KABANATA 7

1K 40 9
                                    

Zai's POV

Nang lisanin ko ang restaurant kung saan kami kumain ni Luke ay walang ibang tumakbo sa isip ko kundi ang pangarap na sinabi nya. Hindi na iyon direktang pangarap nya para sa sarili nya. Kundi ay para sa akin.

Kakaiba ang naramdaman ko. Hindi ko maipaliwanag ang sayang naramdaman ng sabihin ni Luke iyon. Na kasama ang pagkikita namin ng ina ko sa pangarap nya. Parang may hatid na kung anong pakiramdam sa puso ko. Hindi ko lamang maipaliwanag.

Patuloy ko lang pinaandar ang kotse ko hanggang sa makarating ako sa tambayan ng gang. Ang pandak na si Bull ang sumalubong sa akin. "Idol nasa loob si Master Novu kasama ang kanang kamay nya na si Xander." Nilagpasan ko si Bull pero tinapik ko muna ng isa ang balikat nya dahil halatang tensyonado sya. Kumalma naman sya ng gawin ko iyon.

Ang tambayan ng gang ay parang sa isang warehouse lang. Hindi gaanong malaki. Pero hindi rin ganoon kaliit.

Nanlaki ang mga mata ng mga kasama ko ng makita nila ako. Marahil ay hindi nila inaasahan ang pagdating ko dito lalo pa't gabi na. Karaniwan ay umaga lang ako dito pumupunta. Pero nais kong kamustahin ang lagay nila nung may dumating na mga parak kanina. Pero ang nakakapagtaka ay ang presensya ni Novu ngayon dito. Iba ang hideout ng mga myembro ng gang nya at wala pang sinumang nakatungtong doon bukod sa kanya at sa mga myembro nya.

Hindi ako nagsalita ng makapasok ako ng warehouse. Hinayaan kong magmasid si Novu sa paligid nya. Sumandal lang ako ng prente malapit sa pinto.

"Napakaluma ng hideout nyo. Madali kayong mapapasok dito. Tsk tsk." Iiling iling na sabi nya at pinasadahan kami ng tingin isa-isa. Bahagya pa syang nagulat ng makita ako. "Andyan na pala ang idol nyo." Mapaklang sabi nya na may diin. "Ano nga namang pakialam ko kung bulok at wala ng silbi itong hideout nyo. Mas mabuti nga iyon madali kayong mapapasok at mapatay isa-isa." andoon ang pagbabanta sa tono nya. Ngunit hindi nagpasindak ang mga kasama ko. Nanatili silang on guard at nakatayo ng matikas sa pwesto nila. Ganyan nga.

"Kung ang pakay nyo ay husgahan ang tirahan namin ay umalis na lang kayo." Matapang na sabi ni Bull.

Biglang tumalim ang tingin ni Novu kay Bull na anumang oras ay kaya nya itong itumba. "Matalas ang dila mo bata. Hindi mo ba nalalaman kung sino ako?" Asik na sambit ni Novu. "Manang-mana ka sa idol mo. Matalas ang dila." At sa akin naman sya bumaling.

"Anong pakay mo?" Tanong ko sa kanya na hindi pa rin umaalis sa pwesto ko. Nanatili akong kalmado.

Napailing naman sya. "Sa lahat ng myembro ng pamilya ang postura mong yan ang kinasusuklaman ko." Asik nya na tuluyan ng nagsalubong ang mga kilay. "Nakakairita ang pagiging kalmado mo samantalang may misyong ipinagagawa sa'yo ang Supremo." Turan nya na kababakasan ng inggit ang tono ng pananalita nya. "Kung ayaw mo sa misyon ay sabihin mo sa Supremo." Sabi nya at tumingin sa ibang direksyon.

"Tinanggihan ko na ang misyong iyan sa harap pa mismo ng Supremo. Wala kang dapat ikagalit. Kung gusto mo'y ikaw na ang gumawa ng misyong iyon." Usal ko. At bahagya syang natigilan. "Makakaalis ka na." Sabi ko. At si Bull na mismo ang nagbukas ng pinto upang makalabas na sila.

"Hindi pa tayo tapos." Banta nya kay Bull at tsaka naglakad palabas ng pinto at mabilis na umalis.

Parang nakahinga naman ng maluwag ang gang. "Grabe idol! Hindi ko matatagalan ang presensya ng dalawang iyon." Pagrereklamo ni Dash. Ang semi-kalbong myembro ng gang. "Kung makapagbanta pa kay Bull akala mo may malaking pagkakautang ito sa kanila." Iiling iling na dugtong ni Dash. Pito ang myembro ng gang na ito at pangwalo ako.

THE COLDEST 1.OTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon