Chapter 23

99 9 0
                                        

When the accident happened to me a few months ago, I was skeptical to go on full ride again

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

When the accident happened to me a few months ago, I was skeptical to go on full ride again. Napagawa ko rin naman iyong motor ko matapos ako bayaran no'ng naka aksidente sa akin. Nakipag areglo rin ako no'n dahil sila naman ang may kasalanan at may CCTV na nakahuli ng pangyayari. I was able to fix it, but I wasn't able to ride on it every day as usual.

I go to work on foot. Tinatanong pa ako ni Ankol kung bakit hindi ko na lang ibenta kung hindi ko na ginagamit masyado. I don't agree with what he said. I bought that motorbike from my own pocket. I've saved up for a few months just to have it. Hindi ako nanghingi sa magulang ko o kung ano man. It was the fruit of my labor and I wouldn't sell it in any circumstances.

Days going to work has been a routine for me, as all the things I do were just the same thing all over and over again. Hindi naman ako nagsasawa sa trabaho ko. I've been doing this job for the past few years and the fun part of having this job was being able to know new people.

Maybe, I'm still at that point na hinahanap-hanap ko pa rin ang pag-iikot sa isla. Those three weeks of travel changed a lot of things in my life.

For the past months, I have been checking out the website where Cory's articles were being published online. She has been writing great things about Palawan and all the experiences she had when touring around. I've been waiting for her to release her video project and see how they will come up with it.

Cory and I haven't been talking. Well, we never did ever since she left the island.

"Nakakainis iyong mga guest kanina, hindi marunong sumunod," angal ni Ankol. "Nakaiilang sabi na ako sa kanila na 'wag gagawin 'to kapag nasa ilalim na, may mga gumagawa pa rin talaga. Kung hindi lang ako nasa trabaho kanina, nasample-an ko na 'yon."

"O, kalma ka lang," aniko. "Hayaan mo na 'yong mga 'yon. Mga baguhan, e. Mga sabik."

"Iyon na nga, e. Wala pa silang experience. Mga nagmamagaling tapos kapag may naaksidente sa kanila tayo naman 'yong sisisihin? Kalokohan."

"Hayaan mo na." Tapik ko pa sa balikat niya. "Tapos na naman at mabuti't walang nangyaring masama. Kalma ka na. May pupuntahan ka ba mamaya?"

"May lakad ka ba?" tanong ni Ankol sa akin. 

"Wala naman."

"'Di ba nagyayaya si boss lumabas tayo mamaya? Nakalimutan mo na?"

Napasapo ako sa noo ko nang sabihin niya iyon. "Oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan. Buti pinaalala mo. Uuwi na rin sana ako."

Natawa pa ito. "O, loko! Buti na lang nabanggit ko pa. Hindi ko alam kung anong ganap ni boss, pero malay mo may ishe-share siyang good news sa 'tin, 'no? Tataas na rate ng commission natin per guest."

"Asa ka naman." Ngisi ko pa. "Hindi iyon mangyayari. Mabuti nga niyaya pa tayo ni boss, e."

"Pero paano kung 'yon nga, 'no?"

Palawan: As Told by DouglasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon