🌸Chapter Three🌸

5 2 6
                                    

Navigne's Pov

Matapos ang tawag namin sa gc agad akong nag-ayos ng aking sarili, mahirap ng malate magagalit na naman si boss Sam.

Agad akong pumunta sa cr at naligo, mga ten minutes lang siguro akong naligo tapos nagpalit na ako at nang makitang ok na, agad  akong pumunta sa sala at naabutan naman sina mama at papa na parehong nakaharap sa kanilang laptop at puro trabaho na naman.....tss trabaho na naman.

" Ma, Pa aalis muna ako may bibilhin lang kami, kasama ko sina Sam" pagpapaalam ko sakanila.

Mga isang minuto pa akong naghintay bago sila sumagot.

"Sige ingat ka" at lalong tumutok sa laptop.

Tss puro trabaho, anyways lumabas na ako ng bahay nadatnan ko naman na sila Sam, Warren, Sebastian except lang kay brother Theo.

Actually nasa iisang compound kami nakatira nila Sam kaya madali lang kami na nagkikita-kita, napansin ko naman na tila napipikon na ang itsura ni Sam haysst gulo na naman 'to.

Samantha's Pov

Nandito na kaming apat maliban na lang kay Don Theodore, grabe naman yan, siya na naman yung late kakainis.

Maya-maya pa ay narinig ko ang pagbukas ng kanilang gate, akala ko siya na pero hindi pa pala yung nakababata niya palang kapatid si Arthur mukang magtatapon ng basura nila.

"Uyy Arturo!"tawag ko rito agad naman itong lumingon at nagtataka akong tiningnan," napansin mo ba kung nakabihis na pang-alis yung kuya mo?" Tanong ko rito.

Umiling lamang siya at pumasok na ulit sa bahay nila.....wow ha ganda kausap ng batang yun, narinig ko naman ang mahihinang bungisngisan  nitong mga kumag sa tabi ko.

" Anong tinatawa-tawa n'yo d'yan ha?" Taas kilay kung tanong sa mga ito.

"Ehh paano ba naman Sam natarayan ka na naman ni Arturo" natatawang turan ni Navigne.

Inirapan ko naman ito agad pfft 'kala mo naman hindi  natarayan ni Arturo, anyways nauubos na talaga pasensya ko kay Theo parang babae kung gumalaw ,pagkabagal.

Mga limang minuto pa kami naghintay bago lumabas si Don Theodore.

"Finally lumabas na rin si Don Theodore! Palakpakan!" Sigaw ko at pumalakpak, nakisabay na rin ang mga loko.

Kita ko ang pagka-inis sa muka ni Theo kaya mas lalo ko pang nilakasan ang pagpalakpak sinabayan ko pa ng pagtawa.

"Tss tigil n'yo nga yan para kayong tanga" naka-busangot  nitong turan.

"Ang tagal mo naman kasi Theo, anyways tara na" pagyaya ni Warren.

Agad naman kaming kumilos at kaagad na sumakay sa sasakyan nila Theo, ang nasa passenger seat ay si Sebastian at and driver syempre si Theo at kami naman nila Warren at Navigne ay nasa back seat.

Hindi peaceful ang byahe namin papunta sa bayan kasi ang ingay namin mas nangunguna nga lang ang ingay namin ni Navigne, kanta dito, kanta doon.

After thirty minutes nakarating na rin kami sa bayan agad kaming bumabang apat nahuli pa si Theo kasi ipaparada niya pa muna yung sasakyan niya.

"Saan tayo ngayon?" Tanong ni Warren.

"Kain muna kaya tayo, ano g ba guys?" Turan ni Navigne habang tinitingnan kami isa-isa.

Malakas na batok naman inabot niya kay Theo andito na pala ang loko.

"Tss gutom ka na naman? Puro kain na nga ginawa niyo ni  Sam kanina sa kotse ehh"litanya nito.

Unexpected Where stories live. Discover now