Carter Suarez
Inis akong tumingin sa mga taong nasa magkabilang gilid ko, pasimple silang nakahawak sa mga braso ko habang tinatahak namin ang daan papunta sa isang malaking bahay.
Nasa harapan namin si gob at prenteng-prente pa itong maglakad, mas nainis ako gusto ko siyang sipain! Akala siguro niya natakot niya ako dahil dito, kahit sinong gobernor pa siya hindi ko siya aatrasan, hindi ako matatakot sa kanya.
"Kaya ko naman maglakad mga pre, sige na ngalay na ako haha" Tumingin silang lahat sa akin, pati na rin si gob na walang kaemo-emosyon ang mukha.
"Let him" Sabi nito sa dalawang may hawak sa akin.
Bitawan ako ng mga 'to tapos nag-unat ako mga braso ko habang nakasunod pa rin. Parang mamanhid na sa tagal e.
Nang makapasok kami sa malaking bahay ay sinalubong kami ng mga bati, I mean kay gob lang, alangan ako?
"Good afternoon mr. governor"
Nakahelera ang mga ito na dalawang linya tapos ay sabay-sabay na nagbow at bumati. Ganito pa ito lagi? Parang nasa drama lang, oa.
Nang makalagpas kami sa kanila ay nagkanya-kanya rin ang mga ito sa pag-alis . Kami naman ay dumiretso sa sala.
Humarap siya sa akin at nginitian ko siya ng peke. Talagang yare ako, sana may pa last meal naman lang 'to si gob bago ako tuluyan. I saw him tilted his head tapos nakakunot pa ang noo.
Napataas ang kilay ko, ang sungit naman. E kung maging matigas kaya ako sa'yo at hindi ko gawin ang gusto mo? Friendly na nga yung tao.
"Bakit ka nakatingin ng ganyan?" Tanong ko dahil seryoso siyang nakatingin sa akin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at napansin kong nanatili ang mga mata niya sa suot kong damit.
Inayos ko iyon dahil hindi maganda ang binigay na pakiramdam sa akin ng mga titig niya. Paano ba naman kasi medyo na loose thread na ang damit ko.
Umiwas ako ng tingin ng bumalik ang mga mata niya sa mata ko.
"Get him two medium pants" Sabi nito sa kung sino pero nakita ko na lang na ang isang katulong niya ay nagmamadaling sumunod sa utos niya.
Nagulat ako ng lumapit siya sa akin at hinubad ang black suit niya sa harap ko.
"Pagtyagaan mo muna, I'll buy you later" Sabi nito at ipinatong ang suit sa balikat ko.
Huh? Bakit?
Hindi na lang ako nagsalita at sinundan lang siya ng tingin. Ng hindi ako sumunod sa kanya ay tumigil siya at lumingon sa gawi ko.
"Don't just stand there Carter"
Sungit ah, e mas masungit naman ako. Hindi niya alam naseminar ako ni Night.
Inirapan ko siya "Sa susunod kasi sabihin mo kung anong gagawin ko"
Gusto kong palakpakan ang sarili ko, tama 'yan Carter ipakita mo kung sino ka!
Sumunod ako sa hapagkainan. Nang makarating kami ay halos mapuno ang mahabang lamesa ng mga pagkain nakahain doon. Para akong natakam, naalala ko na wala pa akong pananghalian kainis naman nagutom tuloy ako.
Umupo ito sa pinakasentro at pinaalis ang mga kasama namin na naroon. Kaming dalawa na lang ang natira, aalis na rin sana ako ng mahawakan niya ang braso ko.
"Sit"
"Bakit?" Takang tanong ko, dahil hindi ko maintindihan ang nangyayari. Parang kanina lang eh may balak pa siyang gawin sakin.
"Let's eat" Sagot nito sa akin at binitawan ako tapos ay nagsimula siyang magsandok ng pagkain sa pinggan niya. I clicked my tongue, tsk.
"Hindi ako nagugutom, sabihin mo na lang kung anong dapat kong gawin sa kapalit ng ginawa ko sa'yo para quits na tayo"
