🍀 Chapter Six🍀

1 2 1
                                    

Samantha's Pov

Dear Diary,

Ohh my gass diary aaminin ko na okay, crush ko talaga si Sebastian and feel ko din crush niya ako kasi lately napansin ko yung sobrang sweetness niya, never niya kayang ginawa sa akin yun, yung pagbibigay  Ng flowers, chocolate.

And sabi din sa akin ni Jade na parang crush nga daw ako ni Sebastian kasi napapansin niya rin daw #superkilig#
Sebmantha hahaha.

Ang eme natin diary, anyways sa tingin mo dapat na ba akong mag confess sa kanya?pero dapat ba na ako yung unang mag confess sa kanya diary? parang nakakahiya naman, pfft bahala na si tadhana.

Good night diary ✨

Itinago ko na ulit ang aking diary sa sagradong lugar, agad ko namang napansin si ate na bagong dating.

Sama ng tingin sa akin, well lagi naman parang laging may regla ang isang 'to ehh.

"Hoyy Sam andyan si Navigne hinahanap ka" at umupo na sa may study table niya.

Grabe 'di ba s'ya napapagod mag-aral, anyways lumabas na ako ng kwarto agad ko namang nakita si Navigne ewan ko ha pero parang may kakaiba sa unggoy na 'to.

" Ohh Navigne napadaan ka?" kaswal kong tanong.

" Alam mo ba kung kanino binigay ni Sebastian yung mga flower kanina?"

" Ahh sa amin ni Jade, bakit?"

"Pwede ba tayong mag-usap sa labas?"

Kahit nagtataka ay lumabas kami ni Navigne, sa totoo lang nakakaramdam ako ng pagkatakot para kasing bad news ibabalita ng mokong na 'to.

" Ano ba sasabihin mo Navigne parang ang seryoso naman ata?"

" Umamin ka nga kayo ba ni Sebastian?" Kunot-noo nitong tanong.

Agad namang kumunot ang aking noo sa kanyang tanong.

" Paano mo naman nasabi na merong namamagitan sa amin maliban sa pagkakaibigan?"

"Don't tell me 'di mo rin napapansin na ang sweet niya sayo kaya for sure may something nga kayo!" Medyo malakas nitong sigaw.

" Ehh bat kailangan mong sumigaw?" Bulyaw ko rin dito, "tsaka wala ngang namamagitan sa amin bat ba ang kulit mo!"

Navigne's Pov

Hindi ko rin alam kung bakit si Sam ang tinatanong ko sa bagay na ito pero feel ko kasi may mali ehh.

Yung mga kilos ni Sebastian, yung pagiging sweet niya alam kong may mali.

Hindi ko na sinagot si Sam at binago ko na ang usapan dahil tumataas na ang tensyon sa pagitan naming dalawa baka ito pa ang maging dahilan ng pag-awayan namin.

" Anyways sa sabado dun tayo kina Warren may bagong movie ako  na naidownload" kaswal kong sabi.

" Sige bye"

" Huwag ka ng malungkot okay, akala ko lang kasi na may something kayo ni Seb"

" Ang ano kasi ng utak mo ehh, sige na alis ka na" at itinaboy ako.

" Ito na aalis na bye Sammy" at natatawang umalis.

Sa part na 'to medyo tanga ako, dapat pala si Seb kinompronta ko hindi si Sam haysst bukas ko na lang siguro kausapin yun.

Unexpected Where stories live. Discover now