Chapter 1
Jana Marie (Jam)'s POV
Its a typical Monday morning at naglalakad ako sa corridor ng school papunta sa locker ko. Looks like isa na naman to sa mga boring days ng buhay ko.
"Jam! Pahintay."
Napalingon ako sa sumigaw. Si James. Bestfriend ko. Tiningnan ko sya sabay smile.
"Hi Jam! GoodMorning :)" bati ko sa kanya. Sumimangot naman sya.
"Wag mo nga ako sabi tawaging Jam di ba? Sayo pangalan yun" iritang sabi nya.
Nakakalito ba? Ako si Jana Marie. Pero Jam ang tawag sa'kin ng close friends ko. At si James naman ay tinatawag ko din Jam, para maasar sya. Kakatuwa kasi yan maasar eh. Kyot. Hehehe
"Ayaw mo nun? Same nicknames tayo. Ang kyuuuut!" sabay tawa naman ako with matching hampas pa sakanya. "Teka late ka ata ngayon? Dati rati inaabangan mo nako sa locker ko ha?"
Hindi na sya sumagot. Instead hinila na nya ang kamay ko at sabay kami umakyat sa hagdan ng tumatakbo
"Kahit kelan, di magiging cute ang Jam, kase pangalan mo yun. Tsaka di naman ako late. Maaga ka lang ngayon."
Saka sya ngumiti sa akin. Yung ngiting nakakainlove.
Ano daw? Nakakainlove?
Tsk. Sabi na nga ba dapat nag almusal ako eh. Kung ano-ano tuloy naiisip ko.
Pagdating sa room namin. Umupo nako sa lugar ko. Halos magkatabi lang naman kame may isang tao nga lang na pagitan. --si Bianca. Ang malas nga niya eh. Tagapasa ng conversation paper namin pag boring ang klase *evil laugh*
"GoodMorning Bianca!" bati ko sakanya.
"Hello JM, Good morning din" Nga pala. JM ang tawag sakin ng mga taong di ko naman ka close. Maarte ako eh.
Mabait naman si bianca. Maganda pa. Minsan nga lang epal talaga sya. XD joke ang meanie ko.
"Hi Bianx!" bati naman ng isa pang epal na si James.
Minsan talaga parang may gusto to kay Bianca eh. Nakakainis. Epalogs forevs. Ugh.
**Dismissal
"Hoy Jam tumayo ka na dyan dismissal na. Kupad kupad mo eh no?"
"Aii sorry no? Bawal magayos ng gamit? Tch. Excited ka eh no?"
Magkatabi lang kasi bahay namin kaya sabay na kami maglakad pauwi. Oh debuh? Pati bahay namin mag bestfriends hahaha. Mauuna nga lang dadaanan yung kanila.
Nung nasa tapat na kami ng bahay nila huminto ako at sinabing "Bye JAM. Hahaha" Eh nakakatuwa kaya sya pagtripan. Hahaha
"Tigilan mo nga ako. James pangalan ko. Ok?" at diretso lang sya ng lakad kahit lumagpas na sya sa bahay nila.
"Hoy. San ka pupunta? Sira, eto bahay nyo oh!" sabay turo ko pa sa bahay nila.
"Alam ko." tapos huminto sya sa tapat ng bahay namin saka nya binuksan ang gate.
"Hoy hoy. Teka lang tresspassing yan!" pero hindi nya ako pinansin. Aba? Ano nanaman sapak neto?
"Tumabi ka nga." saka sya diretsong pumasok sa loob ng bahay kaya sinundan ko naman sya.
"Hi tita" bati nya sa mama ko. "Dito po muna ako ha? Walang tao sa bahay eh."
"Sige. Inihabilin ka naman sa akin ng mama mo"
Ah. Ganon? Alam na pala ni mama eh! So wala sya sakin balak sabihin? Walangya talaga to. Sarap dagukan minsan eh! Yung warning-an man lang nya ako na samin muna sya mags-stay diba?

BINABASA MO ANG
Twisted Fates
Romance"Shit happens at times." This story shows how fate plays a game on you. Note: Reality is a bitch, one that you can't slap.