ONE

177 11 2
                                    

Carter Suarez

Muli kong chineck ang singsing na nakuha ko nung isa pang araw. Masyadong maganda tapos may iba pa akong pakiramdam. Hindi kaya anting-anting 'to kaya gustong makuha ni boss? Si boss talaga iba ang trip.

At hindi rin ako gaano nakatulog dahil dito ah, hindi ko na nga muna sinurender to kay bossing. Itatago ko muna. kung itatapon ko naman dahil guilty ako sa pagpapakulong kay gov ay baka talagang wala na akong bukas na abutan.

Tiningnan ko ang wallet ko sa bulsa, wala na rin pala akong stock ng grocery. Kung magpupunta ako kala Night ay baka mabatukan lang ako.

"Shit, ito na lang?" Napamura ako ng makitang isang libo na lang ang naroon, kasya ba 'to ng dalawang linggo?

Hindi ko pa naman nakukuha ang parte ko sa misyon dahil nasa akin pa ang singsing. Tipid muna hangga't wala pang sunod na raket.

Ibinalik ko na lang sa bulsa ko ang wallet, napagastos ata ako ng malaki, lalo na sa pagbabayad ng utang. Hindi ko namalayan paubos na yung pera.

Bumangon ako sa kama dahil nagdesisyon akong pumunta na lang kala Xavier, makikikain tapos deretso grocery, namimiss ko na ang mga iyon. Sana ay hindi na rin nagtatampo sa akin si Night.

Palabas na ako ng apartment ng may kumatok sa pinto.

"Carter! Carter!"

Tangina, tanghaling tapat! napamura ako ng marinig si Berto sa labas. Si Berto ang dati kong kasama sa grupo at ang taong laging galit sa akin. Buti na lang hindi siya ang kasama ko sa misyon ko dahil baka nauna ko pa siyang iligpit.

"Hoy! Carter alam kong nandyan ka sa loob, hanap ka ni boss. O gusto mo bang sirain ko pa tong pintuan mo?" Sabi nito at mas lumakas pa ang pagkatok.

Napasabunot ako sa buhok ko, inalis ko muna ang singsing at nilagay sa ilalim ng kama ko bago lumapit sa pintuan.

Binuksan ko iyon at nakita si Berto na may ibang mga kasama. I gritted my teeth in annoyance, ang aga.

"Lalabas ka rin pala bata, hanap ka ni boss. Sumama ka samin" Sabi nito at hinawakan ako sa kwelyo ng damit ko at kinaladkad palabas.

"Hindi na ako kasama sa grupo niyo! At sabi ko naman hintayin niya ang singsing madedeliver sa kanya 'yon!" Sagot ko at hinila ko ang sarili.

Shit muntik nang masira ang damit ko, bwisit na damuho to.

Tumawa naman ito at ganun rin ang mga kasama niya, tatalikod na sana ako ng hawakan niya ako sa balikat at suntukin sa tyan.

Sa lakas ay napaupo ako at napaubo.

Napayuko ako at napahawak sa tiyan, tangina ang sakit!

Naramdaman ko ang hapdi sa anit ko nang hawakan ni Berto ng mahigpit ang buhok ko at iniangat ang ulo ko.

"Aba ang yabang mo na, alam mong hindi sapat ang binayad mo nung nakaraan Carter, masyado kang maraming utang kaya hindi ka makaaalis kay boss" sabi niya sakin at binitawan ang buhok ko ng may pwersa.

Napasubsob tuloy ako sa sahig, hindi agad ako narecover ng hilain nanaman nito ang buhok ko at mas mahigpit ngayon dahil pinatayo niya ako.

Gusto kong lumaban, kung si Berto lang ay kaya ko pero may mga kasama niya. Ang laki kasi ng leeg niya bwiset kung pwede lang na baliin ko 'yan chuby neck niya.

"Tangina, bitawan mo na ako!" Sabi ko at hinawakan ang kamay niyang may hawak sa buhok ko.

"Huwag kang maraming sinasabi" Sabi niya sa akin at sinampal ako.

Halos mamanhid ang buong mukha ko sa sampal na iyon. Gago ginagawa niya lang to dahil sa gusto niya akong pagtripan at ilabas ang inis niya sakin. Kapag ako nakaganti, talagang mamamayat siya sakin.

TS#2: EL GOBERNADOR [BXB]Where stories live. Discover now