SEVEN

169 7 0
                                    

Carter Suarez

"Tumabi ka nga dyan!"

Napabangon ako sa sofa ng hampasin ako ng unan si Night, I'm here finally. Kaso may mga bantay ako, pero wala naman dito nasa isang kanto lang.

"Sungit a, ngayon na nga lang ako nandito ganyan ka pa sakin. You're hurting my feelings Night"

Umarte ako na parang nasasaktan ako, dahil dun nakita ko kung paano kumunot ang noo niya kaya natawa na ako.

Actually ngayon lang ulit ako nakapunta matapos kaming magtalong tatlo, hindi ko rin naman sila matiis, ngayon nga lang e si Night lang ang naabutan ko.

"Buti pa si Xavier miss niya ako" Sabi ko kahit wala naman siya rito at may pasok. Baka bumalik na lang ako bukas para makita siya.

Sumandal na lang ako sa sofa habang pinapanood si Night na naglilinis ng lamesa.

Tumingin siya sa akin at tinigil ang pagpupunas.

"Are you okay with that?" Tanong niya sa akin at umupo na sa tabi ko.

"With what?"

"With your set-up, sa gobernor Carter, everyone knows"

Napatingala ako sa kisame, I think I am. There's nothing much to do aarte lang isa pa masarap ang pagkain araw-araw.

"Hmm" I just hummed and close my eyes. Sometimes I think about our set-up. Kasama ba iyon pakikipaghalikan? Ako naman yung umaagree pero bakit niya gusto? Part of the act?

"Wala akong choice, need to do that para makabayad"

"Tinarantado mo kasi"

Natawa kami pareho, and I'm thankful that he didn't ask more, I'm not really in the mood to answer all of his possible questions, hindi ko rin alam sagutin. Saying yes and nodding my head is all I can do for now.

"His brother is Xavier's boss"

"Yeah, I know. Small world nga talaga"

"Bakit kilala mo? Had you met him?"

Tumawa ako at tumingin sa kanya "Oo masungit. Sabihin mo sakin kapag naging sumpladong boss kay Xavier. Bibirahin ko"

Muntik pa nga kaming magsapakan, buti na lang talaga ayokong makita ni Xavier ang ganun ugali ko, pasalamat siya nandun si Xavier.

"Just be careful Carter, he still a powerful man, aside from being a governor, he's a Del Fuego"

I know, at alam ko rin na may deal kami ni gob na bawal iyon habang nasa puder niya ako at may deal kami. He can't hurt me, he can't let anyone do. He will respect what I want and what I don't want. Kaya nga nasusungitan ko e.

Bago ako umalis sa apartment nila Night ay nagsabi akong babalik ako bukas, tapos ay pumunta ako sa apartment ko. And to my surprise everything is well and neat. Akala ko pupuntahan 'to ni boss at hahalughugin dahil sa singsing. Agad kong chineck ang ilalim ng unan ko sa kama. The ring is still there.

Kinuha ko na iyon at tinago sa bulsa. Kinuha ko rin ang ilang gamit ko. Paglabas ko may mga nagkukumpulan tao sa isang banda, I licked my lower lip after seeing the reason. Bakit andito siya?

Lalapit na sana ako ng may umakbay sa akin.

"Uy Carter tagal mong nawala! Nakakamiss ka dude!" Napaaray ako dahil lumalakad na siya at nadadala ako dahil nakaakbay siya sa akin.

"Busy lang Kel" Sagot ko kay Michael na kaibigan ko rito sa mga kapitbahay, hindi kami masyadong close pero magkasama kami sa mga inter baranggay league ng basketball. Hindi ko nasabi, shooter ako haha.

TS#2: EL GOBERNADOR [BXB]Where stories live. Discover now