KABANATA 4

1.2K 43 7
                                    

Ace's POV

Pinakawalan na rin ako ni Zai matapos nya akong mahuli off guard. Akala ko nga ay muli nya akong itatali sa puno ngunit hindi. Hindi nya ginawa.

"Sayang! Pagkakataon na ni idol na talunin si chinito pinakawalan pa." Sabi ni semi-kalbo.

"Zai wag mong pagbigyan ang isang yan." Sabi naman nung referee.

"Oo nga idol! Talunin mo na ang isang yan. Kayang kaya mo yan ng wala pang isang minuto." Sigaw naman ni pandak. Talaga bang galit na galit sila sa aking lahat dahil kung ipagkanulo nila ako ay ganoon na lamang. Mga pisti.

"Ayoko na. This is boring." Pahayag ni Zai sa bored na tono at akmang aalis na ng may biglang dumating at humahangos pa. Nakaitim din ito at parang member din ng gang na ito.

"Idol, pinapatawag ka ng Supremo." usal nung kadadating lang. Habol pa nga nito ang hininga nya na parang tumakbo ng mabilis. At sino daw 'yon?

Supremo?

"What is it this time?" Tanong ni Zai na hindi na nag-abalang lingonin yong lalaking inutusan upang ipatawag sya.

"Ang Supremo na daw ang magpapaliwanag." Pahayag ni running boy.

"That old man." Parang naiinis na sambit ni Zai. Ang ganda pagmasdan ng mata nya at ang mukha nya parang naging iritable pero cute.

Nooo! Paano napasok sa isip ko 'yong cute? Hays. Binabawi ko na 'yon. Panget sya, panget.

At habang nakikipagtalo ako sa konsensya ko ay bigla akong nakarinig ng pamilyar na tunog papalapit sa amin. Isang tunog ng sirena ng mga pulis na nagroronda.

At parang on cue ay nawala lahat ng tao sa paligid ko maging si Zai. Wala pang ilang segundo. Ang gagaling tumakas ng mga 'yon ah. Parang nasa sistema na nila na kapag tumunog ang serene ng mga pulis ay agad silang mawawala sa paligid na parang bula.

Paano ko ngayon mahuhuli 'yong idol nila kung nawala na sila. Tsk. Mga myembro nga talaga ng gang. Ang bibilis e. Nasabi ko na lang sa sarili.

"What happened here?" Tanong ng dalawang pulis na kano sa akin. Gusto kong sabihin na huli na sila. Nakatakas na ang mga myembro ng gang lalo na 'yong idol nila.

Sinenyasan ko sila na tulungan na lang ako sa kotse ko dahil naiwan ko 'yong susi sa loob.


Sa prisinto

Wow. Nasabi ko sa sarili matapos makita ang prisinto dito sa Macau. Tatlong palapag. Grabe nakakamangha sa laki at sa ganda ng disenyo niyon. Halatang pinagkakagastusan talaga ng gobyerno nila dito.

"Please wait here." Sabi ng isang babaeng pulis. Tumango lang ako bilang sagot. Nandito ako sa isang office na sa tingin ko'y pagmamay-ari ng isang may mataas na posisyon dito.

At hindi pa man nag-iinit ang pwet ko sa upuan ay may dumating na. Nakauniporme ito at kagalang galang ang dating. Parang si General lang. May nakalagay sa dibdib ng kanyang uniporme na..

Lt. Garvas.

Isa pala syang Lieutenant. Kaya pala maawtoridad ang lakad nya. "Lieutenant Commander Garvas." Pakilala nya sa sarili kasabay ang paglahad nya ng kanang kamay. Kinuha ko naman ito at nakipagkamay din.

"Police Officer Lim." Pakilala ko naman sa sarili ko.

"You are the grandson of General Lim. Your grandfather told me so much about you." Panimula nya. Magkaibigan pala sila ni lolo. Tignan mo nga naman ang matandang 'yon may kaibigan pa lang Lieutenant. Hindi manlang sinabi sa akin. Pero naiinis pa rin ako dahil sana sa Pilipinas na lang ako. Ayoko dito. Kahit pa sabihing ojt lang 'to. Gusto lang nila akong malayo sa mga tropa ko. "By the way, your partner will arrive soon. You two were the ojt's of this station this year. I know you'll get along together." Anito at hindi pa man tapos sa pagsasalita nya ay biglang bumukas na ang pinto ng opisina nya.

THE COLDEST 1.OTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon