Carter Suarez
Kinabukasan paggising ko ay dumiretso agad ako sa banyo at naglinis. Madaling-madali akong lumabas ng kwarto at dumiretso sa dining area.
If he's not lying last night he'll be there. Ang sabi niya kasi sa akin kagabi, he will let me think about it. And he will cook for me to help me decide. Parang naninigurado talaga siya, fuck buddy ha.
A way to a man's heart is through his stomach
Phew, hinayaan ko na lang siya kagabi, hindi na ako sumagot pa but I am here now moving fast so I can check if he's not just good at his words.
Pagpunta ko ng dining ay nakita ko siya nga roon. He is already preparing the table. Lumapit ako sa kanya at tiningnan ang mga hinain niya sa table.
There's also coffee there, nung naamoy ko ay natakam ako. Ganyan timpla ang gusto ko.
"Good morning"
Nagulat ako ang hapitin niya ang bewang ko at halikan ang gilid ng noo ko. I glared at him at naitulak siya, wala pa nga akong sinasabi!
"Hindi pa ako nagdedesisyon gob"
"I just kissed you. Isa pa baka may camera"
Camera mo mukha mo!
"Fine, good morning"
Tumango siya at kinuha ang iba niyang niluto. Wow andami ah sigurado ba siyang siya lang mag-isa nagluto nito.
"Ikaw nagluto ng lahat?"
"Yeah, so you need to eat a lot. Don't waste my effort"
See? Demanding.
Habang kumakain kami ay nagdatingan ang mga naka men in black niyang alagad. I look at them and see Sam bad eyeing me. Wow wala naman akong ginagawa?
Nakatayo lang ang mga iyon sa gilid, sa ilang araw ko rito, lagi kong napapansin na kapag kakain itong si gob nakahelera lagi sa mga gilid niya ang mga ninja turtles niya.
Kaya minsan tuloy nahihirapan akong sumabay, naiilang ako.
Tiningala ko ulit si Sam "Sam!"
Tinawag ko siya at pinalapit, ayaw pa sana niya pero tinawag din siya ni gob. Pasimple akong ngumiti ng lumapit na siya.
He crouched down tapos bumulong ako sa kanya.
"Umupo kayo, sabay tayong kumain lahat" Sabi ko ng pabulong.
"That's not any of your business" Sabi niya na pabulong din. Sungit talaga.
Tumingin na lang ako kay gob at tinuro si Sam.
"Hindi pa raw sila kumakain, isabay natin"
Napabalikwas ng tayo si Sam sa gilid ko "Mister Governor, that's not true. Were fine, we had our bre—"
"Weh? Sabi mo pa nga sa akin gusto mo yung hotdog kasi toasted"
"Sinunga— mister governor"
Tumingin si gob kay Sam tapos sa akin, I raised my eyebrow to him. Kung pwede lang, I want what I said as a demand.
Tumango siya at tinawag na ang mga men in black niya para sumabay. Napangiti ako at tiningala si Sam, pikon pa ang mukha niya para na siyang sasabog sa inis.
"Tara na" Tinapik ko ang katabi kong upuan, pero bago pa siya makaupo ay nagsalita ulit si gob.
"Sam dun ka sa kabila"
Tiningnan ko siya "Bakit? Pwede naman siya rito sa tabi ko"
Paglingon ko ulit kay Sam ay nagmamartsa na siya papunta sa ibang pwesto. I glared at gob pero binaliwala lang niya iyon.