Ate Ales! Ayun boyfriend ko kasi si Red tsaka yung kambal kaya para sayo to ate! :)
Kay James muna ulit POV. Lalabs ko yang si James eh. Luuhhh. Favoritism. HAHA.
James' POV
August 16 ngayon. Birthday ni Jam. Ngayong araw na to balak kong umamin sa kanya eh. Pero dahil nga sa nangyari sa canteen eh wala na akong balak umamin pa.
Hindi na rin nga pala kami nagkakausap. Hindi na sabay umuwi. Ewan ko ba dun eh. Biglang parang naging stranger ang tingin sa'kin. Hindi ko tuloy alam kung paano ko ibibigay tong binili ko na gift para sa kanya. Simpleng Diary lang naman ang naisip kong bilhin para sa kanya. Mahilig kase yun magsusulat ng pangyayare sa buhay nya. May balak ata magpa-MMK eh.
Psh. Baliw na nga ta ako. Kakaisip kung paano ko igi-greet si Jam ngayon. Pupunta ba ako sa kanila?
Hinde. Baka itaboy lang ako nun eh. Tss. Suplada pa naman yun ng galit. Yosh.
In the end nakapag decide ako na tawagan nalang sya. At itong Diary? Ibibigay ko nalang siguro kay Sophie.
Isang ring palang eh sinagot naman na nya.
"Yo." bungad nya sa phone. Di padin yun nagbabago. Kung alam lang nya. Sobrang miss ko na sya. "Natawag ka?" Dagdag pa nya. Her voice. Ive been wishing to hear it for too long already.
It still hurts though. Knowing na hanggang kaibigan lang ako.
Shet di ba? Ang bakla ko lang!
Sa pagrereminisce ko eh 'di ko napansin na naghihintay pala sya sa kabilang linya. Kaya nagsalita sya.
"Kung wala kang sasabihi--" Di ko naman sya pinatapos.
"Happy Birthday Jam. Sige Bye."
End Call. Shet! Bakit ba ako kinabahan? Para ig-greet lang naman sya ng Happy Birthday eh.
----------
After than phone call. Everything went wrong. Naging blurry na ang status namin. Ni 'friends' ata hindi na kami matatawag. At ang masaya, ni hindi ko alam kung bakit sya nagkakaganyan.
The past few days lagi kami magkasama ni Bianca, kung baket?
Hindi ko din alam. Basta sunod lang ng sunod yun.
Pero okay nadin naman na kasama ko si Bianca. Kesa mag-isa ako diba? Since hindi naman kase ako pinapansin ni Jam. Para naman di ako loner.
Katulad nalang ngayon eto na naman si Bianca papalapit sa kin. With full smile pa.
"James, pwede patulong naman? May pinapakuha kasing books si principal sa office eh."
At dahil gentleman naman ako eh pumayag na ako.
Kinuha namin yung books. Actually ako lang, kase sakin naman lahat pinabuhat. Tatlo lang naman eh. Pati sabi ni Principal ako naman daw ang lalake. So ano pang choice ko di ba?
Habang pabalik na kami at naglalakad sa hallway sakto naman nandun si Jam! Mag-isa lang sya, kaya kinausap ko naman.
"Oy Jam. Bat magisa ka?"
"Wala nagpapahangin lang." sagot nya.
Galit ba sya sa'kin? Ano bang nagawa ko?
"Ahh. Sige mauna na kami ni Bianca. Bye."
Ayoko pa sana umalis eh. Gusto ko pa sya tanungin kung ano ba nangyayari samin. Kaya lang kelangan na namin ihatid tong books eh. Kaya kelangan na umalis.
"Sige. Ingat kayo." Pagkasabi nya nun naglakad na kami ni Bianca palayo.
After namin mahatid mga books eh diretso na kami sa English class.
Pinapapili kami ng partner para sa reporting.
Laging si Jam ang partner ko date pag merong mga ganto eh. Ano gagawin ko? Lalapitan ko ba sya?
Hindi ko alam kung galit sya sakin oh ano eh. Baka tanggihan ako nun, mapahiya pa ako.
Nakita ko naman na napatingin sya sa'kin. Hinihintay ba nya akong lumapit?
Nginitian ko sya. Pag ngumiti din sya sakin. Lalapitan ko na sya.
At ayun, ngumiti sya! Lalapit na sana ako kaya lang sakto namang tatayo na din ata sya sa upuan nya. Siguro hahanap na sya ng partner. At hindi ako yun.
"Hoy James. Wala kapang partner! Ngingiti-ngiti kapa dyan." -Bianca
Napatingin naman ako kay Bianca. "Ikaw ba meron na?" tanong ko sa kanya. Sya nalang siguro partner ko. Since wala naman si Jam
"Wala pa." Bianca
"Sige tayo nalang"
Kaya ayun si Bianca ang partner ko. Nakakapanibago kase laging si Jam nga noon. Pero wala eh. Labo labo na talaga ngayon.
Sa pagkafrustrate eh nagcutting nalang ako nung araw na yun.

BINABASA MO ANG
Twisted Fates
Romansa"Shit happens at times." This story shows how fate plays a game on you. Note: Reality is a bitch, one that you can't slap.