🦕 Chapter Thirteen 🦕

0 1 0
                                    

Jessica's Pov

Lumipas na ang tatlong araw at ngayong martes ang libing ni tita, hindi ko namang mapigilan ang umiyak dahil kahit ako ay hindi matanggap na wala na si tita Zara parang na rin kaming pamilya sa compound minsan nga ulam ng isa ulam na ng lahat.

Kita-kitang namin ang patuloy na paghagulgol ni kuya Warren habang yakap-yakap ang kabaong ng Ina pilit siyang inaalo ni Tito Winston.

Mas lumakas ang iyakan ng unti-unti ng binababa ang kabaong ni tita sa hukay, hindi ko na rin mapigilan ang mapahagulgol, nasasaktan ako para kina kuya Warren.

Nang maibaba na ang kabaong tinabunan na rin iyon ng lupa...... makalipas pa ang ilang oras unti-unti na ring nagsisialisan ang ibang mga bisita kami na lang ang natira at ilang kamag-anak.

Nagpaalam na sila mama at ilang kapit-bahay para daw magkaroon ng time sina kuya Warren kausapin ang mga kamag-anak nila.

Pag-uwi sa bahay naiiyak pa rin sina mama at ate Sam, si ate Agatha naman ay dumiretso na sa kwarto baka magrereview ulit, ako naman ay dumiretso muna sa rooftop.

Winston's Pov

Pagkatapos ng libing ay umuwi na kami ni Warren kasama na rin namin ang ilan naming kamag-anak, pagkarating sa bahay agad na akong dumiretso sa kwarto.

Pagpasok ko pa lang ay nakaramdam agad ako ng pangungulila walang Zara na nakahiga sa kama at tahimik na nagbabasa ng paborito niyang libro, wala ng Zara na lagi mag-e-encourage sa'kin hindi ko na alam kong paano magsisimula.

Naupo ako sa kama at tahimik na umiyak habang yakap-yakap ang paboritong unan ni Zara nasa kalagitnaan ako ng pag- iyak ng mapansin ko ang isang pulang kahon.

Agad ko itong kinuha dahil naalala ko na Isa ito sa mga gamit ni Zara, dahan-dahan kong binuksan ang kahon at tumambad sa'kin ang aming larawang tatlo ilang mga importanteng bagay ngunit mas naagaw ang aking pansin sa isang liham.

Agad ko itong kinuha at binasa.

Mahal kong Winston,

Alam ko na nababasa mo ito ngayon ngunit wala na ako, mahal ko alam kong nalulungkot ka sa pagkawala ko pero sana 'wag mong kalimutang alagaan ang sarili mo 'wag na 'wag mong pababayaan ang sarili mo.

Mahal ko masaya ako na naging asawa at  tatay ka ni Warren, masaya ako na kahit sa maikling panahon ay sumaya ako kasama ka, kayo ni Warren.

Pasensya ka na mahal kung hindi ko natupad ang pangako ko na sabay tayong tatanda, pasensya ka na rin kung pabigat ako sayo.......pero mahal salamat sa lahat.

Mahal tandaan mo na sa sunod na buhay ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko,'wag ka munang sumunod saakin mahal dahil kailangan ka pa ni Warren.

Tandaan mo mahal, mamahalin pa rin kita pangako.

    Nagmamahal ang iyong irog,

Zara Frost

Warren's Pov

Rinig na rinig namin ang paghagulgol ni papa mula sa kwarto niya, andito pa ang ilan naming kamag-anak mostly ay sa side ni mama napaigtad naman ako nang tapikin ako ni Cloud.

Pilit ko naman siyang nginitian gusto ko pang umiyak pero wala na akong mailuha pa.....para bang naubos na.

"Warren uuwi na pala sila papa mamaya kailangan na rin kasi sila sa work" ani Cloud.

Unexpected Where stories live. Discover now