin sa iba, so ano ba talaga status niyo?"

Bigla naman akong natawa sa tanong nito

" Status?..... Hmmm.... friends" kaswal kung sagot.

" 'to naman 'di pa aminin"

" Ano bang aaminin ko? look Jade magkaibigan lang kami ni Sebastian walang something" paliwanag ko.

" Okay sige sabihin na natin na friends lang kayo....... pero gurll!! halata kaya na crush ka ni Sebastian  meron bang friends na lagi binubuhat yung bag, binibigyan ng chocolate-"

"  Pero Jade dalawa tayong nabigyan that time mas sosyal pa mga Yung sayo ehh"putol ko sa kanyang sasabihin

"Pero alam ko naman na hindi ka maniniwala ehh kaya isipin mo na lahat ng gusto mong isipin" at nauna na akong pumasok sa classroom.

Akala ko titigil na si Jade pero hindi pa rin pala inayos n'ya lang yung mga gamit niya at muli ulit akong kinulit.

" Pustahan tayo, pagsinundo ka niya mamaya tapos may binigay uli siya sayo na something ganun it's a sign na gusto ka niya, ano g ka ba?"

" Haysst bahala ka" at saktong dumating ang aming guro.

Navigne's Pov
 
Kaninang umaga ko pa napapansin si Sebastian na panay ang ngiti, medyo creepy kasi muka na s'yang ewan.

Unexpected Where stories live. Discover now