PROLOGUE

284 17 2
                                    


Fate tell it's will

Inilabas ni Carter ang isang stick ng sigarilyo mula sa bulsa, inilagay niya iyon sa bibig niya at sinindihan. Sumandal siya sa pader at nagbuga ng usok. Nakatingin siya sa mga tao na nasa loob ng bar kung nasaan siya. Tapos mananatili ang mga mata niya sa isang direksyon.

"Sigurado ka ba na siya 'yon?" Tanong niya sa kasama niyang nakatupo sa tabi niya.

Hindi niya kasi makita ng maayos ang mukha dahil bahagya itong nakatalikod sa kanya.

"Oo siya. Tingnan mong maigi suot niya iyon singsing oh" Sagot nito sa kanya.

Kagaya ng sabi ay tumingin siya sa kamay nitong nasa table at nakita niya ang singsing na pakay nila.Muling humithit si Carter at napangiti.

"Sige" Binuga niya ang usok at binagsak sa sahig ang sigarilyo tapos ay inapakan para mamatay ang usok.

"Sana may bonus to kapag natapos ko" Sabi niya at pinasok sa bulsa ang isang kamay, ang isa naman ay isinuklay niya sa buhok niya.

Dahan-dahan siyang lumakad papunta sa target niya pero napatigil din at napanganga. Lumingon siya sa likuran at tiningnan ang kasama, bumalik siya at sinamaan ito ng tingin.

"Gago ka ba? E si gob 'yon eh" Sabi niya at tinuro pa.

"Kay boss ka magreklamo. Taga look-out mo lang naman ako. Sayong misyon to"

Napabuga siya, hindi niya alam kung gagawin niya pa ba. Gobernor itong babanggain niya paniguradong lagot siya rito.

"Ano? Gagawin mo pa ba? Hindi ka na lugi gwapo kaya 'yan si gob"

Sinuntok niya ito sa balikat ng magawa pa nitong magbiro. Kinagat niya ang ibabang labi niya.

"Fine" Inis niyang sabi at muling naglakad.

Wala naman siyang choice. Utusan siya at kailangan niya ng pera.

Tumingin siya sa paligid, nang makitang busy ang mga tao sa paligid ay minadali niyang puntahan ang pwesto ng lalaki.

Tumigil siya ng makalapit. Nasa likuran siya kaya hinawakan niya ang batok nito at pinaharap sa kanya, nang makaharap na ito ay agad siyang yumuko at hinalikan niya  sa labi.

His eyes are open kaya nakita niya ang pagkunot ng noo nito pero hindi siya nito tinulak. Kaya naman pumikit siya at ginalaw ang labi niya, his other hand landed on the man's shoulder to keep his balance lalo na ng gumalaw ito paharap sa kanya.

He got shocked when his target kiss him back, hinawakan pa nito ang pisngi niya. Gusto niya itong itulak pero hindi pwede, hindi pa.

When his target lips move he almost moan dahil kinagat nito ang ibabang labi niya at pinasok nito ang dila sa loob niya. His hand on his shoulder grip.

Dumilat siya at nakitang nakadilat din at nakatingin pa ito sa kanya.

Bakla ba tong si gob? Why is he letting me kiss him?

Nabalik siya sa wisyo ng ang isang kamay nito ay dumapo sa bewang niya at hinila siya ng sobra hanggang sa mapaupo siya sa mga binti nito. He wants to push him but the governor held his face still. Hindi niya maiatras ang mukha niya. Ang kamay niyang nasa balikat nito ay ipinantutulak na niya pero ayaw tumigil ng lalaki at patuloy siyang hinahalikan.

Magkatitigan sila at seryoso ang mga mata nito sa kanya, kumunot ang noo niya. His target keep kissing him, hindi na siya makahinga. At nanlaki ang mga niya ng maramdaman ang kamay nitong paakyat sa dibdib niya.  Nagulat siya ng maramdaman niya ang daliri nitong sumagi sa tuktok ng dibdib niya.

Agad na nilakasan niya ang pagtulak, at ng magawa ay sinampal niya ito.

"B-Bastos!" Sigaw niya rito.

His slapped made him look at the side tapos hinawakan nito ang pisnging nasampal at tumingin sa kanya, his eyebrows are knitted and his eyes are dead serious.

"What?"

"B-Bastos ka! Ipapupulis kita!"

.

Nakaupo siya katapat si gob na nasapak niya, at ngayon ay nasa presinto sila.  Anong gagawin niya ngayon, kanina may mga bodyguard pala itong kasama at pinaligiran siya kaya wala siyang choice kung hindi ang umakting na irereklamo niya si gob.

Sinulyapan niya ang kaharap, napaiwas siya agad ng makitang nakatingin ito sa kanya.

"Carter, sigurado ka ba sa mga ibinibintang mo? O kalokohan na naman to? May kapalit na parusa kapag napatunayan mali ang mga sinasabi mo" Tumingin siya sa pulis na nagsalita, papalit-palit ang tingin nito sa kanya at sa nirereklamo niya.

"Ilang beses ko ng sinabi, binastos ako ng gobernor na 'yan?" Nakataas ang kilay niya sa pulis.

"Carter nako, kilala ka rito at hindi iyon ang ibig kong sabihin—"

"It's okay, I'll do whatever consequences you impose. And he's my fiancee so it's okay"

Napatingin siya sa gobernor, nakatingin lang ito sa kanya habang nagsasalita, kinunutan niya ito ng noo. At napanganga.

Anong fiancee

"Gago ka ba? Anong pinagsasabi mo?"

And why does he look at me like that?

Like a predator who found it's prey.

"Pasensya na, mainit lang ang ulo ng boyfriend ko"

"H-Hoy! Tumigil ka anong kwento ba ang ginagawa mo. Hindi kita boyfriend at lalong hindi kita fiancee" Sabi niya rito at tumayo pero nginitian lang siya nito.

"B-Boyfriend mo naman pala si gob Carter, pwede natin itong isettle, mister governor how do want this to settle?"

Tumayo rin ang gobernor na katapat niya, humakbang ito palapit sa kanya, ng halos magdikit na ang katawan nila ay umatras siya at muntik na matumba dahil sa upuan nabangga ng likod ng kanyang paa.

"Do what he likes"

Napatawa siya, whatever does this governor doing hindi niya nagugustuhan, the governor seems like he doesn't want to put down the pride he has, nayayabangan siya.

Tumingin siya sa pulis "Narinig niyo? Sige, ikulong niyo na siya"

Nang lumapit ang ibang pulis sa gobernor na nasa harap niya at inakay ito napangiti siyang sinundan ito ng tingin, nang makapasok ito sa selda ay tumingin din ito sa kanya dahilan para magtama ang mga tingin nila.

There's something in those orbs na tila ba ang mga tingin na iyon ay may pinaparating sa kanya, napalunok siya.

Tanggalan kaya kita ng mata riyan!

Nabigla siya ng ngumiti ito sa kanya. Napabuga siya ng hininga, what is he trying to show? Hindi niya alam kaya mas naiinis siya, ayaw niyang magpatinag kaya naman nginitian niya rin ito.

Akala mo ba magpapatalo ako? Not to you mr. governor

Sabi niya sa sarili at dahan-dahan inilabas ang nasa bulsa niya.

Pasimple niya itong pinakita sa governor, the plain silver ring na pakay niya nung una pa lang, sumipol siya at sinuot ang singsing sa daliri niya.

Wow sakto

Alam niyang nakatingin pa rin ang gobernor sa kanya kaya naman sinadya niyang halikan ang daliri niya na may singsing. Muli niya iyong pinakita, nang makita ang seryoso nitong mukha ay dumila siya at kumaway.

I got you mr. Governor

Tumalikod siya at tuluyan ng umalis ng presinto.

"Governor huh? Governor Thanatos Del Fuego"

TS#2: EL GOBERNADOR [BXB]Where stories live. Discover now