Chapter 26

6 1 1
                                    

Dedicated to her, 'the other girl'. Thank you for never giving up on this story. :)

CHAPTER 26

JAMES'

WEEKEND. FIRST DATE

"Saan tayo pupunta?" Maaga kong sinundo si Jam. Ngayon palang kami lalabas, bakla man pakinggan first time ko 'tong makipagdate kaya clueless talaga ako.

"Ikaw ba saan mo gusto?" Tanong niya

"Ikaw na lang bahala." Alam ko kasi ang mga babae kapag first date may plano na yang mga 'yan. May balak na puntahan o di kaya gustong panuorin, kaya kung saan niya man ako ayain magpunta ay okay lang sa'kin. Pero bakit parang naasar pa siya sa sinabi ko? May nasabi ba akong hindi maganda?

"Sa mall nalang tayo! 'Di ba may bagong movie ngayon?" Kanina parang asar siya pero biglang parang excited na naman siya ngayon. Hay. Baliw yata itong girlfriend ko e?

Pumayag naman ako sa gusto niya. Tahimik kami buong byahe. Wag niyo ako pagtawanan ok? Kinakabahan talaga ako. Paano ba maging cool sa first date? I mean, dati pa naman kaming lumalabas ni Jam pero ewan ko ba kung bakit tensed na tensed ako ngayon? Paano kami mageenjoy nito?

Parang nasapian naman si Jam ng malanghap ang hangin sa mall. Bigla na lang siyang sumigaw ng "TARA!" sabay hila sa akin habang tumatakbo kung saan-saan. Maya-maya ay pinauna ko siya. Bigla nalang kasi akong nakaramdam ng kakaiba, bumibilis ang tibok ng puso ko. Parang hindi ako makahinga. Sa pagod siguro at puyat dahil hindi ako nakatulog kagabi kakaisip sa mga mangyayari ngayon. Parang timang e. Excited.

Hindi ko ipinahalata sa kan'ya na may kakaiba akong nararamdaman. Naglakad lang ako ng diretso at sinusubukan makahabol sa paglalakad niya.

Parang nalibot na yata namin ang buong mall, mula arcades, hanggang sinehan pati kung ano ano pang mga botiques. Napapansin ko na panay ang tingin niya sa ibang mga nagde-date sa mall. Maya-maya unti-unting natahimik si Jam. Parang nawalan na siya ng gana na maglibot kaya tinanong ko siya. "Saan tayo pupunta?" Pero hindi niya ako kinibo kaya tinanong ko ulit siya. "Gutom ka na ba?" Ganyan kasi yan kapag gutom. Beastmode.

"Hinde. Pagod na ako. Gusto ko ng umuwi." Saka siya naglakad palayo. Anong problema no'n?

Hinabol ko siya kahit wala akong kaalam-alam kung ano bang nangyayari at bakit bigla na lang siyang nagalit.

Naabutan ko naman siya kaagad. "11:30 pa lang." Pero hindi niya lang din ako pinansin at tuloy tuloy ng naglakad. Ano bang nagawa kong mali? Bakit bigla na lang siyang nagalit? Hindi ko pa nga naibigay sa kan'ya yung dala-dala ko e. Nageffort pa akong pitasin ito sa likod bahay. Nilabas ko sa bag ko yung pink na rosas. Nag-iisa lang 'yon sa garden ni mama. Nagtataka nga ako kung paanong nagkaro'n ng pink doon e puro red roses ang tanim ni mama.

Nakiusap ako do'n sa napadaang lalaki na ibigay kay Jam yung bulaklak saka naman ako nagtago para hindi niya ako makita pero kita ko pa rin siya. Gusto ko lang makita reaksyon niya, pero grabe. Amazona talaga. Sinigawan niya yung lalaki "ANO BA?!" Bakas na bakas ang pagkainis sa mukha niya. Kasunod ang matinding pamumula dahil sa sobrang hiya. Akala niya yata ako ang nangungulit sakan'ya.

"Pasensiya na po." Bulong niya matapos niyang kunin ang bulaklak. Umalis naman yung lalaki. Mabuti nalang at mabait yung si kuya. Alam niyo na, 'bro code' sino-sino pa bang magtutulungan kung hindi kami kami rin?

Nilapitan ko naman siya na pabulong bulong pa rin sa sarili niya. "O, akala ko ba umuwi ka na?" Bungad ko sakan'ya. Nakakatuwa kasing nakikita yung naasar niyang mukha. Kung ano man yung hindi maganda na naramdaman ko kanina ay unti-unting nawala dahil sa mga reaks'yon niya. Nakakatuwa talaga siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 06, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Twisted FatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon