🌻 Chapter Ten🌻

4 2 4
                                    

Sebastian's Pov

Ito na ang araw na hinihintay ko, finally maamin ko na rin sa kanya ang totoo kung nararamdaman, sana maging okay lang ang lahat.

Thursday na ngayon grabe ang bilis ng araw maaga ulit akong nag-ayos at sinundo si Sam, sumabay na rin sa amin si Navigne pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nag-uusap.

Hindi ko lang alam kung napapansin iyon ni Sam, sana nga hindi niya ito mapansin.

" Sige na guys, bye" paalam ni Sam habang kumakaway.

Naiwan na kaming dalawa ni Navigne pero hindi niya parin ako pinansin at nauna ng naglakad sa akin. Agad ko naman siyang hinabol.

"Brad sandali lang, mag-usap muna tayo" pigil ko sa kanya.

Tiningnan naman niya ako na tila ba bored na.

" Seb tsaka na lang tayo mag-usap hinahanap na ako ni Henry may laro kami" at umalis na.

Nasaktan ako sa lamig ng pakikitungo sa akin ni Navigne hindi ako sanay, madaldal siya tulad ni Sam pero ngayon parang haysst hayaan na lang muna.

Naglakad na ako papunta sa school dahil malapit na ang time, kailangan ko munang maging maayos para maayos kung maamin sa kanya ang nararamdaman ko.

Samantha's Pov

Thursday na pala ngayon, eto na yung araw na aamin na si Sebastian. Napalingon naman ako kay Jade mukang okay na siya ngayon, kahapon kasi halatang pinipilit niya lang pumasok.

" Jade may gagawin ka ba mamayang uwian"

" Hmm....wala naman masyado, bakit? " Malumanay nitong tanong.

" Pupunta kasi ako mamaya sa may padlock tower yung bagong tourist spot dito sa Damsuk"paliwanag ko," isasama sana kita mamaya na kasi opening nun".

" Sure sasama ako, pahatid na lang tayo sa driver namin"

Tumango na lamang ako, nae-excite ako pero kinakabahan din, finally aamin na rin si Sebastian.

Hinihintay na lang namin ang uwian, panay ang tingin ko sa orasan 'ang  tagal naman ng five minutes na yan' nang makitang isang minuto na lang agad kong inayos ang aking mga gamit, ganun din si Jade mukang excited din.

Maya-maya pa ay narinig na namin ang pag-ring ng bell kaya agad kaming tumayo ni Jade at tumakbo paalis sa classroom.

Sebastian's Pov

Mabilis akong tumakbo at agad na nag-abang ng masasakyan na bus papunta sa padlock tower, sana pumunta siya.

Mga 35 minutes din ang byahe papunta sa may Padlock Tower nang makapunta dun ay marami-rami na ring tao, dahil nga opening, nagpalinga-linga ako sa paligid at nagbabakasakaling makita siya.

Samantha's Pov

Nang makarating kami marami na ring tao kaya napagpasyahan namin ni Jade na pumunta sa pinaka-taas yung parang may roof top dahil iilan pa lamang ang nandito.

Mga 10 minutes kaming naghihintay ng makaramdam ako nang tawag ng kalikasan kaya agad akong nagpaalam kay Jade na iihi muna, tumango naman siya bilang sagot.

Agad kong hinanap ang comfort room siguro inabot pa ako ng limang minuto bago ito nakita.

Jade's Pov

Nang maka-alis si Sam, pinagmasdan ko lamang ang tanawin tunay nga na maganda ang Damsuk makakaramdam ka ng katahimik sa buhay.

Habang nagmumuni-muni nakarinig ako ng pamilyar na boses kaya agad akong napalingon at nakita si Sebastian na papalapit sa akin, eto na naman siya.

Unexpected Where stories live. Discover now