KABANATA 8

954 44 5
                                    

Seige's POV

Nang dumating si Zai sa warehouse ay ikinabigla naming lahat dahil bihira lamang sya pumunta dito ng gabi. Kung pupunta man sya ay mabilis lang na parang dumaan lang. Ngayon ay iba dahil nagtagal sya at kinausap nya pa ang pinsang si Novu.

Hindi ko gusto ang dating ng lalaking iyon. Kagaya ng hindi ko pagkagusto sa postura ni Zai. Parati syang kalmado na kinaiinisan ko. Kagaya na lang kaninang umaga, dapat ay tinapos na nya agad ng mabilis 'yong lalaking itinali namin sa puno na kung tawagin nila Bull ay si Chinito. Napakayabang ng isang 'yon, akala mo'y napakarami nyang ipinagmamalaki sa buhay. Pero may isang bagay na bumabagabag sa akin.. 'yon ay kung ano ang totoong pagkatao ng lalaking iyon. Parang hindi sya isang ordinaryong tao lang. Dahil hindi ko lubos maisip kung saan nya totoong nakuha ang baril nya. Ang sabi nya ay sa daddy nya ngunit hindi ako naniniwala.

Kakaiba ang baril na 'yon. At imposibleng isang normal na tao lang ang magdadala ng ganoong klaseng baril.

Inilabas kong muli ang baril mula sa likod ko at pinagmasdan. Akala ko'y hindi na ito muling ibabalik sa akin ni Zai. Pero nagkamali ako, ibinalik nya pa rin sa akin. Mabilis pa nga ang pagkakahagis nya kanina. Muntikan ko pang hindi masalo. Samantalang sya ay parang effortless kung saluhin ang baril na mabilis kong ibinato sa kanya.

Kakaiba nga kasi talaga ang abilidad na meron si Zai na labis na hinahangaan ng mga myembro ng gang. Hindi ko sila masisi kung bakit idol ang gusto nilang itawag sa kanya. Dahil totoo nga namang nakakahanga ang angkin nyang galing, bilis at talino sa pakikipaglaban.

Pero hindi pa rin maiaalis noon na hindi ko gusto ang pamilya nila. Ang pamilya ng Mafia Zeus na walang ginawa kundi ang pumatay. Pumatay ng mga inosente. Naikuyom ko ang kanang kamao. Parang gusto kong bumaril ng tao ngayon din pero kailangan kong pigilan ang galit. Kailangan..

Masisira ang lahat ng plano ko pag nagkataon. Sayang ang pinaghirapan kong makuha ang tiwala ni Zai.

Kanina habang nag-uusap sila ng pinsan nyang si Novu, hindi ko maiwasang hindi makinig. Lahat ng atensyon ko ay nasa kanilang dalawa lang. Wala akong takot o kabang nararamdaman bagkus ay galit. Galit na nanunuot sa buong pagkatao ko. Galit na noon pa nagmula. Galit sa buong angkan nila.

Sa narinig ko sa usapan nila kanina ay may misyon na namang ipinag-uutos ang Supremo nila. At alam ko na kung anong misyon iyon. Misyong pumatay. Misyong pumatay ng mga inosente at walang kalaban-laban. Yan ang Mafia Zeus walang sinasanto kahit na sino.

My whole body was rampaging, rampaging in anger. "Seige, ayos ka lang?" Tanong ni Dash sa akin. Napansin nya siguro na dumudugo na ang palad ko dahil bumaon na ang mga kuko ko sa mahigpit na pagkakatikom ng kamao ko.

"Oo. Ayos lang ako." Sagot ko na pilit pinapakalma ang sarili.

"Pero.. ang kamay mo." May bahid ng pag-aalala sa boses nya.

"Ayos lang ako Dash. Wala 'to." Sabi ko at lumabas muna ng warehouse upang magpahangin.

Naiinis ako. Nanggagalaiti ako sa galit.

Flashback (Philippines)

"Nay, nasaan po ba si itay. Bakit wala pa rin po sya?" Tanong ko sa nanay kong bakas ang pag-aalala sa mukha. Marahil pati sya ay hindi rin maintindihan kung nasaan na si itay. Ang paalam nito ay mag-aani lamang sya sa bukirin namin. Pero magdidilim na ay wala pa rin ito.

Nasaan na kaya si itay?

Nakakapag-alala naman..

Lumipas pa ang dalawang oras at mag-aalas otso na ng gabi ngunit wala pa rin si itay. Mas lalong naging balisa si inay samantalang ang tatlo ko pang kapatid ay nakakaramdam na ng gutom. Pilit silang pinapatulog ni inay pero kumakalam pa rin ang sikmura nila.

"Nay, pupuntahan ko na si itay sa bukirin." Napagpasyahan kong sundan na si itay.

"Sige anak, mag-iingat ka." Paala-ala ni inay bago ako makalabas ng tarangkahan namin.

Nagmamadali ang mga lakad na tinungo ko ang madilim na gubat at naglalakihang mga puno bago ko makita ang bukirin namin kung saan kami nag-aani.

Andoon kitang kita ng mga mata ko. Ang tatlong lalaking may itim na maskara sa mukha na tanging bibig lamang nila ang nakikita.

Agad akong nagtago sa isang malaking puno. Nang maayos na akong nakapagtago ay tsaka ko sinuri ang paligid kung nasaan si itay. At labis ang aking pagkahabag ng makita ko syang mahigpit na nakatali sa isang puno at duguan. Puro pasa ang buong katawan at halos hindi na makatunghay. Marahil ay kanina pa syang pinahihirapan. Parang sinasaksak ang puso ko sa nakikitang kalagayan ng aking ama.

Sino ba ang mga lalaking ito? Ano ang kailangan nila kay itay? Naitanong ko sa sarili.

Hindi pa nasiyahan ang tatlong lalaki at parang isang punching bag na pinagpraktisan nila si itay. Halos sumuka na ito ng dugo sa nararanasan nya.

Napapikit ako ng mariin at hindi namalayang ang mga luha ko ay nag-uunahan ng tumulo galing sa aking mga mata. Sa pagmulat ko ng mga oras na 'yon ay isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid.

"Huwaaaaaag!" Pigil ko sa tatlong lalaki na magpapaputok pa sana ng sunod-sunod ngunit natigilan sila ng bigla akong lumabas mula sa pagkakatago ko.

Agad kong nilapitan si itay at halos wala na itong malay. "Ang sasama nyo! Napakasama nyo." Sigaw ko sa tatlong nakamaskara. Ngunit nagtawanan lang sila na parang demonyo.

Tinutukan ako ng baril nung isa pero pinigilan sya ng kasama. "Huwag. Bata lang yan. Tara na." At tsaka sila nagmamadaling umalis at nawala na parang bula sa kagubatan. Hindi ko malaman ang gagawin ko ng mga oras na 'yon. Agaw buhay ang aking ama. At huli na ng madala namin sya sa pinakamalapit na ospital.

Namatay ang aking ama ng gabi ding iyon ng walang kalaban laban. Sa labis na pighati at galit na nararamdaman ay bumalik ako sa lugar na iyon. Naghanap ako ng maaaring makapagturo sa akin kung sino ang tatlong nakamaskarang iyon at sa paghahanap ko ay nakakita ako ng patalim. Parang isang punyal at may naka-embroid doon na MHZ. Marahil ay naiwan ito nung isa sa tatlong naka-maskara.

Hindi ko pa alam noon kung anong kahulugan ng MHZ. Ngunit hindi ako tumigil hangga't wala akong natutuklasan. Napariwara ang buhay ko at napasali sa isang gang. Doon ako nakakuha ng impormasyon na kakailanganin ko kaya naman ng malaman kong pupunta ang gang sa Macau ay hindi ako nagdalawang isip na sumama dahil may nakapagsabi sa aking doon ko daw malalaman ang kahulugan ng MHZ na hinahanap ko.

At hindi nga ako nabigo. Natuklasan kong isang malaking organisasyon pala ang MHZ at ang gang namin ay kabilang sa kanila ngunit mababang myembro kami. Madami pa ang mas nakakataas sa amin.

Hindi ako tumigil hanggang sa matuklasan ko ang kahulugan ng MHZ.. At iyon ay..

Mafia Zeus Hexagon.

End of Flashback

Sa tuwing maaalala ko ang mukha ni itay noong gabing iyon hindi ko mapigilan ang sarili upang hindi magalit at maghiganti sa mga taong gumawa sa kanya noon.

Ang tanging gusto ko ngayon ay makapasok sa mansyon ng mga Zeus at makapaghiganti sa buong angkan nila. Yon lang, wala ng iba.

to be continue ..

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND LEAVE A COMMENT. IT'S HIGHLY APPRECIATED. THANK YOU!

THE COLDEST 1.OTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon