to ate Denny, mga sinulat nya ang mga first set ng books na nakumpleto ko basahin. nakakatuwa silang lahat. walang matatapon. :)
Flashback po ulit ito. :) Medyo mahabang chapter.
James' POV
Kakauwi ko lang sa bahay namin galing sa paghatid kay Bianca. Grabe, may kalayuan din yung bahay nila kaya ginabi na akong nakauwi.
Nandito kami sa kitchen ngayon at sabay sabay na nagdi-dinner "Paps, hindi ba August 8 na ngayon? Birthday ni Milly bukas!" sigaw ni Mama.
Psh. Makasigaw naman tong si mama. Teka, August? Sino pa nga ba may birthday ng August?
"Kuya, bakit si ate Jam hindi na nadalaw dito?" tanong sakin ni Sophie. Si Sophie yung bunso kong kapatid. Close kase sila ni Jam eh. Oo nga no. Ang busy ata nun? Ni di man nya ako tinatawagan.
Teka! Oo nga. Birthday ni Jam sa 16! At wala pa akong regalo. Ano ba yan, bat nalimutan ko? Masyado kaseng pre-occupied ang utak ko.
Kelangan ko bumili ng gift. Ano pa ba pwede ibigay sa kanya? Hirap naman regaluhan ng babae eh. Tss.
*Ting* Bright Idea. Matawagan nga si Bianca. Papatulong ako sakanya.
Pagkatapos namin mag dinner. Di-nial ko naman ang number ni Bianx. Ang tagal pa naman sumagot. Tsk.
"Hello? James?"
"Hi Bianx!" sagot ko naman with a Lively voice. Syempre dapat mabait ako. May kelangan ako sakanya eh! Bwahahaha
"Oh bat napatawag ka?"
"Ehh.. Free ka ba tomorrow?"
"Uhh. May pasok tayo diba?" Oo nga pala may pasok. Putek. Cutting na to! Hahahaha.
"Absent nalang tayo?" Sana pumayag naman tong si Bianca. Please.
"Ahh. Osge. San ba tayo pupunta?"
"Sa Mall lang."
Ang tagal pa nya sumagot nun. Pinagiisipan pa ata.
"Ano to? Date?" tanong nya pa.
Natawa naman ako dun. Buwang din to eh. Hahahaha "Uhh. Yeah. PARANG date." in-emphasize ko talaga yung 'parang' XD
Kase 'parang' date lang naman sya. Pero HINDI talaga date. Hahahaha
"O-kay. So kita nalang tayo? San meeting place?"
"No. Ill pick you up sa bahay nyo. Ako nagyaya eh. Around 8am okay? See you. GoodNight!"
"O-okay. See you. GoodNight." Yes. Success.
*****
Kinabukasan
Gaya ng usapan. 8am nasa tapat na ako ng bahay nila Bianx.
Tiningnan naman ako ni Bianca mula ulo hanggang paa.
"Ang effort mo talaga manamit kahit kelan noh?"
Ang dami talaga neto napapansin
"Ayoko kase ng feeling na pinagtitinginan ako sa mall eh." Whoah. Yabang ko ata? XD
"Grabe yabang natin ahh." Medyo. Medyo lang naman
"Totoo yun. Kaya gusto ko plain and simple lang. Para di agaw pansin. Bakit, gusto mo ba ako magpalit?"
"Agaw pansin ka padin naman.kahit ano suotin mo eh. Try mo kaya magpalit ng mukha? Baka sakali."
"Nako. Tara na nga. Daldal mo eh."
And there it was. We took off and spent the day at the Mall.
*Sa mall*
"Bianx, alis na tayo mamayang 11 ha? Para makapasok tayo mamayang afternoon." kelangan namin pumasok ng hapon eh.
"Hmm. Sge. Ikaw bahala." ayaw pa ata neto umalis
*****
Ayun nga, pumasok kami ng hapon. Pagkapasok nga namin sa gate eh excited akong puntahan si Jam.
"Bianx, may pupuntahan lang ako saglit ha? If gusto mo mauna ka na sa classroom. Baka matagalan ako eh." Tumakbo na ako non. May sinabi pa nga sya pero di ko na narinig. Hinanap ko si Jam sa room pero walang tao don. Kaya nagpunta ako sa canteen. For sure kumakain yun dun. Matakaw yun eh.
Naabutan ko nga sya dun. Palapit na ako sa kanila, kaya lang ..
"Ewan ko. Bestfriend nya ako" si Jam. Ako ba ang pinaguusapan nila? "And si Bianca? I dont know kung ano sila."
"Bakit hindi nyo sya try lapitan?" dagdag na tanong pa ni Jam dun sa mga kausap nya na hindi ko naman kilala. Classmate ata namin eh.
Sino daw ta-try lapitan? Ako?
"Hindi kase ganun kadali eh. He pushes other girls away." Eh pano kase ang fi-flirt nila. Psh
"Ewan ko dun." sabi ni Jam. Itsura naman ng babaeng to, parang ayaw nya ako pag-usapan.
"Kung liligawan ka ba ni James, may pag-asa ba sya sayo?" Kate
Nagulat pa ata si Jam kaya hindi agad nakasagot.
Ano ba Jam, sumagot ka naman. Matagal ko na din gusto malaman ang sagot sa tanong na yan eh.
"W-wala"
Wala. Wala daw. Oo nga naman. Asa pa naman ako diba?
Dahil sa nalaman ko eh sobrang badtrip na talaga ako. Binalikan ko si Bianca. Sinamahan na nga ako nung tao eh, iniwan ko pa. Medyo nakonsensya naman ako.
"Hey." Sabi nya "Akala ko ba mata--" diko na sya pinatapos. Gusto ko na matapos ang araw na 'to.
"Tara na." Dahil wala naman ako sa sarili dahil badtrip nga ako eh hindi ko din naman gaanong napansin si Bianca. Nauna ako maglakad sakanya kaya diko sya nakikita
Madali akong naglakad non. Buti nalang at wala kaming nakasalubong kundi baka nakasapak ako sa sobrang asar. Asar sa sarili ko. Eh bat naman kase ako umasa diba?
"Ouch" napalingon naman ako nun. Nadapa si Bianca. At nadaganan pa nya yung right arm nya. Ang dami paman nyang dalang libro. Tsk. Ang tanga mo naman James. Nagpasama ka na nga lang sa tao. Pinabayaan mo pa. Ang insensitive ko lang talaga.
"Ano nangyare? Sorry hindi kita inalalayan. Akin na nga yang books mo. Ako nalang magdadala."
Inalalayan ko na sya makatayo. Sabay kuha sa books nya.
----------
Pagpasok namin sa room, sinalubong naman kami ni Nick
"Oi Bianca! Bat dika pumasok kanina?" Nick
Nakita ko namang napatingin sa amin si Jam. Gustong gusto ko sya lapitan nun. Gusto ko sya kausapin. Gusto ko itanong kung bakit hindi nya ako kayang bigyan ng pagkakataon. Kung hanggang bestfriend lang talaga ako.
Pero hindi pwede. Naduduwag akong itanong sakanya at marinig mismo ng harapan na sabihin nyang hindi nya ako kayang mahalin.
Tiningnan ko si Nick nun at ako ang sumagot sa tanong nya. "Sorry Nick. Sinamahan kase ako ni Bianca."
"Oi James ahh. Long time no see." Nick
"Lul. Hahaha" kelangan ko maging masaya. Kelangan maging normal ang kilos ko. Bestfriends padin naman kami diba? Atleast kahit yun man lang.
Nilapitan ko sya saka nginitian, "Ui Jam, sorry ilang araw kitang di nasamahan." pero masakit padin pala.
"O-okay lang yon." Ngumiti naman sya nun.
----------
Nung araw na yun hinintay ko sya sa gate para sabay ulit kaming umuwi. Pero walang Jam na dumating.
Siguro nauna na yun umuwi kaya nagdecide na din ako umuwi. 8:30 na nga ako nakarating sa bahay.
Ano naman kaya problema nun? Bat hindi sya sumabay sa akin ngayon? Psh.
-------------------------------------------- --------------------------------------------
Pakibasa naman po yung Off to the Opposite Side. One shot lang yun. Actually first one shot ko ever. Hihi. Sana support nyo. Lol
Naks. Makaendorse si Author wagas ne? WitWiw.
Anyways, Jana Marie sa Right corner ------------------------>
BINABASA MO ANG
Twisted Fates
Romansa"Shit happens at times." This story shows how fate plays a game on you. Note: Reality is a bitch, one that you can't slap.