Carter Suarez
Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina, inis na inis akong nilagay dun ang pangatlong bouquet ng bulaklak. Ano ba akala ni gob sa'kin? Babae?
Kaninang umaga, pagkagising ko ay may bulaklak na sa gilid ng kama ko, at may iniwan pa talaga siyang note. Tapos habang nagb-breakfast ako ay may dumating ulit, para sa akin. Hiyang-hiya ako sa nagdeliver habang nirereceive ko yung package na 'yon.
"Kayo ho ba si honey sir?"
"Honey?" Tanong ko sa delivery man na panay ang tingin sa delivery note at sa akin.
"Carter my honey sir nakalagay rito e"
Pagkatapos nun halos sigawan ko siya sa tawag. Tuwang-tuwa pa siyang nakuha ang inis ko sa pinagagawa niya.
Tapos ngayon naman meron pa, nilagay ko lang tuloy siya sa isang base at nilagay sa gitna ng mesa. Nakakabwisit pa yung note na kasama.
Don't miss me too much honey, I'll go home to you later.
Matapos na magtanghalian ay bumalik ako sa kwarto ko para maligo, tapos lumabas din dahil pinatawag ako sa baba. May naghahanap daw sa'kin.
Paglabas ko sa likod bahay ay napadiretso ako sa bakanteng lote. Napataas ang kilay ko dahil marami ang tao roon.
Inaayos nila.....yung buong paligid.
"Mr. Suarez?" Napalingon ako sa likuran ko ng may tumawag sakin.
I saw a tall, blonde guy. He reached for his hand at kinuha ko iyon para makipagkamay.
"Yes, and?"
"Mauger, Calyx Mauger sir. Nice to meet you" Pagpapakilala nito sa akin.
Tumango-tango ako. Muli kong inikot ang mga mata ko para hanapin ang pigura ni gob. Wala siya rito.
"Mr. Del Fuego asked me to take this project. He told me to meet you" Sabi pa nito kaya nilingon ko ulit siya.
Project? Anong project?
"Sorry? What do you mean project sir?"
"I'm engineer sir, the governor mentioned that you personally want to turn this area, your garden" Sagot nito na ikinanganga ko.
Garden, so pumayag siya na gawin kong garden 'tong bakanteng lote. Pero bakit? Ang bilis naman niyang magdesisyon sa bagay na 'to.
Seryoso ba siya? Huwag niya sabihin isa na naman 'to pakulo niyang figure it out.
Tumango ako at kinuha na ang kamay kong kanina pa pala nakahawak kay engineer.
"Thank you"
Iginaya niya ako, at naglibot kami sa buong paligid. He asked for the design I like. Yung drawing na kay gob pa kaya ang sinabi ko na lang muna ay yung mga pagpupwestuhan. Nasaan na ba kasi si Thanatos at wala man lang paalam bago umalis?
Napatigil ako, it doesn't sound right haha, bakit naman kailangan pa magpaalam sa'kin? Ano ka Carter asawa?
At mabuti na rin na wala na muna siya rito. After that night ang hirap na niyang sabayan. Ganun ba talaga siya manligaw? Kaya siguro isa lang ang naging syota niya.
Fuck, napatakip ako sa bibig ko. Anong manligaw? Hindi naman siya nanliligaw sa'kin! Ano ba Carter! Umayos ka, trabaho ang ginagawa mo rito!
Ilang oras din naroon sila engr. Bago umalis. Pag-alis ni engineer ay pag-alis din ng mga tao na nandoon. Akala ko tauhan ni gob, team pala niya.
Bago ako bumalik sa kwarto ay hinanap ko si Sam pero wala rin siya tapos may ibang tauhan naman na nandito, yung isang tinanong ko na Gelo ang pangalan ay hindi niya naman sinagot dahil bawal daw. Hindi na lang ako nagpumilit dahil mukhang masungit ang isang 'yon baka sapakin pa ako.