Epilogue

273 11 3
                                        

Summer of 2023

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Summer of 2023.

When they announced that the summer season is about to come, our team ensure we are prepared for what is coming. For the past months, starting March to May were all booked for any activities on the beach. We were expecting this kind of schedule since it was summer and people are flocking to beaches and islands when it was the best time to do so during the hot weather.

For the past three days, Cory's not responding to any of my call or messages and I was wondering why. I tried reaching out to Danny and it was the same thing I get from him. Hindi niya rin ako sinasagot so that bothered me.

Cory and I have been talking ever since I left Manila and get back in Manila. Sometimes she would just send me one message and that was enough for me, but these past few days, nothing, nada, it was kind of terrifying.

"Oy, Doggy! Ayos ka lang?" tanong ni Ankol at tapik pa sa balikat ko.

Tumango naman ako. "Ayos lang. Bakit?"

"Kanina ka pa kasi tulala riyan. Hindi ka naman tatanggalin ni boss. Ang dami-dami mo namang naiisip."

Napangisi ako sa sinabi niya. "Hindi naman iyon ang nasa isip ko. Basta. Hayaan mo na. Parating na ba mga guest natin?"

"Siguro?" Tiningnan niya iyong relos niya. "In thirty minutes siguro. Darating na 'yong mga 'yon."

"Grupo ulit, 'no?"

Tumango si Ankol sa akin. "Yup. Sampu ata sila ngayon. Sana pinoy lahat para hindi na pahirapan mag-english."

"Hindi mo sure 'yan," aniko. "Laging may dawit na foreigner iyong iba kaya 'wag kang umasa."

Bumalik naman ako sa loob ng cabin at sinimulang ayusin ang mga gear at equipment na gagamitin ng mga guest. Panay rin ang tingin ko sa phone ko at nag-aabang sa reply ni Cory sa akin. 

Saglit lang ay pumasok si boss sa cabin at tinapik nito ang balikat ko.

"Kumusta, Douglas?" tanong nito sa akin.

Nagtaka naman ako. "Okay naman ako, boss? Ba't napatanong ka, boss? Papalitan mo na ba ako?"

Natawa naman ito at saka ito umiling. "Ba't naman kita papalitan? Hindi nga kitang magawang tanggalin, e. Ikaw pa nga 'tong nagtuturo sa mga baguhang divers natin kaya bilib na bilib ako sa 'yo, e. E, ang inakala ko talaga'y iiwan mo na kami rito at mananatili ka na ro'n sa Manila. Saan ba mas gusto mong manirahan, dito o sa Manila?"

Napangisi ako sa tanong niya dahil mahal ko ang Palawan at nasa Manila ang mahal ko.

"I would always choose Palawan, boss. Alam mo 'yan."

"Tama, tama," pagsang-ayon pa sa akin nito. "Masaya kami na nandito ka pa rin sa amin kahit na nasa Maynila iyong girlfriend."

"Hindi ko pa naman girlfriend si Cory, boss." Tawa ko pa.

Palawan: As Told by DouglasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon