KABANATA 2.

1.9K 70 11
                                    

ACE's POV

"The best ka Zai! The best! Tinalo mo si Johnny." Sigaw ng isa sa mga gang member na nanunuod.

"Ang astig! Iba ka talaga Zai."

"Tinalo nya ang maton na si Johnny." Sigaw naman ng pandak na member. Yong totoo? Gang member ba talaga sya o naliligaw lang na mag-aaudition sa mini-me ng showtime?

Pero..

Ano daw 'yon? Johnny? Johnny ang pangalang tinawag nila doon sa maton na maskulado? Sabi na! Hindi lang kalokalike, kapangalan pa talaga ni Johnny Bravo. Pambihira.

"Oh sino pang lalaban? Para sa 5k?" Tanong nung referee at itinaas ang pera na para syang nagbebenta ng kung anong buy one take one.

Gusto kong tumaas ng kamay. Gusto kong pumalag. Gusto kong sumigaw. At higit sa lahat gusto kong sabihin sa kanilang lahat ang mga katagang,

pakyu ooooool! Mga buset e. Nang magsalita ako kanina kung patay na ba si Johnny na maton na maskulado na maraming tattoo ay nagtinginan sila lahat na parang sinasabing.. may-pesteng-nakikialam-ang-daldal-look. At dahil nga sa naiwan ko ang susi ng kotse ko sa loob ayun ang mga peste hindi ko natakbuhan. Nahuli nila ako at ngayon nga ay nakatali sa isang puno at may busal ang bibig. Demmit! Hindi ako makapagsalita kaya pansin nyo ba na walang madaldal?

"Wala na bang lalaban?" Muli ay tanong noong referee.

"Ayoko magaya kay Johnny halos malagutan na ng hininga sa ginawa ni Zai."

"Mas lalo naman ako. Madami pa akong pangarap sa buhay. At madami pa akong nais ipaglaban sa mundo."

"Wala kayo sakin. Pag-asa ako ng bayan kaya naman hindi ako lalaban kay Zai. Mahirap na baka bigla akong mabura sa mundo." Usapan ng tatlong ugok di kalayuan sa puno kung saan ako nakatali. Ang lalakas sabihing may pangarap daw sila at pag-asa daw ng bayan? E kung bumunot kaya ako ng baril at pagbabarilin ko sila isa-isa edi nakikita nila sinasabi nilang pangarap at pag-asa ng bayan. Mga hindi naman nagsisipag-aral. Ang lalakas ng loob magsabi ng ganoon e andito lang naman sila at nakikipaglaban o di kaya'y nakikipagpustahan lang naman. Tsk. Sila ang tinatawag na salot sa lipunan. Lalong lalo na ang babaeng nakaupo sa isang malaking bato. Magkadaop ang parehong kamay na wari'y may malalim na iniisip. Tapos nakabukaka pa. Parang hindi babae ang kanyang postura. Tsk tsk. Wag lang talaga ako makawala dito sya ang uunahin kong hulihin.

Ako nga pala si Ace. Buong pangalan? Ace Martin Lim, bente uno taong kabataan. Hindi gulang, dahil hindi pa ako matanda. Nakapagtapos ng criminology sa ShakespearVille University. Apo ni General Lim at anak nina Tinyente Aethon Lim at SPO4 Alexandria Lim ng Pilipinas.

Ang pangunahing target ko ngayon ay ang babaeng nagngangalang Zai. Nangangati ang mga kamay ko na hulihin sya at ibilanggo..

Ibilanggo sa puso ko.

O___O

Nooooo! Bakit napunta sa puso? Hindi. Hindi sa puso ko. Sa prisinto. Sa prisinto ko sya ibibilanggo.

Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako na tumirik ang kotse ko o maiinis ako dahil na-stuck ako dito sa punong 'to. Aish. Badtrip ako dahil hindi ako makagalaw pero nagpapasalamat na rin ako dahil finally may nakita na rin akong pwedeng hulihin. Pasok sya sa banga, I mean sa kategorya ng mga taong pwede kong hulihin.

Una: walang permit ang labanang pinagpupustahan nila dito.

Pangalawa: attempted murder kay Johnny na maton, na maskulado, may tattoo at kalokalike ni Johnny Bravo.

Pangatlo: pasimuno ng away dito sa lugar na 'to.

At madami pang iba. Tinitigan ko ang babaeng astig daw at ayun nakatingin lang sya sa referee na wari'y iniintay na lang ang premyo nyang salapi.

THE COLDEST 1.OTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon