Chapter 18

14 1 0
                                    

Chapter 18

James’ POV

“Ano?”

Yan lang ang naisip ko. Anong pinagsasabi nina mama at papa? Nababaliw naba sila?

“Yan ang napagkasunduan namin ng mga magulang ni Bianca. Pero noon pa yun, anak. Nung mga bata pa kayo, hindi na nga namin nagawang sabihin sayo dahil umatras sya. Ang sabi nya sa amin noon, ayaw nya daw matali sa taong hindi nya mahal at hindi sya mahal. Kaya hindi namin alam kung bakit nagbago ang isip nya.” Mahinahong paliwanag ni mama.

Fixed Marriage? Nahihibang na yata ang mga magulang ko. Mabuti sana kung may business kami at business partners sila, maiintidihan ko kung bakit nila ginagawa ito. Pero hinde eh! Mga normal na tao lang kami! Anong pumasok sa mga isip nila? Fixed marriage? Anong joke na naman to?

“Ayos lang samin, kahit ano pa ang desisyon mo. Buhay mo yan at ikaw lang ang may karapatang magdesisyon. Pero sana I consider mo ito.”

“Sige po. Pagiisipan ko.”

Minsan lang makiusap at humingi sa akin ng pabor si papa. Kaya pumayag nalang ako. Pagiisipan lang naman. Pero hindi ko ata magagawang pumayag sa kalokohang yun. Paano si Jam? Pati bakit si Bianca? Siguro napagtripan lang kami ng mga magulang namin nung mga bata pa kami. Nung kami pa ang magbestfriend.

**Flashback**

“Ma, ayoko nga sabi sumama!”

“Sandali lang tayo don, please?”

“Hayy, mama naman eh! Sige na nga! Pero saglit lang ha?”

Sumama na ako sa pool party ng anak ng kaibigan ni mama na ginawa sa isang resort, ano pa nga bang magagawa ko?

“Anak, this is Bianca, it’s her 8th birthday today, batiin mo naman sya.”

Ano pa nga ba? Edi binati ko “happy birthday.”

Ngumiti naman siya “Thank you.”

Nabobore na ako dito puro babae naman ang bisita. Sabi ni mama saglit lang kami eh isang oras na ata kami dito, kumain na at lahat, di pa kami umuuwi. Iniwan na nga ako ni mama eh, kasama nya na yung mama nung Bianca at nagkukwentuhan sila. Sana naiwan nalang ako sa bahay at nanood ng spongebob para sumaya pa ako.

“Anak, nasaan na si Bianca?”

“Hindi ko po alam, baka lumabas?” Sa akin pa tinanong ni mama, eh malay ko kung saan nagsusuot yun? Nandito lang yun sa gilid kanina ah? Bakit biglang nawala?

Lumabas ako para hanapin s’ya. Pero wala din naman sya sa may pool. “Aynako, nasan naman kayo yun?” pabalik na ako sa loob ng may marinig ako.

“M-mo.. mommy! HELP!!” Takte! Nandon sya sa swimming pool! Nalulunod yata? Tanga James! Malamang! Help nga daw eh. Sus

Nagdive ako para tulungan sya. Mabuti nalang skilled swimmer ako. Medyo malalim din yung pool eh.

“Iba ka ding babae ka no? Pool party tapos hindi ka marunong lumangoy? Pambihira.” Yan pa talaga ang sinabi ko pagkaahon namin. Imbes na tanungin kung ayos lang sya at patahanin sya dahiliyak sya ng iyak.

“Thanks.” Ang lakas na ng iyak nya.

“Bianca! Oh my God! What happened?” nagkakagulong lumabas ang mga parents ni Bianca mula sa function hall ng resort.

Doon natapos ang birthday party celebration nya, pero dun din naman nagsimula ang friendship namin. Mula kasi ng araw na yon lagi ko na syang kasama, nalaman ko kasi na dalawang bahay lang ang pagitan ng mga bahay naming. Sya lang ang naging kaibigan ko. Hindi kasi ako magaling makipagkaibigan. Pero nagbago ang lahat ng mag 12 years old ako.

Twisted FatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon