Chapter 22
Jana Marie's POV
Lumapit si Pau sa may tenga ko at bumulong.
"This girl that I like is... your friend."
My friend?
"Yup, si Mitch."
Natawa naman ako sa mga pangyayari. "Eh bakit hindi mo sabihin sa kan'ya? Nasan na ang confidence mo?"
Hindi pa din siya lumalayo sa akin. Medyo awkward na din.
"Yun nga ang problema ko eh. Kapag si Mitch na ang usapan, parang umuurong na ang dila ko eh. I melt when she's around, Jam. Help me. I don't know what to do."
"Sus! Malakas na talaga ang tama mo sa kan'ya no?"
"I guess... So ano? Are you gonna help me?"
"I will."
Lumayo na siya sa akin. "I told you JM, I always get what I want. Bye."
Napangiti na lang ako. Sana nga...
**
Bumalik na ako sa loob ng classroom. Pero hindi pa naman ako nakakaupo, may nagvibrate na sa bulsa ko. Si Pau, nagtext.
Pau: Thanks. That really made me happy.
Our fates really are twisted. Para kaming mga domino. Sino namang magaakala na ang datig may gusto sa akin, gusto pala ni Mitch. At may gusto din sa kan'ya.
Pero this time, I will make sure na hindi magiging kasing komplikado ng lovestory namin ni James ang kina Mitch.
Ayaw ko ng maulit ang nagyari sa amin. Ayoko ng may madamay pa. Tapos may masasaktan na naman.
Bigla namang dumating si Mitch.
Whooh. Inhale, exhale.
Excited ako na ibalita kay Mitch ang mga sinabi ni Paulo. Pero ayoko naman na unahan si Paulo sa mga nararamdaman niya. Mas magandang sa kan'ya manggaling hindi ba?
Right. I won't say a word to Mitch.
"Jam! Omigod, Omigod!" Ang saya saya pa niya ng lumapit siya sa akin, ano na naman kaya ang nangyari?
Jam, wag kang make-carried away sa energy niya, baka mamaya may masabi ako na hindi dapat. Hehehe.
Nag roll eyes nalang ako sa kan'ya. Kunwari hindi ako interesado sa kwento niya. "What? Relax ka nga lang."
"Ito naman! Panira ng mood. May ikukwento kasi ako! Oh my G!"
Umupo siya sa tabi ko. "Hulaan mo kung sino ang nakasalubong ko sa hallway!! Kyaaaahhh. Ang gwapooooo."
Hayy. Sino pa ba? Malamang si Paulo! Sino pa ba ang ultimate crush niya? Siya lang naman eh.
Nakakainis kasi, hindi ko pwedeng sabihin kay Mitch. Kaya dapat magkunwari akong walang pake. Kasi baka mamaya masabi ko, 'di ba? Ang hirap ng sitwasyon ko. TT.TT kasi naman.
"Sino?"
At ang paranoid na Mitch lumingon lingon muna, parang siyang shunga siryoso -.- tapos lumapit siya sa may tenga ko.
"Nakasalubong ko si Pau! Gosh! Kileeeeegggg."
"Talaga?"
Waaaahhhh!! Pigilan mo ang bunganga mo Jam! HUHUHU Kating kati ko na talagang sabihin eh!
"Oo. Grabe, papansinin ko nga sana kaya lang nahiya ako eh. Ugh."
Bigla naman may nagvibrate sa may bulsa ko kaya tiningnan ko ang cellphone ko at itinago sa ilalim ng table para hindi mapansin ni Mitch.

BINABASA MO ANG
Twisted Fates
Romantizm"Shit happens at times." This story shows how fate plays a game on you. Note: Reality is a bitch, one that you can't slap.