Chapter 23

7 2 0
                                    

Chapter 23

Stephen's POV

James na naman! Siya na lang lagi. Naaasar na talaga ako. Ginawa ko na ang lahat ng best ko para magexcel sa studies. Doon lang naman kasi ako magaling. Pero hindi pa rin ako napapansin! Pati ang babaeng gusto ko, sa kan'ya din malapit!

Lumipat ako ng school para lang mabantayan ang mga kilos niya. Nabalitaan ko pa nga na nag-away sila ni Jam. Huh! Akalain mo nga naman ang pagkakataon.

Sisiguraduhin ko na hindi ko masasayang ang chance na ito para gumawa ng paraan.

Wala akong sinayang na araw. Palagi akong gumagawa ng love letter para kay Jam, at umaasa na balang araw, makikilala niya rin ako. Mapapansin niya rin ako.

Oo, ako ang secret admirer niya. At oo, mahal ko si Jam. Matagal na.

Minsan nga nakasalubong ko siya sa hallway. Hindi ko maiwasang tumingin sa kan'ya. Sobrang ganda niya talaga. Ang bait bait ng mukha niya. Gusto ko din ang pagiging palaban niya, in a good way.

Sa sobrang pagde-day dream ko, nabangga ko pa siya.

"Aray." Mahinahon yung pagkakasabi niya niyan. "Sorry po."

Matagal ko na siyang kilala. Pero ngayon palang kami nagkalapit ng ganito. "Ayos lang."

Ngayon ko palang din siya nakausap.

Palagi naman siyang nasa bahay dati. Magbestfriend sila ni James, 'di ba? Pero ni minsan, hindi niya pa ako nakita. Kapag nasa bahay siya, nasa kwarto lang ako, tahimik na pinagmamasadan sila. Nahihiya akong magpakita sa kan'ya. Hindi kasi ako katulad ng mga normal na lalaki.

Nerd ako, hindi marunong magayos at pumorpa. Madami akong insecurities sa sarili ko. Kaya natatakot ako na magpakita sa kan'ya. At magsabi ng nararamdaman, kaya sa pag gawa nalang ng love letter nalang ang tanging nakita kong paraan.

Kaya 'wag na 'wag niyo akong huhusgahan! Corny man at makaluma ang mga love letter. 'yon na lang ang nakikita kong paraan. At tawagin man akong stalker dahil sa lagi kong pagsunod at pagmamasid kay Jam, wala akong pakialam!

Tumalikod na si Jam at aalis na, pero bago niya pa nagawa 'yon. Tinawag ko ang pangalan niya.

"...Jam"

Nagulat naman siya. "Kilala mo...ako?" Matagal na, Jam. Kung alam mo lang.

"Ahm. O-oo. Medyo."

Shit! Bakit ba nauutal ako? Relax ka lang Stephen.

"Sige, Bye!"

Sobrang lakas na ng kabog ng puso ko. Kapag hindi pa ako umalis, baka mapahiya ko pa ang sarili ko sa kan'ya. At ayaww kong mangyari 'yon.

Paalis na ako, pero hinila niya ang braso ko.

"Wait lang. Anong pangalan mo?"

"Stephen." Nginitian ko siya ng bahagya, hawak niya pa din ako sa may braso. "Ako si Stephen." Ang lalaking matagal nang nagmamahal sa'yo. Tae ang corny!

Pagkasabi no'n, tumakbo na ako paalis.

'Yon ang una at 'yon na din ang huling beses na nakausap ko si Jam. At ngayon, ang magaling kong kapatid, nakipag ayos na sa kan'ya! At may bonus pa. Hindi na lang sila mag bestfriend ngayon, sila na.

Kailangan ko ng gumawa ng paraan! Hindi pwedeng ganito na lang lagi, lahat na lang ng gusto ko, napunta na kay James, hindi ako papayag na pati si Jam.

Twisted FatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon