THE COLDEST INTRO

3.4K 80 10
                                    

"Hey freak!" I called her. She's wearing a leather jacket in a hot noon time. The girl slowly turned her gaze to me.

I froze upon seeing her eyes.

She looks at me in disgust.

As if she's blaming me of something I didn't know.

Her eyes reminds me of someone..

Someone I used to know..

"Your name?" She asked me in a monotone voice. Even her voice was cold. Cold as ice burg.

Confusingly I answered, "Ace."

Looking directly in her cold eyes, she said.. "Good. Now, I FOUND YOU." And then a gun shot flooded at the background.

The next thing I knew..

I'm lying,

with blood all over my body.

_____________________

This is a NEW STORY. A really new version of Zai and Ace. The title implied..

THE COLDEST 1.O.

Why, 1.O?

Let's find out.

Copyright. All rights reserved.

_____________________

KABANATA 1

Ace's POV

Baaaadtrip! Ngayon pa nasiraan ang kotse ko. Kaasar! Ang layo pa ng car parts o ng talyer sa lugar na 'to. I didn't even know what's this place is. Demmit! Naliligaw na ako ng dahil sa pisting direksyong itinuturo nung kotse ko.

Sa pagmamasid ko ay may nakita akong mga kalalakihang nag-aaway or pwede ko na ring sabihin na nagpupustahan. Parang mga street fighter. Parang isang gang sa di kalayuan. At mukha silang Pinoy lahat. Madami na din pala ang Pinoy dito sa Macau. Napapatangong sambit ko sa sarili.

"Laban! Lumaban ka." Sigaw ng isang lalaki na sa tingin ko ay nagmistulang referee at pinapabangon ang isang..

What the f*ck?

Isang..

babaeng nakikipaglaban? Nakasuot ito ng leather jacket na itim ngunit walang manggas, parang tsaleko lang. Sa ilalim non ay isang puting t-shirt na ngayon ay medyo marumi na dahil sa alikabok at pawis na naroroon.

"Ano Zai lalaban ka pa ba?" Tanong noong referee.

Zai? Zai ang pangalan nya? Naitanong ko sa sarili.

Kakaiba ang pangalan nya. Ngayon ko lamang narinig.

"Nah.. He can't even move." Sagot nya sa referee at itinuro ang kalaban nyang..

W-what the?

Isang maton! Isang lalaking maskulado, matangkad, puro tattoo at..

at..

Kamukha ni Johnny Bravo! Tinitigan ko sya at.. maliban sa mga tattoo sa braso at binti ay wala na silang pinagkaiba ni Johnny Bravo. Haneeeep! Kahit pala dito sa Macau ay makakakita ako ng kalokalike ni Johnny Bravo.

at..

May naisip ako. Ano kaya kung isama ko sya sa Pilipinas para mag-audition sa showtime sa kalokalike phase 3? Phase 3 na diba kasi tapos na ang phase 2.

Pero nah.. wag na lang. Kagaya nga ng sinabi ni Zai ay, he can't even move. So why bother? Mahihirapan lang akong buhatin yan. Maskulado yan e.

Ngunit sa pagtitig ko sa kamukha ni Johnny Bravo na ngayon ay nasa semento na ang katawan ay biglang nanlaki ang mga chinito kong mata dahil..

"Hindi na nga gumagalaw si Johnny Bravo! Patay na kaya sya? Patay?" Hindi ko naiwasang hindi lumabas sa bibig ko kaya naman agad nagtinginan sa akin ang mga taong kasali sa gang.

Tsk. Deym you Ace! Ang ingay mo kasi. Paninisi ko sa sarili. Buset e di ko napigilan ang bibig ko.

Napapakagat sa labi na umatras ako. "H-hehe.. hehe. Go ahead. Go, ituloy nyo lang yan. Keep it up. Aja!" Sabi ko at agad tumakbo palapit sa kotse ko. Ngunit deym! Kinapa ko ang susi ng kotse sa bulsa ko at.. pakshet! Naiwan ko sa loob yung susi.

Kung minamalas ka nga naman oh. Bakit ngayon ko pa naiwan sa loob?

Muli akong tumingin sa mga gang at kagaya kanina ay nakatitig pa rin sila sa akin. Oh no!

Napapailing akong tumingin sa pwesto ni Zai kanina ngunit wala na syaaaaaa.

Patay!

to be continue ..

THE COLDEST 1.OTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon