Luke's POV
Nakatitig lamang ako ngayon kay Zai habang magana syang kumakain. Tapos na akong magkwento at hindi nya iyon napansin dahil nakatutok na ang buong atensyon nya sa pagkain. At minsan ay mapapakunot pa ang noo nya.
Bahagya akong nagtaka ng bigla syang tumigil sa pagkain at tumingin sa labas ng restaurant. Tinignan ko rin ang tinitignan nya ngunit wala naman, mga dumadaan lang na sasakyan. Marahil ay may iniisip lang sya. At natitiyak kong tungkol na naman ito sa pamilya namin. At ang pagiging mafia namin. Sya lamang ang labis na tumututol sa pagiging dugong mafia nya. Ako naman ay natanggap ko na iyon noon pa hanggang ngayon. Wala na akong magagawa kung nananalaytay na sa dugo ko ang pagiging mafia. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang matupad ko ang pangarap ko.
Muli kong tinitigan si Zai at hindi ko maiwasang hindi malungkot para sa kanya. Kahit pilitin nyang maging masaya kapag kasama ako ay dumadating pa din sa punto na mapapatulala sya at mag-iisip ng malalim. Kagaya na lang ngayon. Malayo na naman ang narating ng isip nya. Nakakalungkot na hindi nya makasama ang ina nya ngayon dahil pinaglayo sila ng Supremo. Walang nagawa ang ama nya na si tito Zaiborgh ng itakwil nito ang ina ni Zai at ipatapon sa Pilipinas.
Ang huling balita namin ay nagkaroon daw ito ng sakit. Sakit na hanggang ngayon ay palala ng palala. Isang sakit sa pag-iisip. Ayon sa mga inutusan naming assasins ni Zairus ay nagkaroon daw ng breakdown ang ina nila na nauwi sa depression at anxiety disorder. Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw magaling ang ina nila.
Kitang kita ang malalamig na mga mata ni Zai kapag ganyan sya at may malalim na iniisip. Parang kumikinang ang mga mata nya na nauuwi sa isang matingkad na bughaw ang kulay. Kakaiba diba?
Kakaiba naman kasi talaga sya..
Sa tuwing kasama ko sya ay hindi pa rin ako makapaniwalang kasama ko ang isang magaling at batikang mafia reaper. Bonus na lang na pinsan ko sya at hindi lang basta pinsan. Magandang pinsan.
Batid kong kahit sa malayo sya nakatingin ay alam nyang nakatingin ako sa kanya. "Buti hindi pa ako natutunaw." Seryosong sabi nya. Simula ng palayasin ang ina nya sa mansyon ng mga Zeus na nasa taas ng bundok ay hindi ko na sya nakitang ngumiti. Nawala na 'yong masayahin, masigla, at palangiting Zai noon. Noong mga bata pa kami. Parang naging yelo ang puso nya pati na ang mga mata nya. At palagi pa syang seryoso o di kaya'y bored ang itsura. Minsan sinusubukan nyang magbiro pero nagmumukha lang itong pilit pero kahit na ganon ay sinasakyan ko pa rin ang mga biro nya kahit mukhang hindi iyon biro dahil seryoso pa rin ang mukha nya.
Haaay Zai.. Sana matulungan kita. Matulungan kita na makasama mo ulit ang nanay mo. "Gusto kong magtrabaho sa Pilipinas. Gusto kong doon maging pulis." Bigla kong sabi.
"Bakit?" Nagtatakang tanong nya pero seryoso pa din ang mukha.
"Gusto kong personal na hanapin ang nanay mo tapos ikwekwento ko lahat ng nangyari sa'yo simula ng mawala sya sa tabi mo." Wika ko ng may tipid na ngiti. Nakita ko naman ang paglamlam ng mga mata nya. "Tapos dadalhin ko sya sa'yo at mag-uusap kayo ng matagal na matagal. Yong kayong dalawa lang." Emosyonal na dugtong ko. Parang imbis na si Zai ang maiyak, ako pa ata ang maiiyak. This is f*cking gay. "Yan ang second sa mga pangarap kong gustong matupad." Nakangiti ng sabi ko. Nagmumukha na akong baliw. Pero ayos lang dahil ayokong malungkot si Zai. At ayoko ding cold sya. Gusto ko bumalik yong dating Zai. Ang Zai na masayahin kahit may tipid na ngiti. Nakakamiss 'yon. Sobrang nakakamiss.
"Tara na. Alis na tayo." Pag-iiba nya sa usapan. Alam kong ayaw nya ng napag-uusapan ang nanay nya. Kaya naman naging ganyan sya. Cold-numb Zai.
Tumayo sya sa pagkakaupo nya at tsaka naglakad palabas ng restaurant. Kasunod lamang nya ako. Lumingon muna sya sa akin bago tuluyang sumakay sa kotse nya. "Salamat sa magandang pangarap na yan Luke." At for the first time again in so many years nakita ko ulit ang mga ngiti nya. Ngumiti sya kahit tipid. Masaya na ako don. Masaya akong napangiti ko sya. Sisiguraduhin ko sa sarili kong matutupad ko ang pangarap na 'yon dahil ngayon pa lang ay napangiti ko na si Zai kahit tipid. Ano pa kaya kung nagawa ko na 'yon.
"Walang anuman idol!" At sumaludo ako sa kanya.
"Tsk. Geh." Yon lang at pinaandar na nya ng mabilis ang kotse nya. Napangiti na lang ako habang tinatanaw syang papalayo. Magkikita rin kayo ng nanay mo Zai. Ipinapangako ko.
Tutuparin ko ang pangarap ko na 'yon Zai.
Tutuparin ko..
para sa'yo.
to be continue ..
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND LEAVE A COMMENT. ITS HIGHLY APPRECIATED. THANK YOU! ♥
BINABASA MO ANG
THE COLDEST 1.O
ActionGENRE: Action, Gangster, Secrets, GangLand, GangMaster, Mafia, Reaper, Legendary, Revenge, Humor, MysteryThriller. Who is she? She's incredibly unordinary. She fight.. hard. Really hard. You can see her but you cannot feel her. She's beyond cold. Y...