Zai's POV
"Supremo." Bungad ko sa isa sa pinaka- makapangyarihang tao sa mundo. Nakaupo sya na parang hari sa trono nya. Iniikot nya ang silyang kinauupuan at hinarap ako.
"Dumating ka din Zai Hella." Bungad nya sa akin sa maawtoridad na tono. "Matagal na kitang ipinatatawag ngunit hindi ka sumisipot. Mabuti at naisipan mo ng magpakita." Anito sa mapait na tono. Nanatili akong walang kibo at nakatayo sa harap nya. "Maupo ka." Sabi nya sa nag-uutos na tono. Ayoko sa lahat ay inuutusan ako sa kung anong dapat kong gawin.
"Hindi na kailangan." Firm na sabi ko at akmang tatalikod na pero pinigilan nya ako sa pamamagitan ng matigas na paghampas nya ng dalang itim na baston sa sahig. Umalingawngaw ang ingay niyon.
"Manatili ka sa kinatatayuan mo Zai Hella!" Matigas na utos nya. At kung normal lang akong myembro ng organisasyon nya ay malamang may tama na ako ng baril sa ulo ngayon o di kaya'y may nakatarak ng dagger sa puso ko. Walang sinuman ang sumagot sa kanya o kahit tumalikod pa habang nagsasalita sya dahil walang maglalakas loob. Hindi lingid sa kaalaman ko at ng iba na napapalibutan ng mga sniper at assasin ang silid nyang ito. Mga batikang sniper at assasin na kasapi sa isang malaking Mafia Organization na sya mismo ang nagtatag. Ang..
Mafia Zeus Hexagon.
Hindi na ako kumibo pa at nanatili sa pagkakatayo ko. "Ipadadala kita sa Beijing at nais kong gawin mo ang iuutos ko sa'yo." Maawtoridad na sabi nya. Alam ko na kung anong nais nyang ipagawa. Ang pumatay.
"Madami kang tauhan. Sila na lang ang utusan mo." Pahayag ko.
"Delikado ang misyong ito. Ikaw lamang ang makakagawa. Anak ng supremo doon ang target."
"Iba na lang ang ipadala mo. Ayoko ng misyong iyan." Pagtanggi ko. Kating kati na ang mga paa ko na makaalis dito. Nabasa ko ang mensahe ni Luke bago ako pumasok sa malaking silid na ito at ang nakalagay sa mensahe ay..
Magkita tayo. Hindi na ako nagreply dahil alam na nya marahil ang sagot ko.
Akmang magrereak ang Supremo sa sinabi ko ng biglang bumukas ang pinto ng malaking silid na ito. Iniluwa noon si Novu. "Ako na lang ang ipadala nyo sa misyong iyan Supremo. Kayang kaya ko yan." Naka-smirk na sambit nya. Ang pag-angat ng isang gilid ng labi nya ay hindi para sa Supremo, kundi para sa akin. Kanina pa pala sya nakikinig sa labas ng pinto. Pinsan ko si Novu. Anak sya ng bunsong anak na lalaki ng Supremo. Hindi lingid sa kaalaman kong matagal na nyang nais makuha ang loob ng Supremo na hindi nya makamit kamit. Kaya naman ganoon na lamang ang inggit at galit nya sa akin dahil ang nais nyang atensyon ng Supremo ay napupunta sa akin.
"Si Zai ang gusto ko sa misyong ito Novu." Turan ng Supremo habang nakatingin sa akin.
"Ngunit.." magrereak pa sana si Novu ngunit napatigil sya ng may biglang dumaplis na bala ng baril sa manggas nya. Hindi na sya muling nakagalaw dahil alam nyang sa susunod na hakbang nya ay hindi na daplis ang tatama sa kanya.
"Huwag mong ipilit ang iyong nais Novu." Mapaklang usal ng Supremo.
Tumungo si Novu bago nagsalita, "nais ko lang naman kayong paglingkuran Supremo." Sambit nya sa mababang tono.
"Hindi na kailangan. Ang ipinagagawa ko sa iyo ang gawin mo. At siguraduhin mong magiging magaling silang lahat." Pinal na sabi ng Supremo.
"Pero napapagod na akong mag-train sa mga bagong myembro Supremo." Reklamo ni Novu na salubong ang kilay.
"Kung ganoon ay hindi ka karapat dapat sa organisasyong ito." Usal ng Supremo. At akmang tatalikuran na sya pero nagsalita muli si Novu.
"Patawad Supremo. Gagawin ko na ang ipinag-uutos nyo." May bahid ng pait ang bawat kataga na binibitawan ni Novu. "Aalis na ako. Paalam." At tsaka sya tumalikod ngunit hindi ako nakaligtas sa matatalim nyang tingin. Mababakas sa mga mata nya ang pait at galit na nararamdaman nya. Gusto ko mang ilapit ang loob ko sa kanya ay sya ang kusang lumalayo. Wala syang kasundo sinuman sa pamilya.
"Magpapaalam na rin ako Supremo." Wika ko.
"Pag-isipan mo ang iniuutos ko sa'yo Zai Hella." Sabi ng Supremo bago tuluyang tumalikod.
"Hindi ko maipapangako. Aalis na ako. Paalam." Yon lang at tumalikod na rin ako at tinahak ang daan palabas ng malaking mansyon na iyon. Sakay sa Ducati Veyron ay pinatakbo ko ito ng mabilis. Hindi nagtagal ay nakarating ako kung saan naghihintay si Luke.
Malapad ang ngiti na iginiya nya ako papaupo sa table na ipinareserved nya. "Buti nakarating ka Zai." Nakangiting sabi nya. Ang mga ngiti nya ay nakakahawa. Hindi lamang ang labi nya ang nakangiti maging ang mga mata nya. Sya ang kaisa isang myembro ng pamilya Zeus na nagbibigay saya sa amin. Palagi syang may positive outlook sa buhay. Anak sya ng pinakabunsong anak ng Supremo. Ang nag-iisang babaeng anak ng Supremo na ipinakasal nya sa isang mayamang negosyante. Mula pa noon ay kontrolado na ng Supremo ang mga anak nya at maging ang future ng mga ito. Kagaya na lang ng ina ni Luke na si Lady Lianne. Lady ang tawag sa kanya ng lahat dahil sya ang nag-iisang babaeng anak ng Supremo.
"Alam mo namang hindi ako makakatanggi pagdating sa'yo." Wika ko.
"Alam ko naman 'yon. Dahil ako ang pinakapaborito mong pinsan." Sabi nya ng nakangiti pa rin.
"Sinong may sabi nyan?" Pabirong wika ko.
"Oh bakit? Hindi ba? Nakakapagtampo naman." Kunwa'y tumungo sya at may malungkot na mukha.
"Hindi bagay sa'yo Police Officer Servantes."
"Hindi bagay sa akin ang malungkot dahil gwapo akong pulis." Matikas na sambit nya.
"Sige lang. Paniwalain mo ang sarili mo." Biro ko sa kanya. "Mag-order ka na." Dugtong ko.
"Bakit ganon? Inuutusan lang ako ng pinakapaborito kong pinsang babae." Usal nya at ngumuso. Tsk. Hindi bagay sa kanya.
"Ako lang naman ang pinsan mong babae, kaya wala ka rin namang choice." Sabi ko. At sakto dumating na ang order nya. Kanina pa pala sya nag-order at alam na alam nya talaga ang mga paborito ko. Kumain lang kami at nagkwento sya ng mga nangyari sa kanya ngayong first day nya sa ojt. Halatang masaya sya at naikwento din nya ang bago nyang partner na nakasundo naman daw nya kahit hindi sila nagkaintindihan noong una. Dahil buong akala nya ay suplado iyon.
"Alam mo bang parang lutang pa sya kanina at may malalim na iniisip kaya hindi ko na sya nagawang intayin kasi pinapalabas na kami Lieutenant. Sinubukan kong tawagin sya pero maging ang tawag sa kanya ni Lieutenant ay hindi nya agad napansin. Siguro ay may dinadala syang mabigat na problema kaya siguro sya ganon kanina." Mahabang kwento nya tungkol sa partner nya. Nakikinig lang naman ako sa kanya pero madalas ay sa pagkain nakatutok ang atensyon ko. Nagutom ako sa pakikipaglaban kaninang umaga kay Johnny kaya naman ngayon lang ako bumabawi sa pagkain.
Kapag kasama ko si Luke nahahawa ako sa pagiging masaya nya. Kaya sya ang pinakagusto kong makasama palagi. At tama sya, sya nga ang pinakapaborito kong pinsan. Masaya ako dahil sa kabila ng pagiging kabilang namin sa pamilya ng Mafia ay may pinsan akong kagaya nya. Tanging sya lamang ang nagbibigay ng positive outlook sa amin. Kaya naman labis din ang pag-iingat ng pamilya Zeus sa kanya lalo na ang kanyang ina na si Lady Lianne. Ipinaglaban nya ang anak nya sa Supremo. Ayaw sana ng Supremo na maging pulis si Luke ngunit hindi iyon nakontrol ng Supremo. Ipinaglaban ni Lady Lianne ang karapatan ng anak nya. Tamana daw na nakontrol ng Supremo ang buhay nya wag na daw ang kay Luke. Dahil nais talaga ni Luke ang maging pulis. Pero ang gusto sa kanya ng Supremo ay maging isang batikang assasinator.
Kung titignan ngayon si Luke ay masaya na sya dahil onti-onti ay nakakamit na nya ang pangarap nya. Sa tulong iyon ng kanyang ina. Naging matibay si Lady Lianne at may paninindigan hindi kagaya ng aking ama. Kung sino pa ang panganay sa kanilang magkakapatid ay sya pa ang naging sunod-sunuran sa Supremo. Tatlo ang anak ng Supremo. Panganay ang aking ama, pangalawa ang ama ni Novu at ang bunso ay ang ina ni Luke na si Lady Lianne.
Lahat sila ay makapangyarihang myembro ng nangungunang Mafia Syndicate sa buong mundo. Ang Mafia Zeus Hexagon.
At ang malaking mansyon ng mga Zeus ay nasa taas ng malaking bundok. Isang mahaba, malaki at mabigat na wall ang pumapalibot dito. Walang sinuman ang nakakapasok doon maliban sa myembro ng pamilya.
to be continue ..
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND LEAVE A COMMENT. ITS HIGHLY APPRECIATED. THANK YOU! ♥
BINABASA MO ANG
THE COLDEST 1.O
ActionGENRE: Action, Gangster, Secrets, GangLand, GangMaster, Mafia, Reaper, Legendary, Revenge, Humor, MysteryThriller. Who is she? She's incredibly unordinary. She fight.. hard. Really hard. You can see her but you cannot feel her. She's beyond cold. Y...