KABANATA 9

1.4K 62 22
                                    

Ace's POV

Isang napakagandang umaga na naman ang bumungad sa akin. Andito ako sa hotel na tinutuluyan ko dito sa Macau. Hotel na tutuluyan ko hanggang matapos ang ojt ko. Masarap naman ang buhay ko dito. Mabuti na lamang at malaki ang suite na kinuha para sa akin ni General.

Tinignan ko ang oras at patay! 7 am na. Isang oras na lang at duty na ako. Para akong ipo-ipo na mabilis kumilos at wala pang sampung minuto ay natapos akong maligo at magbihis.

Malayo layo pa ang opisina dito sa hotel na tinutuluyan ko. Bente minuto ang byahe at kung bibilisan ko naman ay aabutin pa ng kinse minutos. Mabilis kong pinaharurot ang kotse ko at buti na lang hindi ako nasiraan o naligaw this time.

Nakarating ako sa station ng quarter to 8. Yes! Umabot pa. Hindi ako maaaring magpa-late sa trabaho kahit pa ojt lang ito dahil alam kong makakarating kay General ang kung ano mang gagawin ko dito dahil tropa pala ni General si Lieutenat Garvas noon. Kaya natitiyak kong may mata at tenga si General dito kahit nasa Pilipinas pa sya.

Matapos makapag-log in sa high tech na at sensored pa na computer nila ay agad kong hinanap si Servantes. Ang magiging partner ko sa buong ojt.

Nasaan na kaya iyon? Tanong ko sa sarili. Ha! Mukhang na-late sya. Ang hirap talaga kapag most punctual.. lagi kong nalalamangan ang iba. Wahaha!

"Police Officer Lim please proceed to Lieutenant Garvas's office." Sabi ng isang amerikanang pulis. Blonde sya at sobrang puti kaya naman batid kong ibang lahi sya at hindi pinoy.

"Okay." Sagot ko ng nakangiti sa police woman. Pero seryoso lamang sya dahil mukhang abala sya sa table nya na madaming nagkalat na paper works. Kawawa naman..

Dumiretso na ako sa opisina ni Lieutenant at laking gulat ko ng makita doon si Luke. Prenteng nakaupo at wari'y kanina pa nag-iintay. Naka-uniporme na sya at nakatingin din sa akin kagaya ni Lieutenant Garvas. "Finally you're here." Bungad sa akin ni Lieutenant. Parang kanina pa silang nag-iintay sa akin at naiinip na. Pero alam ko wala pang 8 am e. Ang aga naman ng mga ito. Grabe! Lalo na itong si Luke mukhang talo ako sa pagiging most punctual. Sige, mukhang sa kanya mapupunta ang award.

"I think I'm just on time Lieutenant Garvas." Pahayag ko dito at tinignan ko rin si Luke na tahimik na nakaupo lang sa tapat ng table ni Lieutenant.

"Yes, Police Officer Lim. You're on time but in our SOP we should be earlier than the set time. And thats what Police Officer Servantes doing." Binalingan naman nya si Luke na ngayon ay tipid na nakangiti kay Lieutenant. "Very good Police Officer Servantes." Puri nya kay Luke. Amp. Ako kaya walang very good din? Hays. "By the way, I have a job for you two." Saad nya at idinetalye ang operasyong gagawin namin ng partner kong seryoso ng nakikinig kay Lieutenant. Nais nyang ipadala kami sa isang city dito sa Macau. Mukhang exciting!

Nilingon ko si Luke pero biglang bumagsak ang balikat nya at kumunot ang noo. Kaya naman binaling ko na lang kay Lieutenant Garvas ang paningin ko dahil mukhang hindi masaya si Luke sa pupuntahan namin. Kabaliktaran ng nararamdaman ko. Excited ako dahil palagay ko ay mas mag-eenjoy ako dahil city daw 'yon. CITY. Ayos!

Dinismiss na kami ni Lieutenant Garvas at kung gusto daw namin ay pumunta na kami doon dahil nag-iintay na ang isang opisyal na nakatalaga sa lugar na iyon.

"Servantes, tara na!" Yaya ko kay Luke ngunit mukhang mas lalo itong bumagal maglakad. "Anong problema?" Tanong ko sa kanya. Dahil parang may dinadala syang suliranin sa buhay.

"Wala naman.." walang gana nyang sabi. "Kunin ko lang iba kong gamit." Sabi nya at tsaka pumunta sa locker room.

Nag-intay na lang ako sa kanya sa may entrance ng may biglang magtilian sa labas ng building. Dinig na dinig ng dalawa kong tenga ang ingay na nagmumula sa labas. Dali-dali akong nagtungo doon dahil baka may gulong nangyayari. Pero ang mga kasama kong pulis na nandoroon ay prente lamang na nakaupo sa pwesto nila at narinig ko pa ang isang kapwa ko pulis ng sabihin nyang, "the Captain is here again."

Captain? Sinong captain? Naitanong ko sa sarili.

Ayoko namang magtanong. Dyahe 'yon. Baka tawanan pa nila ang english ko. Muli na sana akong tatalikod para puntahan si Luke dahil parang napapatagal na sya. Kukunin lamang nya ang gamit nya pero natagalan na sya. Pambihirang Servantes 'yon oh.

"Captain!" Sabay sabay na sumaludo ang tatlong pulis na nasa entrance kanina at dahil sa ginawa nila ay nakuha nila ang atensyon ko.

Nilingon ko kung sino ang taong tinitignan nila. At ng makita ko ang isang lalaking hindi nakauniporme. Medyo magulo ang buhok. Nakaleather jacket at fitted pants. In short, astig ng porma nya. Napa-wow ako sa dating nya at namangha ako sa suot nya. Bihira lang akong mamangha sa isang kagaya kong lalaki. Namangha ako sa porma nya, parang gusto kong gayahin. Pero, nah.. mawawalan ako ng originality.

Naglakad sya na parang isang model sa mga men's magazine. At ang features nya, parang pamilyar. Parang may kamukha sya. Hindi ko lang matukoy kung sino. Pero 'yong itsura nya at 'yong dating nya parang may katulad.

Hindi ko namalayang nasa tapat ko na sya at tumigil sya sa mismong tapat ko pero nakatagilid sya sa akin. "What are you staring at?" Tanong nya without looking at me. Sa tono ng boses nya, parang andon ang pagiging istrikto ng taong ito.

Bahagyang nanlaki ang singkit kong mga mata at nag-iwas ng tingin. "N-nothing." Umiiling kong sabi.

"Your new?" Tanong nyang muli at ngayon ay nilingon na nya ako. Tinitigan nya ako at parang nanlamig ako sa titig nya. Parang deja vu. Parang may tumingin na rin sa akin ng ganito.

Napakunot ang noo nya ng hindi ako sumagot. "Y-yes." Atubiling sabi ko. Baka uminit pa ang ulo nito pag di ako sumagot. Mukha pa namang may katungkulan sya dito dahil kung igalang sya nung tatlong pulis ay ganoon na lamang.

Tsaka sya nagdiretsong maglakad at di na ako nilingon pa. What was that.. parang may kakaiba sa lalaking 'yon. Ang mga mata nya..

Parang kaparehas ng kay..

Zai.

itutuloy ..

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND LEAVE A COMMENT. ITS HIGHLY APPRECIATED. THANK YOU! ♥

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE COLDEST 1.OTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon