FIVE

163 11 0
                                    

Carter Suarez

"Dito ka lang daw sa loob, ito kainin mo raw" It's Sam. I groaned bago tanggapin yung mga supot na inilahad niya sa akin.

Nasa loob ako ng office, si gob naman ay nasa meeting room kasama ang ilang baranggay mayor, another meeting.

Pangatlo na 'to ngayon linggo. Napadausdos ako sa sofa hanggang sa bumagsak ako sa sahig. Nakakabagot! Ganito pala lagi ginagawa ng mga nakaupo, laging may meeting. Ako naman si fiancee laging kasama. Need ko raw ng exposure. Phew.

Buti na lang may selpon na ako ngayon, binilhan niya ako. Didn't ask for it okay? Kusa niyang binigay. Ilang tawag at text na nga ang hindi ko sinagot, buti dala ko ang isang sim card ko sa wallet, ang kaso lang ay ang dami ko na naman text at tawag na natatanggap. Ang iba galing sa mga kasama ko sa grupo, sa kaibigan ko at kay boss. Malamang napanood at narinig na nila ang balita tungkol kay gob at well sa akin. Yari na talaga ako.

Tiningnan ko ang pagkain na hinatid ni Sam. Tapos tiningnan ang oras sa wall clock. 11:45 na ibig sabihin nun tatlong oras na ako rito sa loob. Tatlong oras na rin silang magmemeeting doon.

Tumayo ako at kinuha ang mga supot ng pagkain tapos nilagay ko sa lamesa.

Inilabas ko iyon isa-isa, masyadong marami. Kinuha ko kaagad ang cellphone ko at tinext si gob.

Meron na akong number niya, talagang nakalagay na iyon sa contact ng phone bago niya binigay sakin.

Ako: Kumain ka na, sabayan mo ako.

Pagkasend ko ng text ay kinuha ko ang isang box at sinimulan kumain. It's okay for me if he doesn't want, nagyaya lang naman ako.

Ilang saglit lang din ay nagulat ako ng bumukas ang pinto, pagkalingon ko ay nandoon si gob, I raised my eyebrows, wala pang limang minuto na nagtext ako a, nilunok ko ang pagkain sa bibig ko bago magsalita.

"Tapos na ang meeting niyo?" Tanong ko.

Tumango siya "Tinapos ko na"

Naglakad na siya at umupo sa tapat ko, kinuha ang isa pang box at tahimik na sinimulan ang pagkain. I'm looking at him, confused.

Naramdaman niya ata ang pagtitig ko sa kanya dahil tumingin siya sa akin.

"Why?"

I didn't say anything, but I'm looking at him. He shifted his position, naka harap siya sa akin at nakabuka ang mga binti, I cleared my throat.

"Say it hon" Sabi niya at tumitig sakin, his eyes telling me to drop it, pero ayoko. He tilted his head waiting.

Huh! why the fuck his eyes so demanding? Para talaga siyang boss.

"Buti natapos na ang meeting niyo, akala ko buong araw akong maghihintay dito" I taunted and look away. Pinagpatuloy ko ang pagkain ko.

"I didn't know you miss me that much hon, don't worry next time I'll be careful at time"

I groaned, hindi na ako sumagot, sasabihin na naman niya baka may camera.

"Carter look here"

Napatingin ako sa kanya at nakaamba ang kutsarang hawak niya sa harap ko.

"It's sweet shrimp, prepared by a chef I personally know, masarap tikman mo" Sabi niya sa akin.

Kukunin ko na sana ang kutsara pero iniiwas niya.

"No, just open your mouth I'll feed you"

Ito na naman siya sa ganap niya, okay fine. Ako naman ang gumawa nito, I need to be responsible. Whatever is, I just need to act.

TS#2: EL GOBERNADOR [BXB]Where stories live. Discover now