CHAPTER 21
Jana Marie's POV
"So, totoo pala."
Shit
Nablanko yung utak ko ng marinig ko yung boses ni Bianca.
This is it. Ito na yung moment na kinakatakutan ko.
Alam ko naman na eventually kailangan din namin siyang makausap. At hinanda ko na ang sarili ko para dito.
Pero ibang klaseng kaba pa din yung nararamdaman ko.
Huminga ako ng malalim para kumuha ng lakas ng loob. Bahala na.
Umikot ako para harapin si Bianca.
Pero pagharap ko ...
*PAK*
Isang malakas na sampal ang sumalubong sa akin.
Sa sobrang gulat ko sa nangyari, parang namanhid ang buong katawan ko. Nakatingin lang ako kay Bianca.
Biglang natahimik ang buong klase. Lahat ng atensyon, nasa amin.
Parang silang nanunuod ng drama sa hapon. Lahat nakaabang sa susunod na mangyayari.
Walang nagsasalita. Walang gumagalaw
Nabasag lang ang katahimikan ng biglang sumigaw si James.
"BIANCA!" Tiningnan naman ni James ang pisngi ko na nasampal ni Bianca. As if on cue, bigla kong naramdaman yung sakit ng sampal niya. "Bakit mo ginawa 'yon?!"
"I am just trying to protect my property!" Sigaw din ni Bianca. "That Bitch!" Sinugod ulit ako ni Bianca pero pinigilan siya ni James.
"YOUR property?!" Hinawakan ni James ang magkabilang braso ni Bianca para hindi nito ako masugod. "I am never anyone's property, Bianx."
Natigilan naman si Bianca. She looked hurt. Kitang kita ang sakit sa mga mata niya. At ayaw kong makita 'yon, dahil alam kong ako ang may kasalanan.
"But... you agreed! Hindi ba pumayag ka?! Hindi ba engaged na tayo? James naman!" Hinampas hampas niya si James.
Hindi ako pwedeng tumunganga lang dito. I have to do something.
"Bianx." Nilapitan ko siya. Bahala na kung masampal ako ulit. Kasalanan ko naman ito eh. I deserve that slap from her. " I'm sorry. Im'm really sorry for..."
"SHUT UP, JM!" Tiningnan lang niya ako ng masama at nilingon niya lang ulit si James.
"Talk to me, James! What is happening? Hindi ba okay na tayo? 'Di ba masaya na tayo? Anong nangyari?"
"I'm sorry. Bianca." 'yon lang din ang nasabi ni James.
"I'm sorry?! That's it?! Ganon ganon na lang? Ha?!" Hindi parin tumitigil si Bianca sa paghampas pero tinanggap lang lahat 'yon ni James. "Sorry tapos wala na? I need answers James! Bakit?! Bakit mo ginawa 'yon? Pinlano niyo ba 'to ha? Na paasahin ako? HA?! TELL ME!! Ano? Sinadya niyo ba 'tong dalawa?! MAGSALITA KA!!" Umiyak na lang si Bianca. "Please, James. Tell me."
Hindi ko matingnan si Bianca. Awang awa na ako sa kan'ya. Hindi namin siya masisisi kung sobrang galit na galit siya sa amin.
Someone's happiness is someone else's sadness.
Alam ko kung gaano kasakit ang pinagdadaanan niya. Kung paano maging someone else. Kung paano yung feeling na ikaw yung nasasaktan, yung naagawan, yung iniwanan.
BINABASA MO ANG
Twisted Fates
Romance"Shit happens at times." This story shows how fate plays a game on you. Note: Reality is a bitch, one that you can't slap.