🍃 Chapter Twelve 🍃

5 1 0
                                    

Warren's Pov

Maaliwalas ang paligid, kasama ko sina mama at papa,masayang kumakain. Haysst tagal na naming hindi nagawa ang bagay na ito.

Ngunit nagtaka ako ng mapansing lumalayo ang distansya ni mama sa amin agad ko siyang tinawag pero tila ba parang mas lalo siyang lumalayo.

Tinangka kong tumayo at habulin siya pero hindi ako makagalaw para bang napako na ang aking mga paa.

"Ma, halika rito!" Sigaw ko ngunit ngumiti lamang si mama at patuloy na lumalayo.

"Ma 'wag mo akong iwan, 'wag mo kaming iwan!" At tumulo na lalo ang aking mga luha.

Napansin ko na rin ang pagbabago ng paligid padilim na ito ng padilim, pilit ko pa ring hinahabol si mama kahit na nahihirapan ako ngunit laking gulat ko ng makita si papa na pilit akong pinipigilan.

" Pa ano ba? Kailangan tayo ni mama"turan ko rito.

Ngunit mas hinigpitan niya pa ang kapit sa akin muli Kong hinarap si mama pero wala na siya at tuluyang nabalot ng dilim ang paligid.

Theodore's Pov

Napaigtad kami ng marinig ang pagsigaw ni Warren.

"Ahhh mama ko! 'wag please ang mama ko" at muling humagulgol.

Agad naman namin siyang dinaluhan ni Samantha at pilit na pinakakalma si Sebastian naman ay agad na kumuha ng tubig.

"Shh, inhale........exhale" pagpapakalma ni Samantha.

Kahit umiiyak ay agad naman itong ginawa ni Warren at unti-unting kumalma.

" Kasalanan ko 'to dapat kasi mas inaalagaan ko si mama" iyak nito.

Agad ko naman siyang hinawakan sa braso dahilan para makuha ko ang kanyang atensyon.

" Look Warren, hindi mo kasalanan at kahit kailan hindi mo magiging kasalanan ang pagkawala ni tita Zara......i-ito na siguro yung kapalaran niya kailangan na lang nating tanggapin at kalimutan" turan ko.

Nakita ko naman ang pag-iling niya at unti-unting pagkuyom ng kanyang kamao at tiningnan ako ng masama.

" Naririnig mo ba yang sinasabi mo Theo? " Inis nitong tanong," mama ko yung nawala! palibhasa kasi hindi ikaw yung nawalan kaya ang dali lang para sayo na sabihin na tanggapin na lang!........pero Theo m-mama ko yun h-hindi lang isang bagay ang nawala sa akin para tanggapin na  lang agad m-mama ko yun, nanay Theo nanay!" Galit nitong sigaw.

Napayuko na lang ako dahil sa hiya at umalis sa harap niya.

"S-sorry" nahihiya kong turan.

Bwisit na bibig 'to dapat 'di na lang ako nagsalita, agad siyang inalo muli ni Samantha at si Navigne na ang kumausap sa kanya, sa totoo lang ako naman talaga sa grupo namin ang malala magbigay ng advice, kung tatanungin ko sino sa aming lima ang magaling sa advice ay si Navigne yun.

Navigne's Pov

" Heyy Warren look at me" habang tinatapik ang mukha nito.

Agad namang tumingin ang magang-maga at pulang-pula niyang mata sa akin, nakaramdam naman ako ng awa dahil alam ko kung paano kamahal ni Warren ang mama niya.

Unexpected Where stories live. Discover now