Jana Marie’s POV
“Walangya ka Mr. Sy! May jersey number na 21!”
Hingal na hingal ako mula sa pagtakbo pero hindi ko na ‘yon ininda.
“Mag-usap tayo.” Hindi ko na din alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para sumigaw ng gano’n sa harap ng mga team mates niya. Pero gusto ko talaga siyang makausap. Ewan, bahala na.
“Pano pare? Una na ako.” Paalam ng kasama ni James. Patrick ata pangalan no’n.
Tumango naman si James.
“Ayusin mo.” Pahabol niya pa bago niya tinapik si James sa may balikat at tuluyang umalis.
Ng makalayo na si Patrick, bigla naman nagsalita si James na ikinagulat ko.
“Anong pag-uusapan natin?”
Don’t back down, Jam. Don’t back down. Now or never
“Ugh. Pwede bang .. 'wag dito?”
Pinagtitinginan na kasi kami ng mga team mates niya. Parang uurong ang dila ko sa kaba e. Sht. Sht. Yung puso ko, nago-overtime na naman sa pagpa-pump. Kalma lang, Jam. Kalma.
Bigla namang naglakad palayo si James. Saan s’ya pupunta? Ayaw n’ya man lang ako pakinggan? After all my efforts?! E ang arte ko din naman kasi. May pa 'wag dito, wag dito' pa akong nalalaman.
“HOY! Saan ka pupunta?!” Sigaw ko sa kan’ya
“Akala ko ba, ‘wag dito’?” Tapos naglakad na siya ulit.
Tch! Pa-cool pa s’ya! Kainis! Pahiya ako do’n ah!
Tumakbo na ako para habulin siya. Napunta kami do’n sa school park. Sakto naman na kami lang ang tao do’n.
Umupo s’ya sa may swing. Sumunod naman doon ay ang nakakabinging katahimikan. Walang gustong magsalita.
Pinagmasdan ko lang s’ya habang parang tanga akong nakatayo sa harapan niya. Ang inosente ng mukha niya. Pero parang ang lalim lagi ng iniisip niya. Nakakainis na hindi ko malaman kung ano ang nasa isip niya.
Hindi ko din alam kung paano ko sisimulan. Ano nga ba ang sasabihin ko? Bakit ko ba siya gustong makausap? Pipigilan ko ba siya sa kalokohang pinapasok niya? Baka naman kasi nabibigla lang siya eh!
E paano kung gusto niya naman talagang gawin ‘yon? Wala naman akong karapatan, ‘di ba? Parang gusto ko na lang umiyak ng umiyak ng parang ewan sa harapan niya. Baka sakaling maawa siya sa akin.
Ang desperado ko na ba? Sobra!
Ano bang dapat kong gawin?
Ano ba Jam? Lahat ng efforts mo sasayangin mo lang dahil hindi ka magsasalita?! Naiinis ako sa sarili ko! Ang stupid ko!! Ugh. Bahala na!
“Ikakasal na daw kayo ni Bianca?”
Ano ba namang kalokohan ‘to? Itatanong ko sa kan’ya yung mga alam ko na? Para ano pa? Sasaktan ko na lang ang sarili ko e. Mas masakit lang kung manggaling mismo sa kan’ya.
“Hinde.”
Nagulat naman ako sa sagot niya. Hinde? As In, hindi totoo? Ano ba naman ‘yan! Pinagtitripan lang ata ako ni Sophie e? Agad naman kasi akong naniniwala!! Stupid!!
Gusto kong i-confirm kung tama ang dinig ko. “P-pero, sabi ni Sophie …”
“Hindi pa.”
Hindi PA?! Bigla namang bumagsak lahat ng pag-asa ko.
“Hindi PA? Meaning in the future? May balak kayo?”
“Mm.” Sagot n’ya, tumango pa siya ng marahan.

BINABASA MO ANG
Twisted Fates
Romance"Shit happens at times." This story shows how fate plays a game on you. Note: Reality is a bitch, one that you can't slap.