🍄 Chapter Eight 🍄

1 2 2
                                    

Hi wonder readers! bago kayo magbasa gusto ko lang na invite kayo to follow my Facebook account: Author Aliallyju
for more update.

And thank you again for supporting me, I really appreciate yung mga readers na nagtatama ng mga wrong grammar ko☺️.

★~~~~~~~★~~~~~~~~~~★~~~~~~~~★~~~~
Friday

Samantha's Pov

Malungkot akong pumasok sa school kanina dahil hindi ako hinatid ni Sebastian 'pfft apaka ano ko naman'.

Well ngayon papunta na ako sa may bulletin board kasi naipaskil daw yung mga kasali sa may cheerdance, hoping na makasama.

Medyo tanaw ko na ang bulletin board marami-rami na rin ang mga estudyanteng naroroon and since medyo payat ako madali lang akong nakasingit sa harap ng bulletin board.

Gamit ang aking hintuturo agad kong hinanap ang aking pangalan, puno ng kaba ang aking dibdib habang hinahanap ang aking pangalan, nakahinga naman ako ng maluwag ng makita ito.

28. Samantha Villariquez

Abot hanggang tenga ang aking ngiti, hindi ako makapaniwala na pasok ako, umalis na ako sa may bulletin at agad kong hinanap si Jade upang ibalita agad ko naman siyang nakita sa may school garden.

" Hi Jade! May ibabalita ako sayo" kasabay nang pag-upo sa kanyang tabi.

".... Ano yun?" Tanong naman nito.

"Pasok ako sa cheerdance wahhh! sobrang happy ko as in happy"tili ko.

Napansin ko naman na tila balisa si Jade, napansin ko yun kahapon pa, may nangyari kayang masama.

".....Jade may problema ka ba?..... napansin ko kasi na parang balisa ka"

" Ahh o-oo 'no o-okay lang ako......marami lang akong iniisip" utal nitong sagot.

Tumango na lamang ako bilang sagot, nag-aalala ako para kay Jade baka mamaya may dinaramdam pala ito 'di niya lang masabi.

Jade's Pov

Buti na lang at hindi na nagtanong pa si Sam kahit mukang gusto niya pang magtanong, sa totoo lang kinakain ako ng konsensya ko para kasing may malaki akong kasalanan kay Sam.

" Sam mauuna na pala akong umuwi ha, kasi may gagawin pa ako"

Hindi ko na hinihintay pang sumagot si Sam at umalis na ako kaagad, alam kong parang ang bastos ng ginawa ko pero kasi nahihiya na talaga ako kay Sam.

Paglabas ko ng gate nakasalubong ko naman siya, agad akong umiwas pero hinawakan niya ako sa braso, hayyst bat ngayon pa.

" Kailangan mo?" Mataray kong tanong sa kanya.

" Mag-usap tayo......linawin natin yung relasyon natin" turan niya.

" Nahihibang ka na ba, anong relasyon pinagsasabi mo?" kunot-noo kong tanong.

" Jade gusto kita okay mahal kita" walang paligoy-ligoy nitong turan.

Nagulat ako sa sinabi niya, hindi ko alam kong paano magre-react, gusto niya ako at aaminin kong gusto ko rin siya pero hindi pwede kasi may masasaktan.

Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko buti na lang at dumating na ang sundo ko kaya agad akong sumakay.

Pagsakay ko napalingon naman ako sa gate at nakita si Sam, haysst ano bang gulo 'tong pinasok ko kakainis.

Unexpected Where stories live. Discover now