🦋Chapter Four🦋

3 2 5
                                    

Samantha's Pov

Mabilis lang na nagdaan ang linggo at eto Monday na, grabe kinakabahan ako legit alas-singko pa lamang ng umaga at tulog pa sina mama at papa si ate naman tulog pa din mamaya pa naman ang klase niya si Jessica naman baka 5:30 pa magigising.

Since ako lang ang gising ako na ang magluluto tsaka malaki na rin naman ako para iasa ko pa may mama ito.

Nagsimula na akong kumilos pagkatapos kong magsaing, nagluto na rin ako ng ulam pagkatapos ay naghanap na rin ako ng maisusuot at naligo matapos kong gawin lahat ang dapat gawin ay nagpaalam na ako kina mama na bagong gising lang natapos akong mag-asikaso mga 6:10 ng umaga.

Pagkalabas ko ng bahay naabutan ko naman si Tito Amaroso tatay ni Theo na masayang nagkakape, agad ko siyang kinawayan at nginitian naman ako.

Magkatabi ang bahay namin nila Theo since  sa kanila kami umuupa and you know what sobrang bait nila except kina Arturo at Theo ewan ko ba ang bait naman nila tita at Tito tapos sina Theo ang suplado.

Pagkalabas ko ng gate naabutan ko si Sebastian na saktong kalalabas din ng bahay nila tapos sunod namang sumulpot itong si Navigne.

"Ohh himala Navigne aga mo atang nagising?" diko makapaniwalang tanong dito.

"Tss sabi ko naman sayo ehh magbabago na ako para......sayo" at nagfinger heart ang loko.

"Yuck!ano ka ba tigil mo nga yan kakadiri ka!" at umarteng nasusuka.

" Tss ang arte mo kala mo naman ehh-"

"Sige subukan mo na sabihin na hindi ako kagandahan sisiguraduhin kung papasok kang may blackeye!" Putol ko sa sasabihin niya at iniamba ang aking kamao.

"Haysst tama na yan ang aga-aga ehh" suway ni Seb sa amin, "Tara na Sam h'wag mo na lang patulan yang si Navigne" at hinila na ako palapit sa kanya.

Pasalamat talaga si Navigne at andito si Seb kung hindi bubugbugin ko na talaga siya.

Inakbayan naman na ako ni Sebastian medyo kinilig naman ako pero natural na 'to sa amin dahil ganto naman talaga sila sa akin, kaya lang kasi......nagulat naman ako nang akbayan din ako ni Navigne see normal na 'to sa amin.

"Hahatid ka na pala namin sa school mo" ani Sebastian.

"Huh? Bakit pa? ehh kaya ko naman na pumunta mag-isa dun" Takang tanong ko rito.

" Sam alam naman naming kaya mo pero diba ito naman talaga naka-ugalian natin, kahit nung nasa grade 8 pa lang tayo nun hinahatid ka pa namin sa classroom niyo" mahabang litanya ni Sebastian.

"Alam ko pero kasi ngayon nasa ibang school na ako baka yan pa maging dahilan na malate  kayo" sagot ko.

"Asus si Sam ang dami ng rason baka mamaya may jowa ka pala kaya ayaw mo na magpahatid sa amin" ani Navigne.

"Baliw kung may jowa man ako kayo ang unang makaka-alam, tsaka isa pa girls school yun ibig sabihin walang lalaki" paliwanag ko.

"Basta ihahatid ka pa rin namin" mariing wika ni Seb.

Wala na akong nagawa kundi ang hayaan sila na ihatid ako, actually nakakataba ng puso kasi kahit madalas kaming magbardagulan inaalala pa rin nila ako.

Mga thirty minutes ang byahe papunta sa school and finally we're here, pagkababa namin sa bus ay agad kung hinarap itong dalawang kumag.

"Salamat sa paghatid, punta na kayo sa school niyo medyo malayo pa naman yun" turan ko.

" Sige bye" sabay na pagpapaalam ng mga ito.

Unexpected Where stories live. Discover now