Tuliro ako nang maabutan ni Aeious. He waved his hand to check if there's something wrong.
"What's up?" nakapamulsa s'yang nakatayo sa harapan ko.
Inalis ko na ang tingin ko kay Maddy na nasa editing department na at nilingon si Aeious.
"Can I ask you?" lumingon s'ya sa office n'ya saglit. "As you can see, I reread your manuscript to help you write the ending, and it's kinda bothering me." Binalik n'ya ang tingin sa'kin na s'yang kinakaba ko.
"Anong n-nagbother sa'yo?"
"Why does your male lead looks like me?"
"Looks like you?" natawa ako pero deep inside, parang tumatalon sa nerbyos ang puso ko. Knowing that Maddy is the author? Papatayin ako sa konsensya araw-araw.
"Yes. The behavior, the style, the description, and even my past, it's there! Tell me, are you hallucinating about me and your female lead with romantic relationship?"
Lumuwa ang mata ko sa sinabi n'ya. Kung si Maddy ang nagsulat nito, at si Aeious ang ginayahan n'ya ng traits para sa male lead, ang ibig sabihin ba nito...
"Hey, I'm asking you."
"Ha? Eh, ano..." pilit akong tumawa. "Ikaw naman! Ang assuming mo 'no? For your information, sinulat ko 'yan dati pa, a-at tsaka wala naman akong alam masyado tungkol sa'yo. Kaya nga kita gusto eh, kasi swak ka sa ideal man ko." At tsaka ngumiti ako na parang aso.
Pero nanatili s'yang seryoso. "Sige. As you said." Tinalikuran na n'ya ko pero ilang sandal ay lumingon s'ya uli sakin. "We'll start writing your ending on Monday. Kaya 'yan ng two weeks."
Ngumiti ako muli. "Noted!"
Thursday ngayon at sa Monday na kami magsusulat, OMG! Iniisip ko pa lang na lagi kaming magkasama for two weeks, parang willing na ako mag over-time!
Dumiretso ako sa Marketing Department at naabutan ko roon si Lily at Jenny. As usual, para na naman silang bubuyog kung mag-usap. May pagka-plastik din pala itong si LiLy, parang kanina lang sinabi n'yang sipsip si Jenny. Umupo ako sa pwesto kung saan ako nag-t-trabaho, katabi ko ang dalawang chismosa. Narinig ko tuloy ang pinag-uusapan nila.
"Oo! Tama, may point ka r'yan, girl. At tsaka alam mo nakikita ko sila minsan sa library na magkasama. Para nga silang magka-date sa isang book shop kung umasta, tapos alam mo tuwing break, napapansin ko 'yung tingin n'ya kay Sir, yung para bang malagkit!" kuda ni Lily. Nagkabuhol-buhol na ang dila n'ya pagsasalita.
"Really?" 'di makapaniwalang sabi ni Jenny. "Feeling ko talaga may something sa kanilang dalawa."
"Sinong sila?" pagsingit ko sa usapan.
"Eh 'di sila Ma'am Maddy at Sir Aeious!" sabay silang sumagot.
Napaangat ang kilay ko. "May something... sa kanilang dalawa?"
Tumango si Lily. "Oo, girl. Hindi na naman ako magtataka, kwento sa'kin ni Ma'am Maddy, magkaklase sila noong highschool, tapos lagi silang magkasama kapag may literature contest, kaya malapit na rin sila sa isa't isa."
"Pero hindi halata na close sila, ah," ani Jenny.
"Hindi talaga, feeling ko nagsimula na dumistansya 'yun sa kan'ya nung sumikat na si Sir."
Napairap ako. "Alam mo Lily, dami mong alam. Bumalik ka na nga sa department mo, gawa-gawa ka ng kwento dito."
"Hoy, hindi 'to gawa-gawa 'no. Lumingon ka sa Editing Department, bilis!" utos sa'kin ni Lily.
Lumingon naman ako at nakita si Aeious na bahagyang naka-upo sa desk ni Maddy. Nagkakatuwaan sila habang may ginagawa si Maddy na paperworks.
Napaiwas ako ng tingin kaagad dahil sa bahagyang kirot sa puso na naramdaman ko. Nakakabadtrip.
BINABASA MO ANG
Plagiarism Is Not A Crime
RomanceSolace stole a manuscript to impress her long-time crush, Aeious - a famous writer and respected editor from Prime Publications.