KABANATA 3

1.3K 56 9
                                    

Ace's POV

Marahan syang naglakad papalapit sa akin habang may malalamig na mga mata.

Iniikot ko ang nangalay na kamay sa pagkakatali at marahan ding naglakad papalapit sa kanya. Pakiramdam ko tuloy isa akong model at lahat sila ay idol ako dahil titig na titig sila sa amin ni Zai habang naglalakad papalapit sa isa't isa.

Okay na sana..

Sweet na sana..

Kaya lang..

Hindi kami naglalakad ng marahan para ikasal.

Kundi para MAGLABAN.

At bakit ba kasal ang iniisip ko?

Kasalanan 'to ni General e kung ano-ano pinapasok nya sa isip ko. Na kesyo maghahanap na daw sya ng fiance' ko at magpapakasal na daw ako. Aish. Ang hirap spell-ingin ng matatanda. Buti pa tayong mga bata madali kausap, diba?

Nang magkatapat na kaming dalawa ay nakita ko ang mga mata ni Zai..

Malungkot ang mga ito.

Akala mo sa malayo fierce ang mga ito ngunit kapag tititigan mo parang may mas malalim pa sa pagiging fierce nya.

Yon ay ang kalungkutan ng mga mata nya.

Bakit kaya?

Nah.. its none of my business. All I need to do is get her. Iposas sya at dalhin sa prisinto. Pati na rin itong si referee na bad breath. Dahil ang sabi ni General ay may karapatan na daw akong manghuli dahil dito nya ako pinapunta upang magsilbing ojt ko sa ibang lugar at dapat lang daw ay tumulong na ako upang mapuksa ang mga salot sa lipunan kagaya nitong si Zai. "Huwag ka ng lumaban. Sumama ka na lang sa akin ng matiwasay." Sabi ko sa mahinahong tono.

"Dream on." Tanging sabi nya. Dream on daw oh. Ang tipid pala magsalita nito. Mapapanis ata laway ko dito. Pero.. ang hininga nya. MABANGO. Amoy mint. Hindi kagaya ni referee. Hays. Polusyon.

"Hindi pwedeng managinip dito ngayon, baka matalo ako sa laban natin." Pahayag ko. At parang on cue ay nagtawanan silang lahat. Maliban kay Zai na may tinging, are-you-crazy-look.

Ano ba kasing ibig sabihin nya don sa sinabi nyang dream on? Tsk. Tama naman ah. Dream, panaginip. On, buhayin. Pag pinagsama..

Panaginip buhayin.

Right?

Yeah, right.

Mga bobo 'tong mga 'to e. Pagpasensyahan nyo na. Di nila kaya I.Q ko. Ako na rin ang magpapasensya sa kanila. Hays.

"Hoy! Stop already laughing you all." I scowled. Oha. Oha. English 'yon. At lahat sila natahimik muli. At syempre si Zai, tahimik naman talaga. Pero maya-maya rin ay nagtawanan silang muli.

"Wa-wahaha! Wahahaha!"

"Hahaha! Boss ang galing na komedyante pala nito e. Bebenta 'to sa mga gay bar." Usal nung semi-kalbo. Badtrip na 'to ah. Di ko alam kung nang-iinsulto o ano.

"Oo nga. Yong level ng english nya pang first class. Di ko ma-reach!" Maaksyong pahayag naman ni pandak. Mga pisti. Hindi nila ako pinupuri. Iniinsulto na nila ako. Badtrip.

Ayoko ng magsalita ng english. Ayoko na. Period. Ang lalakas manglait! Akala mo naman magaling sila mag-english. Dehends naman.

Hayaan ko na lang. May araw din kayo. Makatakas lang talaga ako dito sa lugar na 'to hahuntingin ko kayong lahat.

"Pinasaya mo kami chinito. Kakaiba ang level ng english mo." Sabi nung referee. Hindi ko alam kung papuri na ba 'yon o insulto pa din. "Pero hindi nyan mababago ang katotohanang lalabanan mo si Zai. At wala ka ng takas. Hala Zai simulan na!" Pahayag nung referee na parang inuutusan si Zai. Bigla namang nagdilim ang paningin ni Zai at seryosong tumingin sa referee.

"Hindi mo ako kailangang utusan. Gagawin ko ang gusto ko." Wika nya sa nakakatindig balahibo. Boses pa lang nya palaban na. Ano pa kaya kung gumalaw na sya?

"P-paumanhin Zai." Turan nung referee na agad huminga ng tawad kay Zai.

At huwaw lang ganoon na ba sya iniidolo o sinasamba dito sa lugar na 'to. At ganyan sya kung irespeto nila.

"Hoy! Mga ugok." Turo ko sa kanila lalo na doon sa referee. "Bakit ba masyado nyong iniidolo ang isang yan?" Turo ko naman kay Zai. "Sya ba ang lider nyo ha? Sya ba?" Tinanong ko sila at lahat sila nagyuko ng ulo. Bakit? Anong masama sa tanong ko?

Nakakapagtaka ang mga ikinikilos ng mga ito towards Zai.

"Wala kang nalalaman." Biglang sabi nung referee na napatayo pa sa pagkakaupo nya sa malaking bato pero mas malaki pa rin 'yong batong inuupuan kanina ni Zai.

"Kaya nga ako nagtatanong para may malaman ako. Magtatanong ba ako kung may nalalaman na ako?" Sarkastikong balik ko sa referee.

"Lumaban ka na lang ng magkaalaman na!" Sigaw ni semi-kalbo.

"Oo nga!" Mga second the motion ng ibang gang members.

Wala na akong magagawa. Lalabanan ko na syang talaga. Hindi dahil gusto ko kundi kailangan.

Humakbang pa ako palapit kay Zai hanggang sa isang dipa ng lang ang pagitan namin. Hindi sya gumagalaw sa pagkakatayo nya.

Nakatingin lang sya sa akin ng may bored look. Anak ng tipaklong 'to oh. Maglalaban na nga lang kami nagawa nya pang maghikab? Hindi ba sya natatakot sa akin o kinakabahan man lang? Napakamot ako sa ulo ko. Badtrip na babae 'to ah. Kung dala ko lang sana ang baril ko ay tinutukan ko na lang sana sya para wala ng laban na magaganap kaso kinuha ng bading at bad breath na referee ang baril ko. Napailing na lang ako.

Pero.. this situation leave me no choice but to fight this gorgeous girl in front of me. Ay teka! May mali. Saan nanggaling 'yong gorgeous?

Sige na nga, gorgeous naman talaga sya. Sa tindigan pa lang nya maaakit ka na. Kahit sinong lalaki ang mapatingin sa kanya ay tiyak mapapalingon ulit sa kanya.

She's a head turner. Sabi ko sa sarili habang sinisipat ng mga mata ko si Zai.

"What are you thinking?" Seryoso nyang sabi. "Don't think of any malicious thing while looking at me." Dugtong nya. "Or else I will punch you..

hard." Nakakatakot ang mga matang pagbabanta nya.

At tsaka marahang lumakad closing the distance between us. At ang kasunod nyang ginawa ay hindi ko inaasahan. Napa-aaawww ako sa sakit ng pitikin nya ng malakas ang noo ko.

"Thats just a minor damage and you already look in pained." Mahihimigan ang pagka-amaze nya. Buset na 'to. Pagkatuwaan ba ang noo ko. Humanda ka! Ginagalit talaga ako ng babaeng 'to.

Umatras ako at bumuwelo para sa malakas na pagsuntok ko sa kanya sa mukha. Hindi ko naman sana seseryosohin pero waaaaah! Nahuli nya ang kamay ko at agad iyong pinilipit papunta sa likod ko dahilan upang di na ako makagalaw. "Aw aw." Parang asong daing ko. Ang sakit ng pagkakabaluktot nya sa akin. Wala naman akong balak suntukin sya dahil una sa lahat ay babae pa rin sya kahit tinalo nya pa yong maton, maskulado, may tattoo na si Johnny.

"Next time give your best. Don't give your opponent an opening to caught you off guard." Parang nanenermon nyang sabi. Pero kasunod na sinabi nya ang nagpatindig ng mga balihibo ko. Oo, lahat ng balahibo ko sa katawan. Pati doon sa alam nyo na. "You'll never know when your going to die." Bulong nya sa akin habang nasa likod ko. At 'yong bulong na 'yon.. It gives shiver down to my spine.

Nakakakilabot ang mga sinasabi nya.

Para bang nagbabanta sya.

At doon biglang humangin ng ng malakas.

to be continue ..

THE COLDEST 1.OTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon