"May welcome party sa gym, pumunta na kayo, we'll clean the trash," utos ni Aeious sa mga students n'ya at nang makaalis na sila, nilingon n'ya ako. "Tulungan mo 'ko dito."
Napatayo naman ako kaagad. Naglagay kasi kami ng bonfire sa likod ng HQ at dito nag-dinner. Kinuha ko ang mga disposable na pinagkainan nila at nilagay 'yon sa basurahan. "Hindi ba tayo pupunta sa welcome party? Mukha kayang masaya ro'n."
Umiling s'ya at nagpatuloy sa paglilinis ng pwesto namin. "It's only for them, h'wag ka nang makisawsaw."
Ang sakit ha. Feeling ko kung tatanungin ko pa yung tungkol sa nakita ko nung babae n'ya kanina sa coffee shop, baka sabihin n'ya feeling relevant ako. Malalaman ko rin kung sino 'yun, bitch, kala n'ya ha.
"Kj mo." Naiinis akong lumapit sa bonfire at pinagmasdan ang buwan. Niyakap ko ang aking mga tuhod dahil sa simoy ng hangin. Naramdaman kong lumapit s'ya sa'kin at tumingin. Agad akong namula. Sol, ang rupok mo talaga! "'Pag ako natunaw, pwede mo na kong sipsipin."
He frowned. "That's gross!"
"Bitch, bakit ka ba nakatingin sakin? Gusto mo 'ko 'no?" I teased, pasimple ko pang kinurot ang tagiliran n'ya.
"I am looking at you because you look serious. May nangyari ba kanina?"
Bigla kong naalala ang nangyari kanina sa contest. "Ayos lang ba kung may matatalo sa mga studyante mo?"
Agad naman s'yang sumagot. "Of course, yes. It's totally fine."
"Sa tingin mo ba ayos lang sa kanila?"
"No."
"Sabi ni Juliane, ayaw n'yang lumipat ng school dahil ikaw lang ang naniniwala sa kan'ya. Paano kung s'ya ang sisihin nila sa pagkatalo?"
Natigilan s'ya. "What are you—"
"Maniniwala ka pa rin ba sa kan'ya?"
"Of course, I do. We aren't perfect. Even the greatest journalists make mistakes, as well as myself."
Napatango ako. I can't help but feel pity to her. "Ayaw ko lang masayang ang efforts n'ya." Tumawa ako. "Ang swerte ko siguro kung magiging asawa kita." And then I stopped laughing. SOL! HINDI MO NA NAMAN NAPIGILAN 'YANG BUNGANGA MO!
"That's what I like about you. You're straight forward, Ms. Solace. Pero gusto ko lang sabihin na you have limitations, you are my subordinate."
Napatungo ako. "Gusto na kita noon pa." I looked at Aeious. "Totoo... matagal na kitang gusto. I attended all of your book signing events, binili ko lahat ng book bundles mo kahit mas mahal pa 'yon sa tuition ko, pero ni isa roon walang pirma mo. Malaki ang pinuhunan ko pero 'di mo ko mapansin."
Tumawa s;ya. "I'm sorry for that."
"Anong sorry? Utot mo."
"What does it feel that I am at your side right now?"
"Kinikilig, masaya, oo, parang ganon." Then, both of us went silent. May isang tanong ang nag pop-out sa utak ko. Nilingon ko s'ya kaagad. "Pero... may chance ba na magustuhan mo rin ako kung hindi mo ko alalay? Or writer?"
Kumunot ang noo n'ya. "Why are you so open about your feelings? It depends if I can like you or not."
"Pero gusto kita. Wala lang ba sa'yo 'yun? Wala kang nararamdaman na kahit ano? Butterflies in your stomach?"
Natawa s'ya. "You're like that because you're young, and innocent." Tapos ay tumayo s'ya at umalis na.
Tumayo ako. "22 na ako, hoy! Hindi na ako bata, kaunti lang age gap natin! At isa pa, hindi na ako inosente!" I bawled. Sinong bata?! Dahil ba 26 na s'ya? "Ang nonsense mo!" 4 years is just too short!
BINABASA MO ANG
Plagiarism Is Not A Crime
RomanceSolace stole a manuscript to impress her long-time crush, Aeious - a famous writer and respected editor from Prime Publications.