Dedicated sayo kasi wala lang hahahaha!
Chapter 2
James' POV
Nasa football field ako para sa try-out ngayon.
So far so good. Naka goal ako 3 times na. At heto pinasa nanaman sa akin ang bola. 39 seconds nalang aabot to. Mapapasok ko to.
Sisipain ko na yung bola ng may sumigaw kaya natigil kami sa laro.
"JAMES!" sigaw ni Mitch na mukhang pagod na pagod sa kakatakbo. "S-si .. Si Jam."
"Ano nangyari kay Jam?"
Ano nanaman kayang nangyari don?
"Basta sumama ka nalang please. Kelangan sya madala sa clinic." nagpapanic na sigaw ni Mitch
Clinic? Sht sabi na nga ba dapat diko yun iniwan eh! Lagot na.
Agad na akong tumakbo kasama si Mitch. Diko na natapos ang football tryout. Ang mahalaga ngayon si Jam.
Pagdating namin sa Gym, nakita ko nalang sya nakahiga sa sahig.
"Sorry my hand slipped kaya nalaglag sya"
Diko na pinansin kung sino man yung nagsabi nun.
"Jam, gumising ka dyan. Jam! Ano ba?! Gising!" paulit ulit kong sabi. Shet. Shet talaga!
Binuhat ko na sya patakbo sa infirmary.
**After an hour.
Nagising na sya. Di ko na napigilan sarili ko at pinagalitan sya.
" JAM! SOBRANG PINAG ALALA MO AKO ALAM MO BA YON? HA!?"
Pero instead na sumagot eh niyakap nya lang ako habang iyak sya ng iyak.
"*Sob* Wag ka *Sob* magalit *sob* please."
Eh kasi naman!! Sinong hindi mapapasigaw sa nerbyos ko kanina nung makita ko syang nakahiga sa sahig ng Gym?!
Niyakap ko din sya. Ayan, nasigawan ko pa tuloy sya. Medyo tanga din ako pag minsan eh. "Shh. Sorry" saka ko hinagod ang likod nya "Ikaw kasi eh. Nagalala lang talaga ako sayo."
"A-anong nangyare?" tinanong pa nya. Tsk. Ni wala man lang syang naalala sa ginawa nya? Pagkatapos ako mag alala sa kanya? Pambihira.
"Ni di mo man naaalala yung nangyare? Tss. Saka ko nalang sayo ipapaliwanag. Nag gagabi na din. Ihahatid na kita sa inyo."
Inalalayan ko na sya "Makakatayo ka naba?"
"Mmm." sagot nya sabay tango pa. Maya maya napahawak sya sa kamay ko, "Teka! Paano pala ang football try out mo?!"
Unfortunately, dahil umalis ako, baka hindi ako matanggap sa try out. Sayang naman.
"May next year pa naman eh. Okay lang yun" Saka ko sya nginitian. Ayokong sisihin nya yung sarili nya dahil sa nangyari.
"Tara na nga." inaya ko na sya para umalis pero humirit pa sya.
"Thank you James ha? Lagi ka andyan para sa akin" bigla bigla nalang sya nagsasabi ng ganyan.
"Oii ang cheesy. Haha" pabiro kong sagot. Pag nababagok pala ang ulo nito, nagiging sweet. Ibang klase.
"Tse! Tara na nga. Hmp"
In the end. We still walked home together. Funny right?
Bianca's (short) POV
Naiinis nako. Mula kaninang umaga wala sa sarili si James. Nagaway ata sila ng Bestfriend nya. Nakakapikon lang.
BINABASA MO ANG
Twisted Fates
Romance"Shit happens at times." This story shows how fate plays a game on you. Note: Reality is a bitch, one that you can't slap.